PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joey de Leon, Michael V on Comedy Challenges

Joey de Leon, ginawang tula ang speech ni Michael V tungkol sa comedians.
by PEP Troika
Published Oct 2, 2023
joey de leon michael v comedy
Joey de Leon (kaliwa), ginawang tula ang speech ni Michael V (kanan) tungkol sa hirap maging komedyante ngayong panahon na maraming restrictions at maraming opinyon.
PHOTO/S: TVJ Facebook / @michaelbitoy on Instagram

JERRY OLEA

Kabit-kabit at sala-salabat ang mga isyu sa Battle of the Noontime Shows, ang top newsmaker ng showbiz ngayong 2013.

Read: Ratings war explained: How are noontime shows faring amid new TV landscape?

Mula Hulyo 1, dalawang beses pa lang tinalo ng revamped Eat Bulaga! (GMA-7) ang E.A.T. (TV5) sa TV ratings.

May mga pagkakataong kinabog ng It’s Showtime (GTV) ang Eat Bulaga!.

Nagpainit lalo sa usapin ang papel ng MTRCB, na ang kasalukuyang chairperson ay si Lala Sotto, anak ni former Senator Tito Sotto na isa sa hosts ng E.A.T.

Read: MTRCB Chair Lala Sotto denies conflict of interest; ignores calls to resign

Pinatawan ng MTRCB ang It’s Showtime ng 12-day suspension kaugnay sa icing-ng-cake harutan nina Vice Ganda at Ion Perez noong Hulyo 25 sa “Isip Bata” segment ng programa.

Read: MTRCB suspends 'It's Showtime' for 12 days

Nitong nakaraang buwan ay ipinagdiwang ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang 3rd Philippine Film Industry Month, na ang tema ay “Tuloy Pa Rin Ang Tawanan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa closing ceremony noong Setyembre 29, 2023, Biyernes, sa Acacia Hotel sa Alabang, Muntinlupa City, ay honorees sina Vice Ganda, Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Michael V, Eugene Domingo, Ai-Ai delas Alas, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Nasa abroad sina Ai-Ai at Uge kaya nag-video message sila, at nagpadala ng representative.

Bukod-tanging si Michael V ang dumalo para personal na tanggapin ang award.

Read: Iconic Pinoy comedians, binigyang parangal sa 3rd Philippine Film Industry Month

Solid ang himutok ni Michael V kaugnay sa restrictions na ini-impose ngayon ng society sa mga komedyanteng gaya niya.

Read: Michael V, nagbigay ng opinion sa restrictions ng MTRCB sa mga komedyante

Sabi pa ni Michael V, namana siguro niya ang katigasan ng ulo (sa itaas) kay Joey de Leon, kaya masigasig siya na iangat ang antas ng pagpapatawa sa lupang hinirang.

Ang hinaing ni Michael V, isinatula ni Joey nitong Oktubre 1, Linggo ng 3:27 p.m. sa X (dating Twitter):

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Mahirap na ngayong magpatawa.”

Marami na ngayong namumuna,

Tingin nila mas magaling sila,

Sila ang dapat narito pala!

Eh ano ang tawag sa kanila?

Kung sa lugar mo’y ang tagal mo na?

Mas kwela sila palagay nila

Ayunnn…INGGITERO’T INGGITERA!

NOEL FERRER

Iisa ang hibla ng pagiging artist nina Tito Joey de Leon at Michael V.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pareho nating iginagalang at minamahal sa industriya, parehong nakakaranas ng mga pagsubok, batikos o kung anuman, pero nananatiling matatag sa kanilang pagiging mahusay na komedyante at tao.

Anuman ang pinagdadaanan nila, maaari nilang magawa itong sining. Iyan ang tatak ng kanilang galing.

Very creatively, hinaharap nila ang mga isyu ng buhay at karera, pero sa huli’t huli, itinataas nila ang level ng pagpatol.

Kaya nga sila henyo, di ba?

GORGY RULA

Samu't sari ang opinyon ng mga netizens sa post na iyun ni Joey de Leon sa X.

May ibang natuwa at bilib sa pagiging henyo ng E.A.T. host, may iba namang nagre-react na bakit daw sila maiinggit.

Ganoon talaga. Hindi naman lahat matutuwa sa mga ginawa mo.

Good vibes na lang daw sana, sabi naman ng ilang netizens.

Ang daming puwedeng punahin. May ibang mas kailangang bigyang-pansin.

Baka isa lang ito sa intellectual exercises ni Tito Joey.

Sabi nga niya nung kainitang ng isyu ng Eat Bulaga!, hindi niya akalaing sa edad niyang iyan ay relevant pa rin pala sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga ng binuo nilang karakter sa "Gimme 5" na segment ng E.A.T., “Leben leng! Leben leng!"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey de Leon (kaliwa), ginawang tula ang speech ni Michael V (kanan) tungkol sa hirap maging komedyante ngayong panahon na maraming restrictions at maraming opinyon.
PHOTO/S: TVJ Facebook / @michaelbitoy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results