PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Derek Ramsay at Ellen Adarna pursigidong magkaroon ng "Dragon" baby

Derek Ramsay "kinurot" ni Ellen Adarna sa mga intimate scenes niya sa Kampon?
by PEP Troika
Published Dec 19, 2023
ellen adarna derek ramsay kampon premiere
Derek Ramsay on trying to have a baby with wife Ellen Adarna: "Back to high spirits naman si Ellen. Actually, nung isang araw lang kami nagka-quality time again together. Kasi pareho kaming lutang sa dami ng nangyari, at siyempre dun sa nangyari sa amin. Medyo lutang kami. So, as husband and wife, first time namin without talking about it. We just woke up one morning and we spent some good time together."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Pursigido ang mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna na magka-baby sa 2024 dahil Year of the Dragon ito.

Halos lahat sila sa bahay ay Year of the Dragon kaya mas maganda raw sana kung pati ang magiging baby nila.

Read: Derek Ramsay “sumusubok na” after wife Ellen Adarna's IUD removal

"We really have three Dragons in my house—my nephew, my son is also a Dragon,” pakli ni Derek nang sandali naming nakatsikahan sa premiere night ng MMFF 2023 entry na Kampon noong Disyembre 18, 2023, Lunes, sa SM Megamall.

“So, the house is very, very lucky House of Dragons. We want our next child to be a Dragon.”

Paos na paos ang boses ni Derek dahil sa sobrang pagod sa MMFF Parade of Stars noong Disyembre 16, Sabado, sa CaMaNaVa area.

Read: MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, maayos na nairaos sa CaMaNaVa

Meron pa siyang sinalihang golf tournament nang sumunod na araw kaya bumigay na ang katawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ibang kasiyahan daw talaga ang dala ng mga taong nagtiyagang naghintay at masayang-masaya nang makita sila sa parada.

“It’s truly a great feeling especially nung ginawa namin yung parade. Feeling the energy of people who came out para manood, bumati, kumaway.

"Sobrang nakakatuwa. Nung tapos na yung parade, dun mo talaga naramdaman yung pagod.

"Kasi, yung energy ng tao kept you going. Kasi, from beginning to end kami. We stayed for the entire parade.

"So, it was nice to see that again, to experience that again. Talagang eto na," napapangiti niyang pahayag, kasi nga halos wala na siyang boses.

Ngayong tila nag-e-enjoy siya, tuluy-tuloy na ba ang pag-aartista niya uli?

"Unahin ko muna yung baby, please. We really wanna have a baby for 2024, Year of the Dragon. Kasi, Year of the Dragon kami pareho ni Ellen," sabi ni Derek.

Mabuti at okay na raw sila ni Ellen at nakakatawa yung kuwento ni Derek na sa kabila ng pagiging abala niya sa promo ng Kampon, nagkaroon na sila ng panahong mag-asawa para makabuo uli ng baby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Back to high spirits naman si Ellen. Actually, nung isang araw lang kami nagka-quality time again together.

“Kasi pareho kaming lutang sa dami ng nangyari, at siyempre dun sa nangyari sa amin. Medyo lutang kami.

"So, as husband and wife, first time namin without talking about it. We just woke up one morning and we spent some good time together," natatawa niyang pahayag na kulang na lang ay ikuwento niya kung ano ang ginawa nilang mag-asawa.

"Lutang na ako, e! Baka lahat, kung ano na, makuwento ko dito. Wala akong planong ikuwento lahat…

"Baka naman puwede ibang klaseng quality," natatawa pa niya uling kuwento.

Read: Derek Ramsay, ibinunyag na nakunan si Ellen Adarna sa first baby sana nila

Suportado si Derek ng pamilya niya sa premiere night ng Kampon. Sinamahan siya ni Ellen, at ng mommy at daddy niya na proud na proud sa kanya.

kampon cast

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(From left) Zeinab Harake, Erin Espiritu, Beauty Gonzalez, and Derek Ramsay

JERRY OLEA

Sa Kampon, masuyo ang pagniniig ng mag-asawang Clark (Derek Ramsay) at Eileen (Beauty Gonzalez) na ikinasal noon pang 2015.

Taong 2016 naka-one night stand ni Clark si Loretta (Zeinab Harake) sa Marinduque. Umaatikabo ang kanilang lampungan.

Ano ang reaksyon ni Ellen Adarna na katabi ni Derek sa premiere night ng Kampon?

Natatawang tugon ni Derek, “Well, may mga kurut-kurot. Di ba? But again, she’s a very supportive wife.

“We’re just professionals here. Beauty and I, I guess we’re on the edge of our seats when the scene came out, ‘Eto na!’

“And then yung sa amin ni Zeinab, sabi ko, ‘Thank God, yun lang pala yon?!’ Pinakita, hindi ko alam, hindi ko pa napanood yung buong film.

“Yun pala, papakita yung buong eksena later on in the film. So, akala ko, snippets, yun na yon, sabi ko, ‘Wow! OK, alright.’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kanino mas napalakas ang kurot ni Ellen?

“Tingnan natin kung buhay pa ako pag-uwi ko,” pagbibiro pa ni Derek.

“Hindi, hindi. Ellen has no problem with any of that. We were holding hands the entire film until lumabas lang siya.

“Kasi mahilig umihi yan, e. Yeah, but she kept on asking, ‘Mamamatay ka ba dito? Mamamatay ka ba dito?’

“I’m happy with what I saw naman on the screen.”

NOEL FERRER

Inusisa si Zeinab kung na-shorten ba yung intense na eksena nila ni Derek.

“Actually nung una pong lumabas yung scene namin ni Sir Derek, talagang akala ko, ayun na yon, e,” lahad ni Zeinab.

“Napa-yes pa ako nung una, e. ‘Ayun lang pala?!’ Nakahinga. Pero nung nakita ko nung pangalawang part na po nung scene, na pinakita na talaga yung buong ano…

“Wala naman pong na-cut. And siguro po, pinili lang po talaga nila yung by angle ng camera. Pero so far, OK naman po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandudun po yung untugan, yung mga kagatan na nangyari… and gaya po ng sinabi ni Sir Derek, lahat po tayo, naging professional lang dito.

“And happy po ako na nagawa ko po nang maayos yung part ko po.”

Kagaya ng Mallari ay R-13 ang rating ng Kampon.

Nasa cast din nito sina Nico Antonio, Cai Cortez, Nor Domingo, Kean Cipriano, Al Tantay, Lui Manansala, at ang seven-year old na si Erin Espiritu bilang Jade Bitangcol.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on trying to have a baby with wife Ellen Adarna: "Back to high spirits naman si Ellen. Actually, nung isang araw lang kami nagka-quality time again together. Kasi pareho kaming lutang sa dami ng nangyari, at siyempre dun sa nangyari sa amin. Medyo lutang kami. So, as husband and wife, first time namin without talking about it. We just woke up one morning and we spent some good time together."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results