PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Zeinab Harake ayaw pang magpatali sa alinmang TV network

Si Zeinab Harake na ba ang magiging karibal ni Herlene Budol sa 2024?
by PEP Troika
Published Dec 20, 2023
zeinab harake first movie
Zeinab Harake on staying true to herself: “Kasi lahat naman po ng lumalabas sa akin, mas pinipili ko lang po talaga na maging totoo sa sarili ko. And ayoko pong gumawa ng any… dahil pumasok ako sa showbiz, pipigilan ko yung sarili ko sa mga ganung bagay? Gusto ko pa rin pong ipakilala sa kanila kung sino po talaga ako as tao. Para po talagang malaman po natin kung sino po yung mga tatanggap at patuloy pa rin pong nandidiyan para sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

First starring role ni Zeinab Harake ang MMFF 2023 official entry na Kampon, kung saan bida rin sina Derek Ramsay, Beauty Gonzalez, at Erin Espiritu.

Ano ang reaksiyon ni Zeinab matapos mapanood ang sarili sa big screen nang mag-premiere ang pelikula noong Disyembre 18, 2023, Lunes ng gabi, sa SM Megamall?

“Parang naiwan pa rin po yung puso ko!” bulalas ni Zeinab.

“Actually kasi po ano, e, hindi ko naman po napanood yung buong eksena. And hindi naman kami nagkaroon talaga ng mga eksena.

“But overall po, parang napanood ko siya nang panibagong story sa mind ko, and tumatak talaga yung kaba, yung takot.

“Di ko rin po in-expect na ganun yung kalalabasan nung nagawa ko. So, maraming-maraming salamat po sa mga nandito!

“Nilaban ko talaga ito! Sana po, maging proud din kayo. Salamat po!”

Sa umpisa ng pelikula ay kapansin-pansin ang pagluha ni Loretta (karakter ni Zeinab) sa kaliwang mata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually yun po ang pinakamahirap na take ko sa buong movie, yung isang luha,” sambit ni Zeinab. Sa nasabing sequence ay ibinitin pa si Zeinab.

“Naka-harness po ako. Grabe po yung hilo, yung sakit. And yung pinakaeksena po na ano ang itsura mo pag namatay ka,” saad ni Zeinab.

“Kaya po talaga tinanggap ko yung Kampon. Kasi sabi ko po, gusto ko pong makakita ng kakaibang Zeinab.

“And tingin ko naman po, nakita ko po yung Loretta, hindi po si Zeinab. Nagampanan ko po nang maayos kung ano po yung gusto ng direktor, ng producer.

“Lalung-lalo na yung coach ko, management ko. Para po sa kanila po ito.”

Nag-Eye Mo ba siya para mapatulo ang luha sa kaliwang mata?

“Wala po. Actually maraming luha yun, di ba, Kuya Nico [Antonio]? Ang sinabi lang talaga nila, gusto daw nila ng isang luha lang,” pahayag ni Zeinab.

GORGY RULA

Pinagkaguluhan ng fans si Zeinab sa Parade of Stars noong Disyembre 16, Sabado sa CaMaNaVa area. Ang lakas ng sigawan sa kanya!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: MMFF 2023 Parada ng mga Bituin, maayos na nairaos sa CaMaNaVa

Pagkatapos mag-movie, naiisip na ba niyang magkaroon ng TV show? OK ba sa kanyang pumirma ng exclusive contract sa TV network?

“Siguro po, ano po, ako naman po, wala naman pa po akong plan mag-network,” sagot ni Zeinab nang mainterbyu ko bago ang premiere screening ng Kampon.

“Dahil focus po talaga ako sa anak, sa vlogging, and yung pag-aartista po na pinasok ko, ayoko po siyang biglain.

“Gusto ko po siyang bigyan ng time para unti-unti po hanggang maging successful din po ako sa field na ito.”

Nasangkot siya sa mga kontrobersiya. This time na artista na siya at mas malapit sa mga intriga, maingat na ba siya?

Read: Zeinab Harake slams Wilbert Tolentino for spreading "lies" about money issue

“Ano lang po, siguro po yung pag-iingat… pagiging authentic pa rin po at pagiging totoo sa sarili ko,” sambit ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi lahat naman po ng lumalabas sa akin, mas pinipili ko lang po talaga na maging totoo sa sarili ko.

“And ayoko pong gumawa ng any… dahil pumasok ako sa showbiz, pipigilan ko yung sarili ko sa mga ganung bagay?

“Gusto ko pa rin pong ipakilala sa kanila kung sino po talaga ako as tao. Para po talagang malaman po natin kung sino po yung mga tatanggap at patuloy pa rin pong nandidiyan para sa akin.”

Tahimik ang love life niya ngayon.

“Tahimik, talagang nasa peace of mind po ako. Sobra po!” pagngiti ni Zeinab.

Tahimik at seryoso. Papunta na sa wedding?

Napatili si Zeinab, “Wedding?! Aaayyy!!! Siguro bibigyan pa natin ng konti pang panahon. But ako, naglu-look forward din naman po ako sa pagse-settle.

“Dahil medyo family girl kasi po talaga ako. Sobra po talaga.” Next year na ba iyong pagse-settle down?

“Ay! Hindi pa naman agad-agad! Bibigyan pa natin ng konting oras para mas lalo naming makilala ang isa’t isa,” paglilinaw ni Zeinab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero pinag-uusapan po namin.”

Read: Zeinab Harake sees herself settling down with boyfriend Bobby Ray Parks Jr.

NOEL FERRER

Magtatagal ba siya bilang artista sa showbiz, o panandalian lamang?

Sagot ni Zeinab, “Twenty-five pa lang po ako. At alam ko pong marami pa po akong mapagdadaanan sa mundong tinatahak ko ngayon.

“And unti-unti po, hindi po ako mawawala kahit po sa pagva-vlog.”

Seryoso siya sa kanyang career?

Mabilis na tugon ni Zeinab, “Opo! Grabe po yung pagpu-pursue ko sa karakter ni Loretta, grabe po talaga.

“Sabi ko nga, hindi si Zeinab yung makikita nila rito — si Loretta mismo. And ginawa ko po yung para ibigay sa producer, sa director kung ano po yung para sa kanila talaga.

“Dahil yun po ang nararapat. Grabe po yung hard work nila. And wala po ako sa posisyon para hindi gawin ang tama, kung ano ang dapat kong gawin.”

Open siya sa sexy roles?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro po ano, hindi lang yung sobra. Kasi po, babae po yung anak ko,” saad ni Zeinab.

“And yung mga pinapakita ko namang pagpapa-sexy sa social media, yun lang po yung pagiging confident ko sa katawan ko kahit may anak na.

“Kumbaga, hindi ko po kaya pag nakikita ng ibang tao. Yung mga pose ko, ako lang naman ang nagpi-picture nun.”

Sa 2024, baka siya ang maging karibal ni Herlene Budol aka Hipon Girl?

“Ayyy!!! Wala naman pong karibal. Lahat naman po e magkakasuportahan,” sey ni Zeinab.

“And ano naman po ako, happy naman po ako talaga.”

Sana, mag-grow pa si Zeinab as an actress. In fairness, andaming nakakilala sa kanya sa MMFF 2023 Parade of Stars, ha?!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zeinab Harake on staying true to herself: “Kasi lahat naman po ng lumalabas sa akin, mas pinipili ko lang po talaga na maging totoo sa sarili ko. And ayoko pong gumawa ng any… dahil pumasok ako sa showbiz, pipigilan ko yung sarili ko sa mga ganung bagay? Gusto ko pa rin pong ipakilala sa kanila kung sino po talaga ako as tao. Para po talagang malaman po natin kung sino po yung mga tatanggap at patuloy pa rin pong nandidiyan para sa akin.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results