NOEL FERRER
Sa wakas, nagkita na si Faith Da Silva, ang kakambal niyang si Silas, at ang kanilang ama na si Dennis Da Silva.
Naganap ang pagtatagpo nila ngayong Disyembre 20, Miyerkules.
Salamat kay General Gregorio Catapang sa pag-aayos ng pagkikita ng mag-aama sa Maximum Security Bucor sa Muntinlupa, kung saan nakakulong si Dennis.
Ang saya lang dahil ito naman ang diwa talaga ng Pasko.
Sina Faith at Silas ay anak ng dating aktor na si Dennis kay Tina King — at hindi pa sila nagkikita since ipinanganak si Faith.
Salamat kay Kuya Kim Atienza na naluluha pang ikinuwento sa amin ito.
Ang sabi niya, “Sooo happy for healing. Merry Christmas to faith, silas and dennis.”
Magkasama sina Kuya Kim at Faith sa TikToClock.
This is one really good Christmas story.
GORGY RULA
Ilang beses na rin naming pinag-usapan iyan ni Faith sa mga nakaraang interviews.
Gusto niya talagang magkita na sila ng kanyang ama. Pero hindi ganoon kadali para sa aktres. Marami siyang iku-consider.
Isa na rito ang pamilya ngayon ni Dennis na nandiyan namang nakabantay sa dating aktor.
Sabi nga ng ilang taong malapit kay Faith na nakausap namin, hindi ganoon kadali sa Kapuso actress na puntahan at makita ang kanyang ama.
Kailangan daw muna niyang magpasintabi sa pamilya ni Dennis.
Bukod pa riyan, kailangang paghandaan din daw ni Faith ang sarili bago niya harapin ang kanyang ama.
First time niyang makita ang kanyang ama, kaya dapat buo raw ang loob niya at handa na siya talaga.
Tama lang ngayong Pasko, dahil ilang Pasko na ring nagdaan na isa ito sa hinihiling niya sa kanyang mga dasal sa Panginoon.
Tinutukan pala ng 24 Oras itong pagkikita ng mag-aama. Kaya abangan ito mamayang gabi sa naturang news program sa GMA-7.
Samantala, may balita rin kaming nasagap na malapit na rin daw lumaya si Dennis Roldan. Pero hindi pa ito kinumpirma sa amin ng ilan sa miyembro ng pamilya.
Tutukan din natin iyan, at sana nga matuloy na ito.
Read: Faith da Silva, hindi dinadalaw ang ama at dating aktor na si Dennis da Silva sa kulungan
JERRY OLEA
Ipinost ni Faith sa Instagram ang litrato nilang mag-aama.
“Thank you God for this heart warming gift this Christmas,” sey ni Faith.
Nagpasalamat si Faith kina Kuya Kim Atienza at Gregorio Catapang “for making this happen.”
Sa Facebook, Faith shared the post of Sparkle GMA Artist Center:
“Faith Da Silva and her dad Dennis Da Silva’s reunion is a beautiful reminder of the power of family.
“After years of being apart, Faith Da Silva and his dad, former actor Dennis Da Silva, were finally able to embrace each other for the first time when Faith visited him at the Muntinlupa City Jail.”
Sumaatin ang diwa ng Pasko!!!
