JERRY OLEA
Isang linggo nang nangunguna ang A Very Good Girl sa Top 10 Movies in the Philippines Today ng Netflix.
Mula Disyembre 29, 2023, Biyernes, hanggang Enero 4, 2024, Huwebes, ay nasa top spot ng nasabing talaan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.
Read: A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon No. 1 na sa Netflix
Two days nang nasa pangalawang puwesto ang Monday First Screening nina Gina Alajar at Ricky Davao.
Read: Gina Alajar first time mapanood ng mga apo bilang artista sa Monday First Screening
Ang dalawang pelikulang ito na lamang ang gawang-Pinoy sa Top 10 most watched movies ng Netflix PH. Naligwak na sa listahan ang I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial.
Para sa taong 2023, labing-apat na Pinoy movies ang nag-number one sa Netflix PH:
An Inconvenient Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (Pebrero 25-27)
Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi (Marso 27-Abril 1)
Hello Universe ni Janno Gibbs (Abril 27-29)
Missed Connections nina Miles Ocampo at Kelvin Miranda (Hunyo 5-12)
Seasons nina Carlo Aquino at Lovi Poe (Hulyo 9-15)
Love You Long Time nina Carlo Aquino at Eissel Serrano (Agosto 24-29)
What If nina JM de Guzman at Alessandra de Rossi (Setyembre 9-16)
The Cheating Game nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose (Oktubre 28-29)
Third World Romance nina Carlo Aquino at Charlie Dizon (Nobyembre 18-20)
The Hows of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (Disyembre 4)
Mamasapano: Now It Can Be Told nina Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, at Edu Manzano (Disyembre 5-7)
Kidnap for Romance nina Cristine Reyes at Empoy Marquez (Disyembre 9-10)
I Love Lizzy nina Carlo Aquino at Barbie Imperial (Disyembre 19 at 21)
A Very Good Girl (Disyembre 29 and counting)
Sa labing-apat na pelikulang iyan, apat ay si Carlo Aquino ang leading man!
Read: Carlo Aquino, ratsada ang mga pelikula sa sinehan man o online
Sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines sa Netflix, tatlo lamang ang likhang-Pilipino na nagkampeon:
Maria Clara at Ibarra nina Barbie Forteza, Dennis Trillo, Julie Anne San Jose, at David Licauco (Abril 16-Mayo 7, Mayo 11-14, Mayo 19)
Can’t Buy Me Love nina Donny Pangilinan at Belle Mariano (Oktubre 16-Nobyembre 7, Nobyembre 10, Nobyembre 12-23)
Replacing Chico nina Alessandra de Rossi, Sam Milby, at Piolo Pascual (Nobyembre 27, Disyembre 1-3)
NOEL FERRER
OK naman tayo sa Netflix, pero as of now, time out na muna ako lalo pa’t there are enough content naman na palabas sa sinehan that truly needs our support!
Parang ganun nga yata ang siste ko na lang, magne-Netflix ako kapag walang OK na mapanood sa sine.
Pero as of now, gusto at pasya ko munang suportahan pa ang sampung lahok sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF) na palabas pa rin sa mga sinehan hanggang ngayon.
Tangkilikin po natin at at tuluyang suportahan.
Maligaya kami at nagbabalik na ang mga kababayan natin sa sinehan! Sana, magtuluy-tuloy na ito!!!
GORGY RULA
Sa totoo lang, may ilan pang producers na nakausap ko na lalo silang ginanahang gumawa ng pelikula dahil sa magandang resulta ng MMFF 2023.
Malaking bagay rin daw na may fallback sila na streaming services, kagaya ng Netflix, na puwede nilang pagbentahan.
Naniniwala silang gandahan lang ang pelikula, mababawi mo ang ipinuhunan mo at makakagawa ka pa uli ng ibang material.
Sana, pagkatapos nitong MMFF, makakagawa pa ng magagandang pelikula ang film producers natin.
Pero sana, meron talagang pang-streaming service kagaya ng Netflix at iba pa, at iba rin yung pang cinema release.
