GORGY RULA
Nagpapasalamat si Alfred Vargas sa suporta ng Noranians sa pelikula nila ni Nora Aunor na Pieta.
Ilang araw silang nagpapa-special screening at lahat ito ay sold out.
Sabi ng aktor at konsehal ng District 5 ng Quezon City, wala silang balak magpa-special screening, pero hinihingi raw ng Noranians.
“Ako, honestly, medyo nagulat ako sa clamor ng mga Noranians. May kanya-kanya palang chapter yan. Visayas, Mindanao. Merong U.S., Canada, Middle East, merong Europe, merong Italy.
"Grabe, merong nagre-request na sila. Yung iba, kahit hindi makapanood, gustong bumili ng ticket for the sake of ano….
"Grabe yung following ni Ate Guy talaga, Superstar Nora Aunor,” bulalas ni Alfred nang nakapanayam namin sa DZRH nung Biyernes, January 5, 2024.
View this post on Instagram
Nakatutok pa rin ngayon si Alfred sa pagbabantay sa kanyang asawang si Yasmine Espiritu, na nagsilang ng kanilang ikaapat na anak, kaya hindi pa raw niya napapanood ang Pieta.
Read: Alfred Vargas reveals wife Yasmine Espiritu's ordeal before giving birth to fourth child
Hindi pa niya masabi kung kailan ii-schedule ang theatrical screening ng Pieta, at gusto raw niya sa sinehan ito mapanood kasama si Ate Guy.
“Kung papanoorin ko, gusto ko kasama ko na si Ate Guy. Definitely we will show it on a much, much bigger stage later this year siguro.
“Itong mga special screenings na ito, request lang ng mga tao,” pakli ni Alfred.
Magkakaroon pa rin daw sila ng screening sa Dubai, sa U.S., at Europe.
“Kakausapin pa namin si Ate Guy kung gusto niyang sumama o makakasama siya. Kasi siya talaga yung hinahanap ng mga tao dun,” dagdag niyang pahayag.
JERRY OLEA
Magandang senyales itong magandang resulta ng MMFF 2023, kaya umaasa silang ganun din ang ibibigay na suporta sa Pieta.
Saad ni Alfred, “Kahit ano pang mangyayari, it’s a very, very good sign na successful ang ating Metro Manila Film Festival.
"And ngayon nagbabasa ako ng mga reviews, at nakita ko maraming magagandang pelikula talaga.
“As a producer, I’m very, very happy na ganito yung outlook natin ngayong ano na… forward looking now at 2024.
“And we’re hoping na sana mas marami pang maengganyo na pumunta talaga sa theater para magbayad at maano talaga yung theatrical experience, kasi iba talaga pag nanonood ka ng pelikula sa theater.
"Tapos at the same time, lalong natutulungan pa nila yung industriya natin."
Aminado si Alfred na nandiyan ang panghihinayang niyang hindi nakapasok sa MMFF ang pelikula nila ni Ate Guy.
Read: Here are the 24 finished films that did not make it to MMFF 2023 official entries
“Aminin ko sa inyo, a part of me nanghihinayang pa rin na sayang, bakit hindi nakapasok yung Pieta.
“Honestly, there will always be na sayang, sana nakapasok kami. Pero ganun talaga, baka hindi pa talaga meant to be, malay natin baka balang araw, di ba?”
View this post on Instagram
Nasa alituntunin ng MMFF na hanggang dalawa lang bawat specific genre ang pipiliin.
Base sa script ay dalawa na ang napiling drama sa First 4 — ang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, at ang Family of Two (A Mother and Son Story) nina Sharon Cuneta at Alden Richards.
Isinumite bilang finished film iyong Pieta nina Nora at Alfred, pati iyong In His Mother’s Eyes nina Maricel Soriano at L.A. Santos.
Parehong drama ang dalawang pelikulang ito, kaya malabo talagang ikunsidera pa sila sa 49th MMFF.
Record-breaking ang kinita ng MMFF 2023 kaya vindicated ang MMFF 2023 Selection Committee sa napili nilang official entries.
Read: Bakit ligwak ang mga pelikula nina Nora, Maricel, Claudine, Nadine, Donny sa MMFF 2023?
NOEL FERRER
Hindi pa masabi ni Alfred kung makakapag-produce siya ngayon ng pelikula dahil gusto muna nilang ipalabas sa mga sinehan ang Pieta.
Gusto rin muna niyang mag-focus sa kanyang pamilya, lalo na’t sobrang hirap ang pinagdaanan ni Yasmine sa huli nitong pagbubuntis.
Tinanong na rin namin si Alfred kung may balak pa ba sila ni Yasmine na masundan ang bunso nilang si Aurora Sofia. Gusto pa ba nilang magka-baby No. 5?
Ani Alfred, “Pinag-usapan na rin namin with her OB. Pero ang ano namin, pag-iisipan pa muna namin.
"Kasi ayaw din naming magdesisyon ng ano, e… ng alam mo, yung sabi nila, ‘Don’t make decisions when you’re under pressure. When you just came from something difficult.’
“Siguro by this year, magdedesisyon kami kung ano yung tamang ano para sa aming pamilya.
“Pero for now, ini-enjoy muna namin, control muna tayo, kaya naman.
"Control muna tayo, tapos pag napag-usapan naming mag-asawa, saka kami lalapit ulit sa doctor.”
