JERRY OLEA
Pa-thirsty si Dave Bornea noon pa man sa socmed, lalo na kung kumakaldag-kaldag siya at may konting pa-bulex o pa-karug.
Read: Dave Bornea, hanggang saan ang kayang ipakita sa pelikula?
Mas nakakapag-init ang kakisigan ni Dave sa campy movie na Isla Babuyan, kung saan meron silang harutan ng bidang babae na si Geraldine Jennings.
Wala siyang butt exposure, pero may sorpresa raw siya sa mga manonood ng kanilang pelikula.
“Yan yung sinasabi ko na not the usual role na ginagawa ko,” sabi ng Kapuso hunk sa mediacon noong Enero 5, 2023, Biyernes, sa Fish and Claw Grill, Timog Avenue, Quezon City.
“Kasi yung mga roles ko before, that was like more on sweetheart, medyo decent, formal, alam mo yun.
“And right now, medyo nag-level up tayo ngayon. There are scenes na… ayoko kasing mag-spill ng details! Baka kasi spoiler, alam mo yun.”
Basta, bold and daring?!
“Mature na, you’ll see, you’ll see. It’s about time na mag-step up naman,” napapangiting sambit ni Dave.
“Humuhugot pa rin tayo ng confidence on that, pero pa’t iba rin yung nasa screen, na gumagalaw ka kesa yung pictures sa Instagram.
“For now, I’m stepping up. Gusto ko namang mag-explore din sa craft ng acting. So yun, makikita niyo pa ako sa mga ganung eksena lalo na sa taong ito.”
Paano niya pinaghandaan ang maselang eksena niya sa Isla Babuyan?
Napabuntong-hininga si Dave, “Well, the preparation was not that bad naman. Kasi I can relate my character sa buhay ko before as a probinsyano.
“And ang ano lang, the things na pinag-prepare namin is yun nga, the comfortability of my co-actor.
“So yun, so far and so good. Magagaling ang mga kasama ko. And kaabang-abang po siya.”
Maliban kina Dave at Gerald, nasa cast ng Isla Babuyan sina Jameson Blake, Paolo Gumabao, Nathalie Hart, James Blanco, Samantha da Roza, at Lotlot de Leon.
Ano ang masasabi o mararamdaman niya kapag tinawag na siyang isa sa mga "Lalaki sa Babuyan," o "Lalaki sa Isla Babuyan?"
Napakunot-noo si Dave, “Ang mga lalaki sa Babuyan? Ayun talaga, mabababoy ka din. Joke! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! “Hindi, yun lang. Yun lang. Yun lang ang masasagot ko — mabababoy ka din.”
GORGY RULA
Hindi pa naman pam-Vivamax ang kapangahasan ni Dave Bornea.
Paglilinaw ng Kapuso hunk actor, “I can’t see myself there. I’m not against. May mga tropa po ako, nasa Vivamax.
“For me, wala pa. I can’t see myself there. Yung mga romantic movies, puwede pa ako. Pero yung masyadong medyo deeper pa dun, or darker pa dun, I don’t think I can.”
Ang co-actor niya sa Isla Babuyan na si Jameson Blake, sa first movie pa lang nito na 2 Cool 2 Be 4gotten (2016) ay meron nang butt exposure. Hindi pa raw kaya ni Jameson na mag-frontal nudity.
Read: Jameson Blake level up ang ipapakita sa pelikulang Isla Babuyan

Dave Bornea and Jameson Blake
E, si Dave, ano pa ang kakayanin niya?
“Maybe dun muna tayo sa butt exposure ata. Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi, hindi!” sambit ni Dave.
“I don’t know, I don’t know. For now talaga, ayoko na munang magsalita nang tapos. Pero let’s see kung anuman yung ibibigay, and let’s see kung… alam mo yun.
“Ako, pinapakiramdaman ko lang po talaga lahat. And if the material is good, and yung role naman, hindi naman siya nase-set aside, alam mo yun, or napapansin naman siya. So why not?”
Kaya na ba niyang makipag-torrid kissing scene sa kapwa lalaki?
“Hindi ko pa po alam. Ha! Ha! Ha! Ha! I don’t know, I don’t know. Pero let’s see, let’s see. Tingnan lang po, tingnan natin.”
Ano ang pakiramdam niya sa mga nagpapantasya sa kanya?
“Flattering din siya, alam mo yun? Kasi for me, it boosts my confidence, alam mo yun?” lahad ni Dave.
“My self-esteem. My ego somehow. Pero yun nga, at the same time, nakakatuwa din. Na mas lalo kong i-improve yung sarili ko, character development, physical development.”
Siyempre, may mga indecent proposal din sa kanya.
“Ay! Hindi naman maiiwasan po yun, e! I’m just being true to them, magiging totoo lang din ako,” saad ni Dave.
Hindi raw siya nagre-reply sa mga DM online.
“Pagdating sa personal, straight to the point naman po ako. Halimbawa, sa event, may ipinapakilala sa akin. Hindi maiiwasan na may hirit na alam mo yun,” sabi ni Dave.
“E, alam mo na ang mga ganyang bagay, ako, straight to the point naman po ako. So sinasabi ko naman, ‘Hindi po. Wala akong intensyon,’ na alam mo yun.
“Gusto ko lang kung ibinibigay nyo po yan nang buong puso, OK lang. tatanggapin ko po yan.
“Pero kung may kapalit, ayoko. He! He! He! Ganun po ako, straight to the point po ako.”
Ayaw isiwalat ni Dave kung ano ang pinakamalaking offer sa kanya kapalit ang kanyang katawan, dahil dini-disregard daw niya agad ang ganoon.
NOEL FERRER
Kahit nakapagbida na si Dave ay OK lang sa kanyang maging support muli.
Katuwiran ni Dave, “Sa akin kasi, I wanna be more flexible and versatile as an actor. Kasi, ayokong masyadong parang i-limit yung kapasidad ko bilang aktor.
“So OK lang sa akin if I go down with the support. Wala namang problema, e.
“I wanna learn more and more lalo na sa mga nakakatrabaho kong veterans, like si Miss Lotlot. So yun po, yun lang ang nilu-look forward ko na makatrabaho pa ang mga ito.”
Good luck, Dave!
