PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs, Bing Loyzaga: Bonding in Grief

Janno Gibbs at Bing Loyzaga, "binisita" ng yumaong ama na si Ronaldo Valdez.
by PEP Troika
Published Jan 17, 2024
janno gibbs bing loyzaga japan
Janno Gibbs reveals that he and wife Bing Loyzaga have become closer after the passing of his father, veteran actor Ronaldo Valdez.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram

JERRY OLEA

Maliban sa legal counsel niyang si Atty. Lorna Kapunan, kasama ni Janno Gibbs ang sister na si Melissa Gibbs at wife na si Bing Loyzaga sa mediacon noong Enero 15, 2024, Lunes, sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

Read: Janno Gibbs narrates crime scene investigation after dad Ronaldo Valdez was found dead

Ano ba ang status nina Janno at Bing?

“Actually, mas naging close pa kami uli dahil dito,” pag-amin ni Janno, na ang tinutukoy ay ang malagim na pagpanaw ng daddy niyang si Ronaldo Valdez.

“Alam naman ng lahat na I was staying in the other… dalawang unit yun, so I was staying in the other unit with my dad.

“Pero ngayon, wala. Tabi kami uli matulog ni Bing.”

Read: Janno Gibbs explains why he and wife Bing Loyzaga still sleep in separate bedrooms

Nag-stay si Janno sa tabi ng daddy niya matapos madiskubre ang malagim na insidente. Kinausap niya ito at hinalikan habang hinihintay ang pulis at ambulansiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita ni Bing ang eksena, pero hindi nito natagalan.

Read: Janno Gibbs inilahad ang huling sandali kapiling ang amang si Ronaldo Valdez

Pagpapatuloy ni Janno, “Para alam niyo rin, for quite some time, hindi na kami magkatabing matulog. But we still function… kahit nung time na yun, husband and wife pa rin ang function namin.

“Araw-araw nandun ako. Lumalabas kami kahit kaming dalawa lang. Nagdi-date pa rin kami.”

Kinailangan nila ni Bing ang pagdamay sa isa’t isa…

“Yeah. Saka kaming dalawa yung nakakita talaga. So… siya nga, nanaginip siya na parang binisita siya,” pagtatapat ni Janno.

“Nung first night. Ako, kinakausap ko ang daddy ko, e. ‘Pa, huwag mo akong bibisitahin, ha?! Alam mo, matatakot ako!’ Kinakausap ko siyang ganun.

“So si Bing, nung first night, magkatabi kami, nanaginip siya. Pagtingin niyang ganun, nasa gitna namin yung daddy ko!

“Na sabi, ‘O! OK naman ako,’ yung usual ano niya. ‘Kita mo, OK naman ako.’ Naku!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Siyempre si Bing, paggising, ano siya… shaken siya. Shaken.”

GORGY RULA

Ano ang nami-miss ni Janno sa daddy niya ngayong wala na ito?

“Yung breakfast. Every breakfast magkasama kami, dahil magkasama nga kami sa bahay,” lahad ni Janno.

“Nandito kami, tapos lilipat kami sa kabilang unit. Dun ang kainan, e. Breakfast kami together, early. Tapos kasama na ang tsikahan dun. ‘Uy! Nabalitaan mo ba yung…’

“Nagma-Marites kami. ‘Nabalitaan mo na ba yung ganito,’ ganyan-ganyan.

"So, yun ang nami-miss ko. Yun ang time namin. Alone time namin.”

NOEL FERRER

OK kay Janno Gibbs na ipalabas na sa Enero 24 ang pelikulang Itutumba Ka Ng Tatay Ko, kung saan bida at direktor siya. May special participation dun ang ama niyang si Ronaldo Valdez.

Bahagi na rin iyon ng pagmu-move on niya sa grief, para maging masaya na rin siya.

“Kaya lang, ang ano ko dun… kasi in fairness, sa totoo naman, masaya na ako,” sabi ni Janno.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya naman ako, e. Hindi naman ako yung… Kanina lang, kasi nga, binabalikan yung nangyari.

“Kaya lang siyempre… alam mo na, paparatangan ka naman na, ‘O?! Masaya na to?!’ Di ba?”

Kasabay ng showing ng Itutumba Ka Ng Tatay Ko ang GG The Movie kung saan nasa cast din si Tito Ronaldo.

Dagdag ni Janno, “Yun na nga lang, yung… maganda rin kasing… kaya magandang i-showing na rin yung movie, para…

“Kasi ang… as of now, ang naiisip ko sa kanya, malagim. So maganda para mabura… para yun ang ipalit.

“Yun ang ipalit, makita siya na buhay na buhay. Guwapung-guwapo.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs reveals that he and wife Bing Loyzaga have become closer after the passing of his father, veteran actor Ronaldo Valdez.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results