GORGY RULA
Hindi na nagtagal si Pauleen Luna sa hospital.
Na-discharge na siya nung Huwebes, January 25, 2023, matapos sumailalim sa Caesarian operation.
Hindi raw siya nahirapan. “Parang normal delivery lang [laugh emoji,” text ni Pauleen sa amin.
Ipinost na rin ni Pauleen sa kanyang social-media account ang napili niyang pangalan sa kanyang second baby: Thia Marceline.
Read: Pauleen Luna Sotto introduces second baby Thia Marceline Sotto
Matagal din bago nakapag-decide si Pauleen sa ibibigay na pangalan para walang magtampo.
May nag-suggest kasi na gamitin ang pangalan ng mga magulang ni Bossing Vic Sotto, pero naisip niya na baka magtampo ang kanyang Mommy at Daddy.
Kaya ayun, ang Thia ay kuha sa Mommy ni Pauleen na si Cynthia, at ang Marceline ay sa Daddy ni Bossing Vic na si Marcelino.
Siyempre, si Mommy Chat ang pinaka-happy.
Bumagay naman dahil si Tali ang panganay nilang anak, si Thia naman ang bunso. Parehong nag-start sa letter T.
Ang nickname ni Thia ay Mochi.
NOEL FERRER
Puring-puri ni Pauleen ang panganay niyang anak na si Tali dahil nakikita nito ang sobrang excitement para sa kanyang baby sister.
Read: Tali Sotto celebrates 6th birthday in Tokyo, Japan
Pero hindi rin daw nakalimutan ni Tali ang Mommy niya, na lagi raw niyang tsini-check si kung okay na ito.
“Happy siya! Pero mas concerned siya sa akin, kung kumusta daw ako, kung may sakit ba daw ako etc… napakabait na bata talaga,” sabi pa ni Pauleen.

JERRY OLEA
Masusundan pa kaya si Mochi? Magta-try pa ba sina Pauleen at Bossing Vic na makabuo ng baby boy?
For now, i-e-enjoy na muna nila siyempre si Thia.
Kapag caesarian, di ba, kailangan daw magpalipas muna ng two years bago ma-preggy muli ang isang babae.
Read: Pauleen Luna flaunts last pregnancy selfie before arrival of baby no. 2
