GORGY RULA
Wala pang ideya ang talent manager na si Popoy Caritativo kung anong project ang ibibigay ng GMA-7 sa nagbabalik na actor-singer na si Tom Rodriguez.
Read: “Welcome home!” Tom Rodriguez is back in PH
Halos dalawang taong nasa Amerika si Tom pagkatapos pumutok ang balitang hiwalayan nila ni Carla Abellana.
Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal
Nabanggit sa amin ni Popoy nung nakaraang taon na baka January 2024 ay babalik na raw si Tom ng Pilipinas.
Habang nasa Amerika kasi ang Kapuso actor ay naka-hold ang kontrata ni Tom sa GMA-7, at nakakahiya naman daw kung mananatili itong naka-hold. Kaya tinanong namin si Popoy kung ano na ang naka-lineup na project sa nagbabalik na aktor.
May narinig kasi kaming isang prime time drama daw ang unang ibibigay ng GMA-7 kay Tom. Hindi pa raw alam yun ni Popoy.
“Sana nga,” pakli ng talent manager.
“Naghihintay pa ako ng tawag, e. Wala pa silang sinasabi.
“Although, sinabihan na ako na pinaghahanap na siya ng magandang project. So, puro guestings muna siya.”
Wala pang sinasabi si Popoy sa amin kung handa na ba si Tom magsalita tungkol sa kanila ni Carla.
Wala pa naman daw naka-schedule na guesting ni Tom sa Fast Talk With Boy Abunda.
Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana's love story: a timeline
JERRY OLEA
Bago dumating si Tom ay pinag-usapan ang pagreto ni Kris Aquino sa kilala niyang doktor para kay Carla. Pero wala namang sagot si Carla dun.
Read: Kris Aquino rallies on amid health battle; plays matchmaker to Carla Abellana
Noon pa man ay sinasabi ni Carla na meron namang nagpaparamdam sa kanya, pero wala pa raw sa isip niyang pumasok sa panibagong relasyon.
“Wala naman pong naging consistent. Wala naman pong anything serious or what na nag-push through or nanligaw, wala naman po,” sabi ni Carla noon sa media conference ng Stolen Life.
“Hindi ko pa po masasabi kung open. Pero ayoko naman pong sabihin na, 'Ay, ayoko na!' Parang ganun.
“Kumbaga, kung ano na lang po ang dumating, di ba po? Kumbaga, go with the flow kumbaga sa buhay, parang ganun… kung mag-close naman po ng doors. Pero ayoko naman din po mag-jump,” safe pang pahayag ng Kapuso actress.
Read: Carla Abellana: "Ayoko nang mag-asawa. Pero..."
Pero ngayong nandito na si Tom, haharapin na nilang dalawa ang proseso ng pagpapatibay ng divorce na nai-file ng aktor sa Amerika.
Sinasabi naman noon ni Carla na matagal ang prosesong ito dito sa atin, na kailangan daw nilang i-recognize yung divorce decree na ipinasa ni Tom sa Amerika.
Ani Carla, “Dito sa Pilipinas ibang proseso po siya e. Parang petition po siya e. So, ongoing po yun.
“Kumbaga, yung ating local court, tatanggapin po nila yun. Kailangan po nilang i-recognize yung decree na iyun, yung divorce decree. So, yun po ang parang gagawin na i-update yung status namin dito.”
Kaya dito sa ating bansa ay mag-asawa pa muna sila.
“Divorced po technically, pero dito po sa Philippines, in the process pa po yung pag-recognize po ng divorce decree,” sabi pa ni Carla.
Read: Carla Abellana: "I honestly don’t see myself getting married again."
NOEL FERRER
Nung napabalitang dumating na sa bansa si Tom Rodriguez, marami ang naintriga sa ipinost ni Carla na artcard sa kanyang Instagram account:.
Nakasaad dito: “Marriage is hard. Divorce is hard. Choose your hard.
“Obesity is hard. But being fit is hard. Choose your hard.
“Being in debt is hard. Being financially Disciplined is hard. Choose your hard.
“Communications is hard, Not communicating is hard. Choose your hard.
“Life will never be easy. It will always be hard. But we can choose our hard. Pick wisely.”
