PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cassy Legaspi nililigawan na ni Michael Sager?

Cassy Legaspi at Darren Espanto, mag-best friends lang talaga?
by PEP Troika
Published Feb 1, 2024
michael sager cassy legaspi
Usap-usapang nagkakamabutihan na ang Tahanang Pinakamasaya co-hosts na sina Michael Sager at Cassy Legaspi, pero tikom tungkol dito ang bibig ng mga malalapit sa dalawa.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Kapansin-pansin ang sigla at saya ni Cassy Legaspi sa GMA-7 noontime show na Tahanang Pinakamasaya ngayong Huwebes, Pebrero 1, 2024.

May mga hugot siya sa segment na "Games sa Gedli," kung saan kung pupunta ang contestant sa "Nanka" (kanan) station, ibig sabihin ay true o totoo. Pag pupunta naman sila sa "Wakali" (kaliwa), ibig sabihin ay false.

Hirit ni Cassy, “Kagaya ng pag-ibig ko sa kanya. Pag wakali, false, kagaya ng pag-ibig niya sa akin. One-sided, e.”

Sinundan ito ng tukso nina Isko Moreno at Paolo Contis na napapansin daw nilang blushing at blooming si Cassy.

“Kasi February na, season of love. Self-love, self-love. Self-love, di ba?” buwelta naman ni Cassy.

May duda kaming inspired o in love ngayon ang anak nina Zoren Legaspi at Cassy Legaspi.

Matagal na naming naririnig na pinopormahan si Cassy ng kasamahan niya rin sa noontime show na si Michael Sager, at napapansin din ng ilang netizens na madalas magkasama silang lumalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang beses na namin kinukulit ang mga katsikahan namin sa TAPE, Inc. pero wala silang maayos na sagot.

Kahit noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 na nagpu-promote pa si Cassy, kasama si Darren, ng When I Met You In Tokyo, naririnig na naming nililigawan daw siya ni Michael.

Pero iniiwasan nilang pag-usapan ito.

Read: Cassy Legaspi gives short answers about friendship status with Kyline Alcantara

Kahit nitong nakaraang media conference ni Michael kasama si Zephanie, iniiwasan ding itanong ang tungkol sa kanila ni Cassy.

Pero nahahalata na sa tuksuhan nila sa Tahanang Pinakamasaya, kaya nagtatanong ako sa kanila kung may "something" na ba talaga kina Cassy at Michael. Wala kaming natanggap na sagot.

Lalo tuloy kaming nagdududang nagkamabutihan na ang dalawa.

Tatanggapin kaya ito ng fans nina Cassy at Darren?

JERRY OLEA

Ka-love team ni Michael Sager sa katatapos na Sparkle U si Zephanie.

Read: Zephanie at Michael Sager, parehong career muna bago love life

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naka-love interest din ni Michael for a while si Jillian Ward sa Abot-Kamay Na Pangarap.

Inalis si Michael sa Abot-Kamay Na Pangarap dahil inilagay siya sa Shining Inheritance with Kate Valdez.

Michael is turning 21 on February 5, Monday.

Masaya si Michael dahil uuwi sa Pilipinas ang kanyang pamilya na nakabase sa Canada. Two years nang nami-miss ni Michael ang kanyang pamilya mula nang sumubok siyang mag-artista sa local showbiz.

Si Zephanie, si Jillian, si Kate o si Cassy… meron kaya sa kanila na makakapiling ni Michael sa kanyang kaarawan para maipakilala nang personal sa kanyang pamilya?

NOEL FERRER

Ayon sa reliable sources ng PEP Troika ay friends lang talaga ang CassRen.

OK naman ang tambalan nila sa MMFF 2023 entry na When I Met You In Tokyo.

Ang sabi ni Michael ay focus muna siya sa career.

Sa tingin ninyo, nanka o wakali ang pahayag na iyon ni Michael? Only time will tell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Usap-usapang nagkakamabutihan na ang Tahanang Pinakamasaya co-hosts na sina Michael Sager at Cassy Legaspi, pero tikom tungkol dito ang bibig ng mga malalapit sa dalawa.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results