GORGY RULA
Hindi nakaiwas si Bacolod City Mayor Albee Benitez sa mga panggulat na tanong ko sa kanya nang nagkita kami sa isang café sa Mandaluyong kamakailan.
Nagtataka siya kung saan ko nasagap ang ilang pangalan ng aktres na nali-link sa kanya.
Pero napangiti at umiiling lang siya nang diretsahan kong tinanong tungkol sa latest na nali-link sa kanya na isang sikat na sexy actress.
May mga nagtanong na kasi sa amin kung si Mayor Albee at ang sexy actress na dahil may nakakita raw sa kanila sa airport na magkasamang umalis patungong Japan.
Last year lang daw sila namataan, sabi ng ilang nagtanong sa amin.
Umiling lang si Mayor Albee at napangiti. Kaya in-assume kong hindi ito totoo.
Nilinaw sa amin ni Mayor Albee na walang problema kung sakaling totoo man yun. Matagal na pala silang hiwalay ng kanyang asawa.
Tumango siya at bahagyang napangiti nang tinanong ko kung gaano na katagal silang hiwalay.
“We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back,” matipid niyang pahayag tungkol sa isyung hiwalayan.
Kaya kung nali-link man si Mayor Albee sa ibang magagandang aktres na naririnig namin, matagal na pala siyang hiwalay sa kanyang asawa.
May ilan pa kasi kaming narinig, pero makahulugang ngiti lang ang buwelta sa amin ng alkalde ng Bacolod City.
JERRY OLEA
Iyong sikat na sexy actress ay matagal nang nali-link sa isang actor-turned-politician na hiwalay sa kanyang asawa.
Inusisa ko minsan ang actor-turned-politician kung sasagot ba siya sa isyu sa kanila ng sikat na sexy actress.
Sabi ng actor-turned-politician, mabuting tahimik na lang siya.
Kaya naniniwala ako na hindi totoo iyong pagka-link kay Mayor Albee ng sikat na sexy actress.
NOEL FERRER
Medyo nananahimik na ngayon si Mayor Albee sa showbiz, pero nali-link pa rin sa ilang magagandang aktres.
Sana, tuloy pa rin ang production ng Brightlight Productions niya.
May dalawa pa siyang pelikula, ang Alpha Kid ng anak niyang si Mayor Javi Benitez kapareha ang girlfriend nitong si Sue Ramirez, at ang Got 2 Bilibid Magic nina Albie Casiño at EJ Jallorina na nakatengga at hindi natin alam kung ipalalabas pa ba nila.
Sana, makagawa pa sila ng tipong Magikland na huling obra ng premyadong Peque Gallaga.
Kumusta na kaya ang Lunch Out Loud na inaayos na ilipat sa NET25?
Read: Tropang LOL, magpapaalam na sa ere sa April 29 — sources
