NOEL FERRER
Pagkatapos ng nakakagulat na usapin ukol sa mga bagay sa kanyang amang si Bacolod City Mayor Albee Benitez, naglabas ng saloobin ang kanyang anak na si Victorias City Mayor Javi Benitez na pabor sa kanyang ina.
Nag-react si Javi sa lumabas na panayam ng kanyang ama sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kahapon, Pebrero 2, 2024, kung saan ipinahiwatig ni Mayor Albee na hindi na sila nagsasama ng ina ni Mayor Javi.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Albee, “We have not been a couple for several years already. In fact, we have gotten a dissolution in court several years back.”
Read: Mayor Albee Benitez nali-link sa isang sikat na sexy actress
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Sabado, Pebrero 3, inihayag ni Javi ang pagkagulat sa naging pahayag ng ama, lalo na't pribado raw itong bagay.
Kasunod nito ay inihayag ni Javi ang pagmamahal at pasasalamat sa ina.
Mensahe ni Javi, "We're as shocked as everyone because this wasn't spoken about in private, but mom I want you to know that I thank you and love you for all that you have done for our family.
"We know how much you have sacrificed for me and Bettina. I am eternally grateful. [three heart emojis]."
View this post on Instagram
Bilang isang maka-nanay, nararamdaman ko ang discomfort at sakit na puwedeng maramdaman ng isang ina sa ganitong sitwasyon.
Nakakagaan lang ng loob na merong mga anak tulad ni Mayor Javi na gagawin ang lahat upang maprotektahan ang kanyang butihing ina at pamilya.
Kaisa niyo kami riyan, Mayor Javi.
Kung anuman ang pinagdadaanan ng inyong pamilya, sana’y maayos na ito at mas maging pribado tulad ng iyong panalangin — hindi para sa iyo kundi para sa iyong ina.
Ramdam namin kayo, Mayor Javi.
Read: Javi Benitez on network war: "Artists should be free like gypsies"
GORGY RULA
Sa isyung hiwalayan ng mga mag-asawa, ang isa sa iniisip natin, paano na ang mga anak?
Apektado ang mga bata kapag naghihiwalay ang kanilang magulang.
Mabuti na lang at nasa tamang edad na si Mayor Javi at ang kanyang younger sister na si Bettina. Nakakapag-decide na sila kung ano ang dapat, at ano ang tama.
Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang pagbibigay-proteksiyon ni Mayor Javi sa kanyang ina.
Naintindihan ko ang sinasabi niyang dapat naging pribado na lang ang usaping ito dahil marami ang dapat proteksyunan.
Maaaring nandiyan pa rin ang hangad nilang manatiling buo ang pamilya. Bukod pa riyan, ngayong naisapubliko na ito, baka marami pang makalkal at maungkat na hindi naman makakatulong sa kanilang lahat.
Ayon kay Mayor Javi, maglalabas sila ng official statement kaugnay sa isyung ito. Bukas ang PEP Troika para sa kanilang opisyal na pahayag.
Hangad naming maiayos ang lahat. At kung ano man ang mapag-usapan at mapagpasyahan, tama nga ang sinabi niyang maging pribado na lang at huwag nang iparating sa atin.
Nakuwestiyon pa nga ni Mayor Javi kung may puso pa ba ang media. Kaya iwan na natin sa kanila ang isyu nilang magpamilya.
JERRY OLEA
Mabait si Mayor Javi, na nakatsikahan natin noon sa shooting ng pelikulang Alpha Kid, na inaasam nating mag-streaming sa Netflix.
Mabait din ang ama niyang si Mayor Albee, na prodyuser ng Brightlight Productions.
Batid nating mahal ni Mayor Albee ang kanyang mga anak, at nananalig tayong nagpapalaya ang katotohanan.
Masakit man minsan ang katotohanan, kailangan itong harapin at tanggapin.
Magkasugat man ang puso, naniniwala tayong mapaghihilom iyon ng panahon. Lilipas at lilipas ang kirot.
