Nag-blossom ang romance nina Javi Benitez at Sue Ramirez matapos ang 28 shooting days nila sa pelikulang Kid Alpha.
"First project ko pa lang iyon sa showbiz, sabi ko, ayokong mag-girlfriend pa," nakangiting lahad ni Javi sa press preview ng Metro Manila Film Festival 2020 entry na Magikland nitong Disyembre 17, 2020, sa Cinema ‘76-Anonas, Quezon City.
"Actually, a few months bago mag-start ang shooting, mga four months, kabe-break ko lang sa ex ko. Ahhm, and then, throughout the shooting, nakilala ko si Sue.
"And eventually, siguro, we started hanging out.
"Ito iyong parang after ng breakup. Ahh, so... we had burgers, and then...ayun, dire-diretso. I started to get to know her na hindi pala siya typical na artista, e."
Noong nagkakilala sila, pareho silang Kapamilya. Nasa A Soldier's Heart si Sue. Pero ngayon, hiwalay ng TV network ang magkasintahan.
Nasa TV5 na si Sue, samantalang nanatili si Javi sa ABS-CBN, kung saan kasama siya sa Kapamilya teleseryeng Walang Hanggang Paalam.
Ang sabi Javi, “Ahhm, I guess, you know, wherever there’s work at this point, parang ... hindi mo rin masisisi ang ibang mga tao.
“And if ABS-CBN is still there, it would be a different issue. Siguro, we won’t have to deal with other things or work with other networks.
“But ako, personally, this might be controversial pero... artists should be free like gypsies.
"Wherever there’s work, wherever they feel kung nasaan man ang passion nila, wherever they feel comfortable.”
Interestingly, ang ama ni Javi Benitez na si Albee Benitez ang producer ng Oh My Dad!, ang sitcom na kinabibilangan ni Sue sa TV5.
Tuloy, may mga nagsasabing nagkaka-career lang si Sue dahil kay Javi.
Ang mabilis na bulalas ni Javi, “Ha? Naku, baligtad! Parang... mas dumadami pa nga iyong followers ko dahil sa kanya. Hahahaha!"
JAVI BENITEZ AND SUE RAMIREZ IN NEGROS OCCIDENTAL
Samantala, nag-26th birthday ang newbie actor noong October 4, at isa sa mga birthday activities niya ang naging daan para mas lalo silang magkalapit.
"...we bonded talaga when I brought her to Bacolod for my tree planting sa birthday ko.
"And fluent siya sa Ilonggo, sa Hiligaynon because her family is from there, sa Sipalay. Kung titingnan mo sa map, Negros Occidental—iyong north, iyong Victorias, doon kami.
"'Tapos, si Sue, sa south, sa Sipalay.
“So, we were able to go around. Iyong family niya knew of us."
Magkaibigan pa lang sila ay nakilala na ni Javi ang pamilya ni Sue.
Kumusta sila during pandemic?
“Sa start, ang hirap!” maigting na bulalas ni Javi.
"Kasi, before ng pandemic, we were together almost every day. E, noong start ng pandemic, hindi pa uso ang Zoom noon, meron, Facetime 'tapos, tawagan. Parang... ‘Kumusta ka na diyan?...OK ka lang ba?’
"And then, siyempre, at the time, parang... ano ba ang nangyayari? Siyempre, lockdown.”
Dumadalaw ba siya sa lock-in shoot ni Sue ng Oh My Dad! sa Pampanga?
“Hindi ako dumadalaw, pero katatapos lang ng taping nila,” sambit ni Javi.
“So, free na siya. Katatapos lang niya ng endorsement shoot. Kakakausap lang namin kanina.”
Samantala, nag-ekstra si Javi sa Magikland, na prinodyus ng Brightlight Productions, ang kumpanyang pagmamay-ari ng dad niya, at ng Gallaga Reyes Films.
Hindi pa siya nagsu-shoot ng launching movie niyang Kid Alpha nang kunan ang pag-ekstra niya sa nasabing fantasy adventure, na pinagbibidahan nina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Princess Aguilar, at Josh Eugenio.
Dumalaw lang si Javi sa set kasama ang kapatid na si Bettina at isang pinsan.
“Two seconds lang ako doon pero very grateful ako na nakasama ko pa si Direk Peque [Gallaga] in his last film project,” sabi ni Javi.
“I was able to witness kung paano siya mag-handle ng artista. Siyempre, I wish it was a longer ano...
“One day lang ako roon I was able to witness kung paano siya mag-explain sa mga artista, paano niyang trinato iyong lahat ng production staff.
“I realized, napaka-intellectual na tao pala si Direk Peque.”
Nasa post production na ang Kid Alpha. Hindi pa masabi ni Javi kung kailan ito mapapanood.