PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Albee, wife's contradictory statements trending in Bacolod

Mayor Javi Benitez, masidhi ang pagnanais na mabuo ang kanilang pamilya.
by PEP Troika
Published Feb 5, 2024
benitez family
A PICTURE OF A HAPPY FAMILY: The Benitez family (Mayor Albee Benitez, wife Nikki, and their children Mayor Javi and Bettina) poses for their New Year greetings to the people of Negros Occidental.
PHOTO/S: @javibenitezzz on Instagram

JERRY OLEA

Nag-post si Victorias City Mayor Javi Benitez ng family picture nila noong Disyembre 24, 2023, sa Facebook at Instagram.

“Merry Christmas from our family to yours!!” caption ni Mayor Javi sa picture kasama ang amang si Bacolod Mayor Albee Benitez, inang si Nikki, at sister na si Bettina.

Noong Disyembre 31 ay may family picture muli sila sa FB at IG sa pagsalubong nila sa 2024.

“From the bottom of our hearts... a blessed, happy, and successful NEW YEAR to each and every one of you!” ang kalakip na mensahe ng family photo.

Noong Enero 4 ay ginawang cover photo ni Mayor Javi sa kanyang FB account ang kanilang family picture. In-update din niya that day ang profile photo sa FB.

Matapos magsalita si Mayor Albee na matagal na silang hiwalay ng kanyang asawa, naka-pin na ngayon sa IG account ni Mayor Javi ang kanilang family photo na ipinost noong Disyembre 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Mayor Albee Benitez nali-link sa isang sikat na sexy actress

GORGY RULA

ALBEE-NIKKI STATEMENTS, PINAG-UUSAPAN SA BACOLOD

Iba ang pakiramdam ko sa mga nangyayari pagkatapos nating nailathala ang mga pahayag ni Mayor Albee Benitez tungkol sa kanilang mag-asawa, na sinalungat ni Mrs. Nikki Benitez, na suportado ng anak niyang si Mayor Javi Benitez.

Read: Mayor Javi Benitez naghayag ng pagmamahal at pasasalamat sa ina matapos ang rebelasyon ng amang si Mayor Albee Benitez

May nakausap kasi ako sa Bacolod na nagsabing pinagpipiyestahan na raw ang isyung iyan doon. Nagti-trending daw ito, at baka magamit pa sa pulitika.

Ang reaksiyon daw ng ilan, ang buong akala nila ay matagal nang hiwalay si Mayor Albee at ang asawa niya.

Pero base sa mga pahayag ni Mrs. Benitez, tila pinaninindigan niya ang pagiging maybahay ni Albee.

Hindi natin alam kung ano ang saloobin nila sa isa’t isa, lalo na kay Mayor Albee na siyang nagdeklara tungkol sa hiwalayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero, di ba, mga ka-Troika, ang ibinalita naman natin ay ang pagkaka-link ni Mayor Albee sa sikat na sexy actress? Nabanggit lang niya ang tungkol sa hiwalayan.

Pero iyon ang mas concern ni Mrs. Benitez, at hindi gaanong pinansin ang tungkol kay sexy actress kung totoo ba yun o hindi.

Maaaring nakasanayan na niya ang ganung balita?

Nabigla lang siya siguro sa pasabog na pahayag ng kanyang asawa.

Dahil sa isyung iyan, ang dami ko nang natatanggap na tawag.

May mga nag-react at nagsabing reliable daw ang nakasaksi sa pagbalik ng Maynila ni Mayor Albee at ng sikat na sexy actress galing Japan.

Detalyado ang kuwento sa akin, pero nginitian lang ito ni Mayor Albee nung tinanong ko sa kanya.

Diyan mas interesado ang mga tao—kung si Mayor Albee na ba talaga at itong si sikat na sexy actress.

Ang concern ng pamilya niya ay manatiling buo ang kanilang pamilya kaya pinagdidiinang hindi talaga sila hiwalay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lalo kasing lumaki ang isyu nang sinagot ito ni Mrs. Benitez at meron ding pahayag si Mayor Javi para protektahan ang kanyang ina.

May kanya-kanyang analysis ang ilang taong matagal nang nakakaalam sa kuwento ng pamilya.

Napaigtad lang ako sa komento ng isang taong may alam din tungkol sa kuwentong ito.

Sabi niya, “Ano kaya kung simpleng manggagawa si Mayor Albee o isa siyang kagawad at hindi isang ‘Benitez,’ ipaglalaban pa rin kaya siya ng pamilya niya sa kabila ng mga ginagawa niya?”

Sa ganang akin, gusto ko pa ring manaig ang wagas na pag-ibig at malagpasan ang pinagdaraanan ng pamilya.

NOEL FERRER

Doon na lang tayo sa shielding family members from any pain or anguish—at matatanda na sila, sana maayos na nila ang kani-kanyang problema.

I am friends with Mayor Javi so alam ko ang pinagdadaanan niya sa pagbabalanse ng lahat.

Si Mayor Albee naman, alam kong nakikita niya ang big picture.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, maisaayos na lang nila ito nang pribado.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A PICTURE OF A HAPPY FAMILY: The Benitez family (Mayor Albee Benitez, wife Nikki, and their children Mayor Javi and Bettina) poses for their New Year greetings to the people of Negros Occidental.
PHOTO/S: @javibenitezzz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results