PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pilot: Walang Matigas Na Pulis S2, 4 Cars Explode

Senator Bong Revilla, gumawa na ng pelikulang pang-Vivamax.
by PEP Troika
Published Feb 8, 2024
bong revilla walang matigas na pulis
Senator Bong Revilla is very satisfied with the outcome of the pilot episode of Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Literal na pasabog ang pilot episode ng second season ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis noong Pebrero 4, Linggo ng 7:15 p.m., sa GMA-7.

Pilot episode pa lang, apat na kotse na ang pinasabog.

Read: Senator Bong Revilla confident second season of Walang Matigas Na Pulis surpassed first season

For sure, more and more ang payanig ng palabas na ito na mayroong 14 episodes kagaya ng unang season.

Isa ito sa mga malalaking produksiyon ng Kapuso Network ngayong 2024. Hindi tinipid!

“Nagpapasalamat ako sa GMA sa all-out support nila,” pahayag ng bidang si Senator Bong Revilla sa thanksgiving lunch nitong Pebrero 7, 2024, Miyerkules, sa Victorino’s restaurant, Quezon City.

“At ipinakita naman talaga, na dito sa Episode 1 ng Season 2, talagang punung-puno ng action.

“In fact, pag pinanood mo, akala mo usually inilalagay na yung malaking eksena sa first part ng episode, 'no?

“But dito sa atin, towards the end. Dun yung laki ng eksena. Kaya dapat panoorin niyo, makita niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi siya pang-TV actually, e. Pelikula. Pelikula, gawang-pelikula.”

Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping

Hindi batid ni Senator Bong kung magkano ang production budget ng GMA-7 sa nasabing episode.

“Gusto ko ngang mag-co-prod pero ayaw ng GMA,” pakli ng actor-politician.

Apat na episodes pa ang nakatakdang kunan. Iyon bang finale ang pinakapasabog na episode?

“Halos lahat naman ng eksena, every episode, may mga pasabog,” sabi ni Senator Bong.

“May mga bagong karakter na papasok. Andiyan yung papasok si Sanya Lopez, si Herlene Budol. Marami, marami.

“Andiyan sina Michael de Mesa... maraming characters. Andiyan si Celeste Cortesi, di ba?”

Nagsa-suggest ba siya sa mga eksenang kukunan?

Tumango si Senator Bong, “Yes, of course. Nagsa-suggest ako sa direktor, sa GMA. Ito yung mga eksenang maaksyon.

“Hindi pupuwedeng comedy lang. Kailangan ipakita pa rin ang aksyon dahil siyempre, yun ang trademark ni Bong Revilla na hindi puwedeng mawala.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Kaya happy ako sa trabaho ko sa GMA dahil nakita ko naman yung suporta sa akin. And kaya itong mapapanood niyo na mga susunod na episodes ay…

“Basta patindi nang patindi, pasaya nang pasaya! Parang naglalaro na lang kami, e. Ganun, e, dahil alam na ang galaw ng bawat isa, even dun sa flow ng story.”

NOEL FERRER

Masigasig si Senator Bong sa promo ng second season ng Walang Matigas na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Bago ang airing nito noong Sunday night, nag-motorcade pa sila noong Sunday afternoon mula Taguig City hanggang San Pedro, Laguna.

“As I said, digital na ngayon, di ba? Iba na, iba na. Especially now. Yun ang kalaban ng television, 'no, may mga Netflix na,” saad niya.

“Yung pelikula, binubuhay din natin. Kaya yun ang pinagtutulung-tulungan natin, kung paano tayo makakatulong in our own little way.

“Like movie, I’m producing a movie… pantulong naman.”

Para sa 50th Metro Manila Film Festival sa December?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No, regular playdate.”

Iba pa yung pam-filmfest?

“Iba yon, pinag-uusapan pa lang namin nung maraming… basta, hintayin na lang natin, mahirap mag-ano.”

Napabalita na ang movie niya with Sharon Cuneta and Jillian Ward. Iyon ba ang para sa regular playdate? At para naman sa MMFF iyong project with Coco Martin and Robin Padilla?

Read: Bong Revilla-Sharon Cuneta movie bubungad na pasabog sa taong 2024?

Read: Bong Revilla, Robin Padilla, Lito Lapid, at Coco Martin magsasanib-puwersa sa pelikula

“Basta antayin na lang natin. Baka mamaya, ma-preempt or hindi matuloy, di ba?” sabi ni Senator Bong.

“Basta, sisiguraduhin natin, yung mapapanood nila ay worth it.”

Dalawang pelikula ang ipoprodyus at pagbibidahan niya this year?

Ngumiti si Senator Bong, “Sana kayanin, 'no?! Ang nangyayari, imbes na magbakasyon ako, nagtatrabaho na ako. OK lang naman.

“Pag mahal mo yung trabaho mo, parang hindi ka naman napapagod, e. Kasi, para ka lang naglalaro, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

May dream role pa ba siya?

Natigilan sandali si Senator Bong bago sumagot, “Halos nagawa ko na lahat, di ba? Siyempre kung ano rin ang babagay sa image ko.

“Pero I’m open kahit na anong role ang i-offer sa akin.”

Tanong ng katotong Janiz Navida, bet pa ba niyang gumawa ng pelikulang pam-Vivamax?

“Ay! Ginawa ko na yan! Nagpakita na ako dati! He! He! He!” natawang tugon ni Senator Bong.

Nag-butt exposure si Senator Bong sa love scene nila ni Assunta de Rossi sa pelikulang Kilabot at Kembot (2002).

Sabi pa ni Senator Bong, “Once is enough! Kung saan-saan pa lumabas yon… kahit na mas maganda yung puwet ko ngayon, ayoko na!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla is very satisfied with the outcome of the pilot episode of Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis Season 2.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results