PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pokwang: Ex-Partner Lee O'Brian 'Nagliligpit-ligpit'

Pokwang napatawad na ba si Lee O'Brian?
by PEP Troika
Published Feb 9, 2024
pokwang saly zone
Pokwang on forgiving ex-partner Lee O'Brian: “Darating ang panahon, huwag natin ipipilit. Kasi darating iyan. Kasi, binibigay ang pagpapatawad sa taong humihingi ng tawad. Pero yung taong feeling na hindi siya nagkakamali ever since, bakit ko ibibigay yun?"
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

“Ang alam ko, nagliligpit-ligpit na!” kaagad na sagot sa akin ni Pokwang nang kinumusta ko kung nandito pa ba sa Pilipinas ang ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Read: Pokwang wins deportation case vs. Lee O’Brian: “Justice served”

“Nakarating na sa akin na nagliligpit-ligpit na. Para sa kanya, para sa akin din ito, para sa kapayapaan naming pareho,” dagdag na pahayag ni Pokwang nang nakapanayam namin bago siya rumampa sa red-carpet premiere ng pelikula niyang Slay Zone na magsu-showing na sa February 14, 2024.

Sabi pa ni Pokwang, nag-post siya sa Instagram upang mag-sorry sa mga binitiwan niyang pahayag dahil gusto na rin niyang matapos na itong chapter na ito sa dating karelasyon.

Read: Pokwang reveals estranged partner Lee O’Brian still in the country despite deportation order: “May padrino daw, e.”

“Para matapos na ito at ang 2024 ay party-party time!” napapangiti niyang pahayag.

Sinundan namin ng tanong kung hinahanap ba ng anak nilang si Malia ang kanyang ama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“That’s the problema talaga pag wala kang nai-invest na emotion sa bata. Hindi ka talaga hahanapin,” sagot ng Kapuso comedienne at TV host.

Hindi pa raw niya naipaliwanag sa anak ang mga nangyayari dahil masyado pa itong bata.

“This time, hindi pa tamang oras. Masyado pa siyang… laru-laro pa ang alam niya,” sambit niya.

Medyo natigilan siya sandali nang tinanong ko kung papayagan ba niyang ipahiram muna si Malia kay Lee bago ito umalis ng bansa. Papayagan ba niyang makita muna ni Lee si Malia?

“Tingnan natin kung dasurv!” sabi ni Pokwang.

Mas gusto raw muna niyang mag-focus sa mga trabaho niya. Excited daw siya rito sa Slay Zone dahil pagkatapos ng Becky & Badette, seryoso siya rito, at may action scenes siya.

“Hindi ako puwedeng magpatawa dito. Kaya lumabas talaga ako dun sa comfort zone,” saad ni Pokwang.

Kasama ni Pokwang sa Slay Zone si Glaiza de Castro na nasa South Korea pa para sa taping ng Running Man Philippines kaya hindi siya nakadalo sa premiere screening.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kapuso hosts Glaiza de Castro at Pokwang, ano ang reaksiyon sa issue ng 'It's Showtime'?

Kasama rin nila rito sina Maui Taylor, Abed Green, Rico Barrera, Lou Veloso, Paolo Rivero, Queenay Mercado, Richard Armstrong, at may special participation si Kim Atienza, sa ilalim ng direksiyon ni Louie Ignacio.

Kabilang sa producers ng Slay Zone ay si Ken Chan na pumartner sa Wide International Film Productions nina Pauline Publico at April Martin.

JERRY OLEA

Puring-puri ni Pokwang dito si Glaiza de Castro na talagang ang mata raw ang umaarte.

Pabiro ang sagot niya nang tinanong kung ano ang pagkapareho nila rito ni Glaiza.

Aniya, “Ang dyowa niya ay afam, ako naman ang ex ay afam!”

Pero puwede pa ba siyang ma-in love uli sa isang afam?

“Kahit anong lahi, basta magandang budhi!” mabilis na sagot ni Pokwang.

Naging seryoso na uli ang komedyante nang tinanong siya tungkol sa pagpapatawad. Hindi pa niya masabi kung pinatawad na ba niya si Lee O’Brian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Darating ang panahon, huwag natin ipipilit. Kasi darating iyan.

“Kasi, binibigay ang pagpapatawad sa taong humihingi ng tawad. Pero yung taong feeling na hindi siya nagkakamali ever since, bakit ko ibibigay yun?

“Anyway, darating tayo diyan. Ang pagpapatawad nandiyan lang yan.”

Siyangapala, katapat ng Slay Zone sa February 14 playdate ang I Am Not Big Bird ni Enrique Gil.

NOEL FERRER

Sa dami ng Valentine shows at concerts at dating places and events, sana ay piliin pa rin ng ating mga kababayan na manood ng pelikula.

Ang dami raw fans ni Queenay Mercado na sumuporta sa premiere kagabi.

Good luck sa movie para happy ang Valentine’s Day!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on forgiving ex-partner Lee O'Brian: “Darating ang panahon, huwag natin ipipilit. Kasi darating iyan. Kasi, binibigay ang pagpapatawad sa taong humihingi ng tawad. Pero yung taong feeling na hindi siya nagkakamali ever since, bakit ko ibibigay yun?"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results