PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sparkle Artist Kimson Tan Aims for Daring Roles

Kimson Tan kaya bang mag-Vivamax?
by PEP Troika
Published Feb 12, 2024
kimson tan daring
Kimson Tan on playing daring roles: “To be honest po, sa ngayon… feel ko, konting push pa sa sarili! Konting workout! Pero hindi ko po isinasarado ang pinto.”
PHOTO/S: @kimsontann on Instagram

JERRY OLEA

Pasabog si Kimson Tan sa last quarter ng nakaraang taon. Markado ang pagganap niya sa Kapuso limited series na Lovers & Liars.

Nabulabog ang mga accla sa swimwear photo nila ng kapwa Sparkle boys na sina Bruce Roeland at Migs Villasis para sa December 2023 issue ng isang U.S.-based magazine.

Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media

Kasama pa rin siya sa weekly sitcom na Open 24/7 with Vic Sotto and Maja Salvador.

Nakatakda na raw ipalabas sa Pebrero 22 ang pelikula niyang King of Hawkers na syinuting sa Singapore.

Read: Kimson Tan's foreign movie project, King of Hawkers, premieres February 2024

Hopefully ay maipalabas na sooner or later ang pelikulang The Vigil kung saan tampok sila nina Will Ashley, Carlo San Juan, Abed Green, Bruce Roeland, Prince Carlos, at Anjay Anson.

Read: Male cast ng horror movie na 'The Vigil' kuwela ang sagot sa tanong na "Are you still a virgin?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maganda ang pasok ng 2024 at Year of the Wood Dragon para sa kanya.

“Sobrang thankful po, lalo po ngayon, nasa Beautederm ako,” sambit ni Kimson sa Chinese New Year celebration ng beauty brand noong Pebrero 10, 2024, Sabado, sa Beautederm Headquarters sa Angeles City.

Dagdag ng chinito actor, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin since day one, my management, sobrang thankful po ako.”

Lubos din ang pasasalamat ni Kimson sa mga naka-appreciate sa sexy photo nila nina Bruce at Migs.

migs kimson bruce

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kimson Tan (center) with Migs Villasis (left) and Bruce Roeland (right)

“Yun po, sa akin naman, may masabi po sila or what, at the end of the day, I’m just doing my thing. And as long as wala namang inaapakang ibang tao, OK lang po ako,” sey ni Kimson.

“Basta thankful lang po ako sa support nila lagi.”

Kaya ba niya ang mas mapangahas na pagganap pagkatapos ng mga pangiliti niyang eksena sa Lovers & Liars?

“To be honest po, sa ngayon… feel ko, konting push pa sa sarili! Konting workout!” bulalas ni Kimson.

“Pero hindi ko po isinasarado ang pinto. Gusto ko rin pong mag-explore ng iba’t ibang karakter.

“So ngayon po, hindi ko po isinasarado yung pinto, pero gusto ko pong mag-workout pa lalo para maging mas confident pa po ako.”

Read: Kimson Tan shocked over 1M 'dinner' proposal

GORGY RULA

Ano ba ang mae-expect sa kanya ng mga manonood sa pelikulang The Vigil?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Kimson, “Sa The Vigil, i-expect po ninyo na sobrang pinaghandaan po namin siya, kaming seven boys, ang tinatawag nilang The Vigil Boys.”

Lalo nilang paiinitin ang summer, if ever?

“Parang ganun na nga!” bulalas ni Kimson.

“Sobrang ganda po kasi ng istorya ng The Vigil, and feel ko, maraming makaka-relate sa panahon ngayon, sa mga nagagawa ng tao.

“At siyempre sa generation ngayon. So yun, feel ko.”

If ever alukin siyang mag-Vivamax, tatanggapin ba niya?

“No.”

Pero kaya ba niyang mag-butt exposure after niyang magpa-swimwear?

“Uyyyy!!!! Ahhhm… hindi pa po.”

NOEL FERRER

Mukha ngang confident na confident na ngayon si Kimson Tan and given the right breaks, sana talaga ay mahasa siya sa kanyang pag-arte!

I’m sure, masayang-masaya ang dating tumutulong sa kanya na si ONR!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kimson Tan on playing daring roles: “To be honest po, sa ngayon… feel ko, konting push pa sa sarili! Konting workout! Pero hindi ko po isinasarado ang pinto.”
PHOTO/S: @kimsontann on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results