PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TikTok star Queenay Mercado seryoso na sa pagiging "aktres"

Queenay Mercado gustong makasama sina Marian, Dingdong, at Enrique.
by PEP Troika
Published Feb 13, 2024 | Updated Feb 13, 2024
queenay mercado slay zone premire
Queenay Mercado on being NBSB: “Siguro dahil feeling ko hindi pa napapanahon. Though may mga nagpaparamdam naman. Pero feeling ko, hindi pa napapanahon. Kasi yung iba naman ho, kasi is lulubog, lilitaw. Yung mga alam nyong ganun. Parang ako, hinahanap ko kasi yung seryoso, mabait, at saka marespeto.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sobrang excited ang social media influencer na si Queenay Mercado at kinikilig kapag tinatawag na siyang aktres.

Mahalaga ang role na ginagampanan ni Queenay sa pelikulang Slay Zone na magsu-showing na sa Pebrero 14, 2024, Miyerkules.

Nagulat kami sa dami ng fans ni Queenay na dumagsa sa celebrity premiere nito nung nakaraang linggo sa SM The Block.

Ang daming twists ng kuwento ng Slay Zone, kaya hindi ko muna puwedeng i-share ang ending nito.

Pero nung lumabas na hindi pala namatay ang karakter doon ni Queenay, ang lakas ng tilian sa loob ng sinehan. Tuwang-tuwa ang dalaga at nagpapasalamat sa suporta sa kanya ng mga fans.

Itong Slay Zone ay pangalawang pelikulang nagawa ni Queenay. Pero ito ang unang ipalalabas sa sinehan.

Nauna niyang ginawa ang Fruitcake na pinagbidahan ni Joshua Garcia. At may ginawa pa siyang Three Words na pinagbidahan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, na idinirek ni Fifth Solomon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Queenay Mercado na-starstruck at na-challenge kay Joshua Garcia

Lalo raw nadagdagan ang confidence niya lalo nang nakakatrabaho na niya ang ilang magagaling na artista.

“Alam mo, talagang nakakadagdag ng confidence pag natatawag ka bilang isang aktres, ano? Nakakadagdag ng level kumbaga, ano?” bulalas ni Queenay nang nakatsikahan namin sa celebrity premiere ng Slay Zone.

Medyo kabado raw siya kina Pokwang at Glaiza de Castro dito sa Slay Zone, pero nakampante siya dahil mabait daw sila at naalalayan daw siya sa ilang mahihirap na eksena.

Read: Kapuso hosts Glaiza de Castro at Pokwang, ano ang reaksiyon sa issue ng 'It's Showtime'?

“Siyempre may kaba. Siyempre normal naman yun, dahil biruin niyo naman, makakasama ko dito mga bigating aktres — sina Nanay Pokwang, si Ms. Glaiza de Castro. Sino ba naman ang hindi kakabahan?

"Sabi ko nga palagi sa aking sarili, gagawin ko yung best ko. Ipapakita ko nang buung-buo kung ano yung kaya ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Humihingi rin ako ng advice kay Ate Glaiza, bilang baguhan sa pag-arte. Lagi rin akong humihingi ng advice na ‘Ate, if ever ganito, paano ba ang atake dito?’

“Ayun! Tinutulungan niya ako. Hindi madamot si Ate Glaiza sa pagbigay ng advice. Kapag naka-work niyo si Ate Glaiza, sobrang bait niya pagdating sa mga ganyang advice,’” pahayag ni Queenay.

Kaya seryoso na raw siya sa pag-aartista, at sana mabigyan siya ng marami pang magagandang projects.

“Bilang isang aktres ay gusto ko rin sana makapagpundar ng mas marami pang businesses para at least, kumbaga, kung hindi man ako makapagpatuloy sa… malay natin, baka hindi tayo palarin sa showbiz, at least may fallback ako,” pakli niya.

Kapag mabibigyan daw siya ng mas maraming film projects, sana matupad daw ang matagal na raw niyang pinapangarap na makasama na sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, at Enrique Gil.

NOEL FERRER

Mas gusto ni Queenay na mag-focus sa pag-aartista. Kaya wala rin daw muna siyang panahon sa love life. Doon na lang namin nalamang NBSB pala itong si Queenay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: TikTok star Queenay, type bang magkaroon ng boyfriend from showbiz?

“Oho! NBSB ako!” bulalas niya.

“Siguro dahil feeling ko hindi pa napapanahon. Though may mga nagpaparamdam naman. Pero feeling ko, hindi pa napapanahon.

"Kasi yung iba naman ho, kasi is lulubog, lilitaw. Yung mga alam nyong ganun.

“Parang ako, hinahanap ko kasi yung seryoso, mabait, at saka marespeto,” saad ni Queenay.

Gusto pa rin daw niya iyung traditional na panliligaw, at kailangang makilala raw ito ng nanay niya.

“Siyempre gusto ko rin kapag manliligaw, dapat siyempre pumupunta sa amin, haharap ng personal sa inay.

“Ayoko sa social media. Gusto ko, yung natural na talagang pumunta sa bahay,” sabi pa ni Queenay.

Worth it ba ang pag -aartista at pagiging ganap na aktres ni Queenay?

Sana, mapantayan man lang niya ang naabot ni Karla Estrada na siyang hailed bilang Queen Nanay…. Waley? Hehe! Parang waley koneksiyon at pilit ang humor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Good luck na lang, Queenay!

JERRY OLEA

Dadagsa kaya ang moviegoers sa Valentine’s Day, na Ash Wednesday rin?

Kasabay ng showing ng Slay Zone ang comedy ni Enrique Gil na I Am Not Big Bird, ganun din ang Pasional nina Andrea Torres at Marcelo Melingo.

Itong Pasional ang huling movie ni Miguel Faustmann, na pumanaw noong Mayo 15, 2022. Mabuti at maipapalabas na ito sa wakas.

Showing din sa local cinemas sa Miyerkules ang critically acclaimed na Poor Things, ang superhero film na Madame Web, at ang horror movies na Double Blind at The Jack in the Box Rises.

Sa Thailand kinunan ang karamihan ng eksena sa I Am Not Big Bird, kung saan tampok din sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero.

Comeback movie ito ni Enrique, na huling napanood sa Alone/Together na nag-showing noong Pebrero 13, 2019.

Sabi ni Enrique, “Ever since before, I’ve always wanted to do films that I like watching. Not necessarily like comedy but in my mind, I really wanted to do a crazy adventure comedy movie.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queenay Mercado on being NBSB: “Siguro dahil feeling ko hindi pa napapanahon. Though may mga nagpaparamdam naman. Pero feeling ko, hindi pa napapanahon. Kasi yung iba naman ho, kasi is lulubog, lilitaw. Yung mga alam nyong ganun. Parang ako, hinahanap ko kasi yung seryoso, mabait, at saka marespeto.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results