GORGY RULA
Nasa South Korea pa si Glaiza de Castro nang nagpatawag ng Zoom media conference ang GMA-7 nung Lunes, February 12, 2024, para sa pelikulang Slay Zone na magbubukas sa mga sinehan simula ngayong February 14.
Sina Pokwang at Glaiza ang lead actress sa pelikula, kasama ang Kapuso hunk na si Abed Green. Idinirek ito ni Louie Ignacio na resident director din ng GMA-7.
Read: Running Man PH members sumabak agad sa mission paglapag sa South Korea
Bukod sa pagiging lead star ng Slay Zone, isa rin sa producers si Glaiza kasama ang Kapuso ring si Ken Chan. Nakipag-co produce sila sa Wide International Films na pag-aari nina April Martin at Pauline Mae Publico.
Read: Glaiza de Castro thrilled to be co-producing movie with Ken Chan
Bilib si Glaiza kung gaano katutok si Ken sa production nitong Slay Zone.
Sa celebrity premiere ng naturang pelikula na ginanap sa SM The Block nung nakaraang linggo, umalis sandali ang Kapuso actor sa taping ng Abot-Kamay Na Pangarap para personal asikasuhin ang premiere.
“Minsan hindi ako makapaniwala na si Ken, gagawin ito,” bulalas ni Glaiza.
“Pero nakaka-inspire kasi ganun yung proseso niya as a producer. E, ako producer din.
"So, parang I look up to him na, ‘Uy, ganito dapat.’ Nag-set siya ng standards na ganito dapat sa isang producer,” dagdag niyang pahayag.
Sabi naman ni Ken, matagal na raw pangarap nila ni Glaiza na pasukin ang film production kaya excited sila rito sa first production nilang Slay Zone.
Marami pa raw silang naka-lineup na projects ngayong 2024.
“Dream po kasi namin ni Glaiza ito, e,” pakli ni Ken sa virtual mediacon ng naturang pelikula.
“Normally, kapag gumagawa kami ng pelikula, bilang isang aktor at pag nag-usap kami ni Glaiza, gusto namin, pangarap namin na magtrabaho naman behind the camera at maging producers.
"At dito nati-test yung pagiging creative naming dalawa, yung gusto namin… yung mga creative juices namin, yung naiisip namin, yung konsepto…
“Nagkaroon kami ng outlet para ipakita pa yung isang side ng pagmamahal namin sa industriya namin at ito yung pagiging producer. At maraming mga aktor ang nangangarap na mag-produce ng pelikula. At dalawa kami ni Glaiza sa pinagpala po na maabot yung pangarap na yun bilang producer.
“At gusto ko lang magpa-thank you kay Glaiza at na-appreciate ko yung mga sinabi ni Glaiza, sobra. At ganundin po si Glaiza….
"Ngayong 2024 naka-set po ng sampung pelikula na ipu-produce, 10 to 15 na movies. At si Glaiza talagang… yung mga konsepto niya.
“Hindi lang siya naka-focus dito sa Slay Zone kundi pati rin po sa mga upcoming na pelikula. Niri-ready na rin yung sarili niya, and I’m just so proud na ganito na yung pinag-uusapan naming dalawa,” dagdag niyang pahayag.
Kasama rin sa cast ng Slay Zone sina Maui Taylor, Queenay Mercado, Rico Barrera, Lou Veloso, Hero Bautista, at Paolo Rivero.

Ken Chan (extreme left) with co-producers April Martin and Pauline Mae Publico, director Louie Ignacio, and cast members Pokwang, Richard Armstrong, and Queenay Mercado
NOEL FERRER
Sabi pa ni Glaiza, inaasahan niyang may challenges silang haharapin bilang producers. Pero lalong magpapatibay pa raw ito sa kanilang samahan at hindi makakaapekto sa kanilang pagiging magkaibigan.
“Ini-expect ko na rin talaga na may darating sa point ng buhay namin o ng process namin as producers na hindi talaga mag-a-agree with each other.
"Pero I think, yun yung isa sa mga reasons ng paglalim pa ng friendship e, ng samahan, e.
“Pero kahit naman po sa pamilya, hindi naman kayo lagi nag-a-agree with each other e.
"So, parang sa akin, important yung disagreements, important yung mga different views namin as people, as producer, as artist, para rin kami mag-grow at para rin kami matuto, mas makilala namin yung isa’t isa, ano yung mas gusto ni Ken.
“Kasi before po, wala kaming ganun, e. Wala kaming parang… 'Saan ba pumipitik si Ken? O ano ba yung nagpapasaya sa kanya?'
“Pero dahil producers kami ngayon, mas malaman pa yung other side of Ken na hindi ko nakikita kapag umaarte kami together,” saad ni Glaiza.
JERRY OLEA
Para kay Glaiza, bahagi na ng pag-mature nila bilang artista ang pagpasok nila sa film production. Talagang nagbago raw si Ken dito bilang producer.
“Minsan nga hindi nga ako makapaniwala na ganito na ba talaga si Ken o si Ken pa rin ito na aktor.
“Kasi ano siya, e, sa ngayon, sobrang okay na magkatrabaho kami. Tapos natutuwa ako na naggu-grow siya as a person, na may panibagong venture siya na tinatahak and kasama niya ako dun.
“So, para sa akin, I would say na it’s a different experience for the both of us and I know that this may be our connection and our relationship as friends,” sabi pa ni Glaiza.
Sabi naman ni Ken, “Purely behind the scene lang po talaga ako dito. Wala akong special participation.
"Hindi ako makikita sa pelikula, talagang sa likod po ako ng camera."
Mahilig pala si Ken sa suspense-thriller films, kaya gusto niyang kasama siya sa mag-produce nitong pelikula.
“Ngayon na lang ulit ako natakot,” mabilis niyang sagot nang tinanong namin kung nagustuhan ba niya ang Slay Zone na iprinodyus nila.
“Kasi bilang isang fan ng mga movies, mahilig po ako sa mga thriller, mahilig po ako sa mga suspense.
“Yung pagkahilig ko sa mga suspense, horror and thriller, yung standard ko, medyo tumataas because bata pa lang po ako nakahiligan ko na po manood ng mga ganitong klaseng pelikula.
“Dito sa Slay Zone, yung hinahanap ko sa isang thriller o suspense ng istorya, yun yung gusto kong makita sa isang pelikula, nakita ko rito at naramdaman ko dito sa Slay Zone,” sambit ni Ken.
Kasabay ng showing ng Slay Zone this Valentine’s Day ang comedy movie na I Am Not Big Bird. Hindi lang bida rito si Enrique Gil kundi co-producer din.
Kasama ni Enrique sa mga bastusan, kalokohan, at kabulastugan sa movie sina Pepe Herrera, Nikko Natividad, at Red Ollero.
Dual role dito si Enrique bilang Thai porn actor na si Big Bird, at isang Pinoy na may munting ibon.
