JERRY OLEA
Kontrobersiyal ang biruan eme nina Rob Gomez at Herlene Nicole Budol aka Hipon Girl na kesyo, “Kain tayo.”
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
Napabalita kapagkuwan na magre-record muli ng kanta si Herlene na ang title ay "Kain Tayo."
Read: Herlene Budol, sinakyan at ginawa pang kanta ang "Kain Tayo" controversy nila ni Rob Gomez
Nagulat na lang tayo nang ang kumanta niyon ay ang ex-manager pero nananatiling mentor at friend niyang si Wilbert Tolentino.
Ulala, ulala, ulala, ehhh... Ano ang nangyari?
Pinagbawalan ba si Herlene ng GMA Sparkle kaya si Wilbert na ang kumanta, at special participation na lang si Herlene?

“Hindi naman pinagbawal ng GMA,” pahayag ng businessman-vlogger na si Wilbert nitong Pebrero 19, 2023, Lunes, via Messenger.
“Gustung-gusto talaga niya. Kaso, marami lang talagang project at bigla siyang naging abala sa mga taping.
“E, kailangan na siyang i-record kaya hindi niya mapagbigyan ng oras. Kaya ipinaubaya na lang niya sa akin ang kanta. Magca-cameo na lang daw siya sa music video.”
May mga kanta na si Herlene before, like "Gandang Hipon" at "Talikodgenic Man Ako."
Magre-record pa ba si Herlene ng sariling bersyon ng "Kain Tayo"?
Read: Herlene Budol to release debut single 'Kain Tayo' after controversy involving Rob Gomez
Tugon ni KaFreshness Wilbert, “Ipinaubaya na niya ang kantang 'Kain Tayo' sa akin, I don’t think gagawa pa siya ng version niya.
“Pero makikita mo na lang yung song na sinasayaw niya sa TikTok.
“Regarding sa new single ni Herlene, may nakahain po kaming isang kanta sa kanya. Inaantay ko na lang ang availability niya for recording.”
Kumusta ang pagbuo ng music video? Mahirap ba na mag-sing and than at magpaka-oppa?
“Sa part ko! sobrang hirap lalo na sa tulad kong may edad na at hindi naman ako singer o dancer,” pag-amin ni Wilbert.
“Ang daming dance revisions na aangkop sa rhythm ng katawan ko, hahaha. Hindi lang yun, sa pag-synch ng bibig ko sa kanta was really challenging for me.
“Good thing, I have people who assisted me from day one. Magaling din kasi ang production team ko, shoutout kina Direk Edrex Sanchez at ang aking Creative Director Ryan Soto.”
Umaakting na si Wilbert sa Black Rider bilang Dr. Wilford Bernardo, ngayon naman ay pag-awit at pagsayaw ang paandar niya. Pinangarap ba niya ito?
“Alam naman ng lahat na hindi ako artista, isa akong businessman,” pagmamatuwid ni Wilbert.
“Not in a million years I would see myself on TV, acting a character. Sa vlog, oo. Pero ibang-iba kasi yun, walang script.
“Pero may offer na dumating sa akin. Kinonsult ko muna sa admin ko at sa ibang friends, agad-agad naman sila umoo.
“You always have to give life a shot. Biro pa nga nila, hindi ko naman hahangarin manalo sa FAMAS, hahaha!
“Pangamba ko pa noon, ang pagkabisado sa lines lalo na kaekesena ko ang dati kong alagang si Herlene.
“Unang salang ko, bungisngis kami nang bungisngis. Buti na lang din, nandiyan siya, at tinuruan niya akong umarte at sa tulong na din ng direktor kong super talented na si Direk Rommel Pinesa ng Black Rider.”
Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages
NOEL FERRER
Naririnig na sa radio at social media apps ang novelty song na "Kain Tayo" under One Force Event and distributed by Star Records under ABS-CBN Music.
Ayun nga at nag-trend na ito sa X na dating Twitter.
Iba ang hugot ng lyrics ng kantang "Kain Tayo" kumpara sa harutan nina Rob at Herlene sa Messenger, kaya walang mabibiktima na beauty queens.
Nakaka-Tom Jones (as in nakakagutom) ang lyrics ng kanta na tampok ang iba't ibang pagkaing Pinoy gaya ng adobo, puto't kutsinta, bibingka, at marami pang iba.
More and more ang pa-chicha sa music video, kung saan kasama ni Wilbert ang kapwa vloggers na sina Euleen Castro, Hazel Cheffy, Malupiton, Happy Friends, Crazymix, Romarico Superable, Yumi Ortigas, Ghersie Fantastico, at Zeke Guevarra, plus ang Femme MNL.

Mapapanood din sa music video ang Mukbang Dance Craze.
Very Psy ang visuals, “Tayo ha, spaghetti pababa, yung jumbo hotdog, kaya ko na to..."
Good luck!
GORGY RULA
Maayos naman ang music video na mala-"Gangnam Style" (2012) ni Psy ang gustong i-achieve pero puwede na.
Nawindang lang ako na hindi nagawa ng talent, ginawa na lang ng manager!
Bukambibig ng ilang talent manager na kapag hindi na puwedeng gawin ng kanilang talent, sinasabi nilang, “Kung puwede, ako na lang. Pero hindi naman kakayanin.”
Kay Wilbert Tolentino, kaya naman pala niya.
Kunsabagay, bago man dumating sa buhay niya si Herlene Budol, nakikita nang interesado talaga si Wilbert na pasukin ang pag-aartista.
Malay natin, baka bagong career itong tatahakin ng businessman at talent manager. Kinakarir na niya ang promo nitong bagong single niya.
Sabi ni Wilbert sa kanyang Facebook account,“Dedication ko etong kanta para sa lahat ng food specialty sa bawat syudad mula sa Luzon, Visayas & Mindanao. “Siempre ang advocacy ko dto - For every 1 Million Views na earnings mag papakain ako sa mga homeless children / Street children with the help of Ahon Mahirap Organization headed by Kristine Caballero Aplal & Angelo Zipagan ng guitar player ng - THE EARLY EARS.
“At siempre indi natin pwede kalilimutan mga tiktokerist dyan, May Signature #MukbangDanceCraze sa TIKTOK ng #kaintayo Competition at mananalo ng 30K Grand Prize, 15K 1st runner up, 10k pesos for 2nd runner up & Top 100 wil receive 500 pesos jikaaaas para sa mga Tiktokerist.
“Lahat pwede sumali, Lalake, Babae, bata o Matanda basta Open eto for all. Announcement of Winner will be on March 20, 2024.”
