Ipinagtanggol ni Wilbert Tolentino si Herlene "Hipon" Budol sa matinding bashing matapos masangkot ang pangalan ng Kapuso beauty queen-actress sa umano'y pangangaliwa ng aktor na si Rob Gomez.
Dating manager ni Herlene si Wilbert.
Si Rob ang co-star ni Herlene sa Magandang Dilag, ang GMA afternoon series na umere mula June 26 hanggang November 10, 2023.
Isa sa mga nagtanggol kay Herlene sa kontrobersiya ay si Wilbert.
Nitong Huwebes, December 21, nag-post si Wilbert sa Facebook ng litrato ng pagkikita nila ni Herlene, kasama ng dalawa pang YouTuber na sina Jomar Lovena at Whamos Cruz.
Sa comments section ng post ni Wilbert, bumuhos ang komento patungkol kay Herlene dahil tila ito ang first apperance niya matapos pumutok ang isyu.
Kuwinestiyon ng isang netizen kung bakit "naka off" ang comments section ng social media account ni Herlene sa gitna issue.
Sabi pa ng netizen (published as is): "gawa2 ng issue tas hnd din pala kaya harapin mga chismosa gaya ko!"
Tigilan na raw ni Herlene ang pakikipag-ugnayan sa lalaking pag-aari na ng iba.
Ang komentong ito ay hindi pinalampas ni Wilbert.
Agad niyang pinalagan ang nagkomentong netizen at sinabing walang masama sa pag-o-off ng comments section lalo na kung makakatulong ito sa peace of mind ng isang tao.
Pahayag ni Wilbert (published as is), "ako po nag off ng comment po dahil indi natin ma please lahat lalo na sa socmed po. Hope u guys understand."
Ibinahagi rin ni Wilbert na nagpaabot na rin siya ng mensahe sa dating partner ni Rob na si Shaila Robertera para malaman ang panig nito.
Saad ni Wilbert, "Matapos po ang issue once we meet @shaylaroberta po, Always remember there are two sides of the story.
"Truth will always prevail & Mistake is part of human being.
"I already reach Ms. Shayla po since yesterday kht indi na ako Manager ni Herlene. I still concern for both parties dahil we are KF family clan po."

Read: Wilbert Tolentino resigns as Herlene Budol's talent manager hours after posting cryptic messages
THE CONTROVERSIAL MESSAGES
Noong December 19, 2023, pinagpiyestahan sa social media ang screenshots ng diumano'y palitan ng private messages nina Rob at Herlene.
Kalakip nito ang litrato ng isang pregnancy test na negative ang resulta—na diumano'y sinend ni Herlene kay Rob.
Katakot-takot na bashing ang ipinupukol ng netizens kay Herlene dahil pinaghihinalaan siyang third party.
Si Rob ay may anak kay Miss Multinational Philippines 2021 Shaila Rebotera.
Read: Herlene Budol reacts to alleged private convo with Rob Gomez
Sangkot din ang Magandang Dilag co-star nilang si Bianca Manalo, na may hiwalay na exchange of messages kay Rob.
Lumabas ang screenshots sa mismong Instagram account ni Rob.
Read: Tatlong beauty queens idinawit sa kontrobersiya nina Rob Gomez at Shaila Rebortera
Batay sa magkahiwalay na private convo ni Rob kina Herlene at Bianca, mahihinuhang tila nakikipagtagpo ang aktor sa dalawang aktres na may bahid na intimacy.
Walang diretsong pahayag si Herlene tungkol sa palitan nila ng mensahe ni Rob.
Ang tanging sinabi niya sa kanyang tweet noong December 20 ay walang katotohanang buntis siya.
Dineny naman ni Bianca ang isyung may ugnayan sila ni Rob, base sa IG post ni Bianca ngayong araw.
Read: Bianca Manalo breaks silence on leaked private conversation with Rob Gomez
unauthorized posts
Sa kabilang banda, nauna nang kinumpirma ni Rob na si Shaila ang nag-upload ng screenshots sa kanyang Instagram page nang walang pahintulot.
Miyerkules ng gabi, Disyembre 20, nagpadala ng opisyal na pahayag si Rob sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng unauthorized posts.
Read: Shaila Rebortera posibleng kasuhan dahil sa pagpu-post ng mga pribadong mensahe ni Rob Gomez
Ani Rob, walang pahintulot na kinuha ni Shaila ang kanyang cellphone at saka nag-post sa kanyang Instagram account.
Sinabi rin niya na mga kaibigan lamang niya ang mga nakapalitan ng mensahe sa kumalat na screenshots.
Read: Rob Gomez issues statement over unauthorized postings on his Instagram account
