GORGY RULA
Abangan natin kung maglalabas ng announcement ang magaling na aktres tungkol sa kanyang interesting stage.
Nasagap namin sa isang reliable source na mahigit two months na raw ang ipinagbubuntis ng magaling na aktres — courtesy ng kasintahan niyang magaling na aktor.
Aalamin namin kung kumpirmado ito.
At kung gaano ka-excited si magaling na aktor na magiging ama na siya.
Ang dinig namin, ang mudrakel ni magaling ni aktres ang pinaka-excited sa lahat dahil matagal na niyang gustong magkaapo.
Nakikita lately sa mga social media post ng pamilya ni magaling na aktres na madalas nilang nakakasama si magaling na aktor.
Tila bahagi na ng pamilya si aktor, dahil magiging ama na siya ng ipinagbubuntis ni magaling na aktres.
May aasahan kaya tayong kasalan kina magaling na aktor at magaling na aktres ngayong 2024?
Sana, magkaroon na ng official announcement dahil good news naman ito.
JERRY OLEA
Matapos ang 49th MMFF, dahop na naman sa takilya ang mga pelikulang ipinapalabas sa ating mga sinehan, lokal man o banyaga.
So far ay dalawang Pinoy movies pa lang ang medyo masigla ang box-office performance — ang My Sassy Girl nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera, at I Am Not Big Bird nina Enrique Gil, Nikko Natividad, Red Ollero, at Pepe Herrera.
Read: Pepe Herrera is Toni Gonzaga's leading man in My Sassy Girl
Take note na tampok si Pepe sa super-blockbuster MMFF 2023 official entry na Rewind, pati na sa isa pang kalahok sa nagdaang MMFF, ang Family Of Two (A Mother and Son Story).
Mabango ang Pepe sa takilya, ha?!
Sabi-sabi, mas interesado nowadays ang mga tao na pag-usapan ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo-Daniel Padilla at Bea Alonzo-Dominic Roque kesa manood ng pelikula.
Nakaka-good vibes iyong renewal of vows nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa Balesin, pati iyong church wedding nina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Palawan.
Read: Details from Heart Evangelista and Chiz Escudero's vow renewal ceremony
Read: Luis Manzano and Jessy Mendiola finally fulfill dream church wedding
Good vibes din ang hatid nitong naulinigan nating pagdadalantao ng magaling na aktres, courtesy ng mabait at magaling na aktor.
Mahal ng mudrakel ni magaling na aktres ang nobyo nitong magaling na aktor, kaya masaya tayo kung mag-iisang dibdib na rin ang magsing-irog.
NOEL FERRER
Naku, naku, kapag confeeeermed na talaga ito ng couple, hindi na siguro magugulat ang mga tao. Kasi, of age na ang dalawang adults na ito.
Mas matutuwa pa ang mga tao dahil, at least, nagmamahalan talaga sila at well received sila ng lahat.
I wonder kung ano ang mararamdaman ng isang aktres na alam kong gusto nang magkapamilya pero naunsiyami na naman kamakailan?
Patuloy natin siyang ipagdarasal. Basta love love love na lang talaga!!!
