JERRY OLEA
Natakam ang mga accla sa kakisigan ni Juan Carlos “JC” Galano bilang modelo ng Bench Body, lalo pa’t kabighani-bighani ang kanyang pa-Felix Bakat.
Napaigtad ang mga sirena at diwata sa Instagram video na nakikipagharutan siya sa kanyang aso at nag-hello ang kanyang pubic hair.
Read: Pinoy Hubaderos 2023: Mga aktor na nagpakita at nagpasilip sa pelikula, pictorial, at social media
Sa pelikulang After All, na showing na sa local cinemas ngayong Pebrero 28, 2024, Lunes, ay isang eksena lamang si JC bilang tatay ni Teejay Marquez, na kung hindi ako nagkakamali ay four years older sa kanya.
Sa premiere night ng After All noong Pebrero 26, Lunes, sa SM Megamall, bago mag-screening ay paulit-ulit na pinapatugtog ang theme song na "Sandaang Yugto," na si JC ang umawit.
Gusto ba talaga ni JC na maging singer?
“Oo naman, siyempre. Kaya nga may record deal tayo with Universal Records,” mabilis na tugon ni JC.
“Try natin. Kumbaga, tina-try nating i-explore lahat ng avenue sa media sa Arts.”
May na-record nang single si JC sa Universal Records. Waiting for release na iyon.
Ang ba ang mas matimbang sa kanya — pelikula, teatro, TV, o pagkanta?
“Wala namang mas matimbang or kung ano yung mas pina-prioritize ko. Basta as long as I can express my artistic talent, di ba?” sey ni JC.
“Siyempre gusto nating ma-explore yan lahat, kung ano ang puwedeng i-put out. Basta labas lang ako nang labas.”
Gumagawa rin ba siya ng kanta?
“Songwriting? Yes, nagta-try pero hindi yun yung strong suit ko when it comes to ano,” pag-amin ni JC.
“Apparently may ganun naman pala talaga na puwedeng hindi naman ikaw yung tagasulat, pero ikaw yung voice behind the song, di ba?
“Thankful na lang ako na may mga nakakatrabaho akong mga very creative people na sobrang willing to collaborate para piliin ako na maging boses dun sa kanta.”
Last year ay gumanap si JC na Dodong sa ZsaZsa Zaturnah, The Musical (‘Yun Lang), at naging lead actor sa one-act play na O ng Virgin Lab Fest: Hitik.
Read: Juan Carlos Galano hones his acting skills in Virgin Labfest play 'O'
This year kasama siya sa cast ng One More Chance, The Musical, na itatanghal mula Abril 12 hanggang Hunyo 16 sa PETA Theatre sa Quezon City.
Kasama rin siya sa Pinoy adaptation ng Tennessee Williams play na Summer and Smoke (1948).
Gaganap si JC na investigator sa Kapamilya teleseryeng Pamilya Sagrado na magte-taping sa Baguio City. Hopefully ay makapagsimula na siya roon sa Marso.
GORGY RULA
Nananalig si Juan Carlos Galano na hindi siya nakilala sa pagiging sexy, dahil technically ay wala pa raw siyang ginawang project na sexy material.
“Pictorials lang. Don’t get me wrong, hindi naman siya yung mga sexy scenes.”
Read: Juan Carlos Galano ready to "flesh out" for the right movie
Nakatanggap ba siya ng offer na mag-Vivamax?
“Alam ko naman, meron lumalapit. Pero siyempre, mas pipiliin ko ang other avenues na i-explore ko,” saad ni JC.
“Kung sexy scenes man, sa stage ang mas magagawa ko.”
Sa technical dress rehearsal ng O ay may butt exposure siya, pero sa mga mismong pagtatanghal ay waley na.
Sa Vivamax movie na Kabit, nag-frontal nudity sina Victor Relosa at Josef Elizalde, pero prosthetic penis iyon. Siya ba, kung maganda ang project, willing mag-prosthetic?
Read: Victor Relosa na-weirduhan sa paggamit ng prosthetic sa pelikula
“Depende, we’ll see. I mean, ako naman, we can’t be too close-minded. Saka depende na lang siguro sa project,” sambit ni JC.
“Hindi naman sa project lang, but more on the storyline kung gaano kabago saka kung magre-resonate sa akin yung materyal, yung project mismo.”
At kung siya ang bida?!
“Oo, kung ako talaga ang bida, bakit hindi?! Tingnan natin pero open naman. Pero with reservations siyempre. Open with reservations.”
NOEL FERRER
Ay! OK iyang si JC Galano at sana nga ay magawa niyang magmarka sa mga role niya sa TV man, sa pelikula, sa teatro o sa recording.
At favorite siya ni Phi Palmos na ka-kissing scene — na nakapagkit pa sa kanyang diwa — kahit tapos na ang ZsaZsa Zaturnnah!
Read: Juan Carlos Galano grateful for opportunity to play lead in Zsazsa Zaturnnah musical
