PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tahanang Pinakamasaya: Sisibakin sa Ere, Facebook Exit?

TAPE at GMA-7, maglalabas ng joint statement tungkol sa Tahanang Pinakamasaya.
by PEP Troika
Published Mar 2, 2024
tahanang poinakamasaya last episode
After its live streaming of Tahanang Pinakamasaya this Saturday, March 2, 2024, the Facebook page of TAPE is now down. Netizens speculate that the noontime show will soon go off the air.
PHOTO/S: facebook

GORGY RULA

Kaagad na nadiskubre ng ilang netizens na pagkatapos ng live streaming ng Tahanang Pinakamasaya sa Facebook account ng TAPE, Inc. ngayong Marso 2, 2024, Sabado, ay nawala na ito.

tape inc. facebook

Naging palaisipan kung ano ang nangyari, lalo na’t ang ibang followers nila ay nag-post na sa FB ng “Sign Off.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaagad naming tinawagan ang ilang taga-TAPE, pero hindi sila sumasagot. Hindi rin nila sinasagot ang message namin sa Messenger.

Kahit ang isa sa mga host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis, na hindi naman umiiwas sa panayam namin, hindi rin sumasagot nung una.

Ngayong hapon lang siya sumagot sa amin at sinabing pag-usapan na lang daw namin sa susunod na linggo.

Read: Paolo Contis binalikan sa sinabi niya noong "mahaba pa ang laban"

Sinabi naman sa amin ng ilang taga-GMA-7 na napagtanungan namin, tuloy pa rin ang Tahanang Pinakamasaya.

Pero totoo kayang replay episodes muna ang kanilang ipalalabas sa susunod na linggo?

Sabi naman ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, maglalabas ng joint statement ang GMA-7 at TAPE sa Lunes, Marso 4.

Tungkol kaya sa pagkasibak ng Tahanang Pinakamasaya ang ilalabas na statement?

“Di ko pa po alam, e. Wait na lang po natin sa Monday statement, kuya,” text sa akin ni Atty. Garduque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami na kaming naririnig na kuwento tungkol sa desisyon ng GMA-7 sa Tahanang Pinakamasaya, pero ang sinasabi naman sa amin ay hanggang sa December ng taong ito pa naman ang kanilang kontrata sa Kapuso network.

Abangan na lang natin sa Lunes kung ano ang ibabahagi nilang pahayag kaugnay sa magiging kapalaran ng naturang noontime show.

JERRY OLEA

Sa aming pagkakaalam, nung nakaraang linggo ang meeting ng mga Jalosjos sa GMA-7. Doon daw pinag-usapan kung magkakaroon ba ng renewal.

Read: Jon and Bullet Jalosjos say they have "no diabolical reason" for joining TAPE board

May kinalaman kaya ito sa napabalitang P800M na utang diumano ng TAPE, Inc. sa GMA-7?

Read: Tahanang Pinakamasaya, PHP800M ang utang sa GMA-7 na naipon mula sa OG Eat Bulaga!?

Sa Tahanang Pinakamasaya ngayong Sabado, nag-iyakan sina Yorme Isko Moreno at Buboy Villar bago nagpaalam.

Totoo kaya ang naulinigan ng PEP Troika, sinabi raw ng isang staff ng Tahanang Pinakamasaya na last day na raw nila kanina?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Mistulang "Tahanang Pinakamalungkot" kanina ang nakita ng mga tao sa umiiyak na hosts at maging staff.

Which prompts us to ask: Bakit may karatulang "SIGN OFF" na ipinakita kanina?

Totoo nga bang dahil hindi na mabayaran ang utang kahit sa airtime pa lang sa GMA-7?

So, hindi ba talaga kumikita ang programa as much para i-absorb ang overhead at utang?

Di ba’t at a certain point, sinasabing marami namang commercials itong programa at okay naman ang ratings, anyare?

At ang mas importanteng tanong, paano na ang mga taong mawawalan ng trabaho at this point?

Stop the bleeding or utang kaya tigil muna at replay ba muna — until mapagdesisyunan ng GMA-7 kung magkano ang negotiated rate na utang na babayaran?

At totoo bang nakaamba na ang pagpalit ng It’s Showtime sa Tahanang Pinakamasaya eventually?

My heart goes sa mga mawawalan ng trabaho. Sana, makahanap sila ng kapalit kung sakali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After its live streaming of Tahanang Pinakamasaya this Saturday, March 2, 2024, the Facebook page of TAPE is now down. Netizens speculate that the noontime show will soon go off the air.
PHOTO/S: facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results