PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jomari Angeles, inalala ang glorious moment ni Jaclyn Jose sa Cannes

Jomari Angeles: “Sobrang proud Pinoy moment yun, e!”
by PEP Troika
Published Mar 7, 2024
jomari angeles jaclyn jose cannes
Jomari Angeles on working with late Jaclyn Jose in Ma' Rosa: "Sa experience ko, working with her, normal lang po. Hindi niya po ako tinarayan... Hindi niya ako bineybi. Normal lang. Normal na katrabaho. Hindi rin niya ako minaliit, lalo na’t wala pa akong nagagawang pelikula nung mga time na yon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube

JERRY OLEA

Nakakintal sa isip ni Jomari Angeles ang glorious moment ni Jaclyn Jose nang tanghalin itong best actress sa Cannes noong Mayo 2016 para sa pelikulang Ma’ Rosa.

Read: Jaclyn Jose wins Best Actress at Cannes for Ma' Rosa

“Pinaka-core memory ko kay Ma’am Jaclyn, yung gabi ng awards night, yung sa Cannes film festival,” paggunita ni Jomari sa lamay kay Jaclyn nitong Marso 5, 2024, Martes ng gabi, sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Read: Ma'Rosa star Jomari Angeles defends Maria Isabel Lopez's Cannes moment

Si Jomari ay gumanap bilang Erwin, ang bunsong anak nina Rosa (Jaclyn) at Nestor (Julio Diaz) sa nasabing pelikula. Nakipagtalik si Erwin sa bakla (Alan Paule) upang makaipon ng pantubos sa amang nakulong dahil sa pagbebenta ng droga.

jaclyn jose jomari angeles ma' rosa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jaclyn Jose and Jomari Angeles in a scene from Ma' Rosa

Pagpapatuloy ni Jomari, “Kasi, bago kami pumunta dun sa awards night, natunugan na namin na mananalo yung pelikula.

“Pero hindi namin alam na best actress award. Ang akala namin, best screenplay. So, iba yung reaction.

“Si Miss Jane [totoong pangalan ni Jaclyn] talaga, wala siyang idea. At saka kami nun, parang kumbaga, tinatamad nang pumunta sa awards night. For the experience lang.

“Tapos nung tinawag yung pangalan, Jaclyn Jo-se… Dyo-sey pa ang pagkaka-pronounce, hindi Ho-se.

“So, parang nalingat pa siya. Parang… ‘Ako ba yon?!’ Kasi nga, ibang experience. Lahat kami, sumisigaw sa kanya!

“Tapos siya din, hindi makapaniwala. Umiiyak siya sa upuan. Hindi na kasi ito kita sa mga clips sa YouTube, e. Nasa stage na siya.

“Nung talagang nangyari yun, talagang hindi niya alam ang gagawin niya, kung tatayo ba siya sa upuan niya, tapos naiiyak na siya, niyayakap niya si Direk Brillante [Mendoza], ‘Ano bang gagawin ko? Aakyat ba ako dun?’ ganun-ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tapos nagpapasama siya kay Direk Brillante, ‘Samahan mo ako, ano! Samahan mo ako dun sa stage, hindi ko kayang mag-isa!’

“So, ayun ang pinaka-core memory ko sa kanya na talagang hindi makakalimutan.

"Pati nung after ng awards night, na nag-bonding pa kami sa villa kung saan kami nag-i-stay.

“Sobrang proud Pinoy moment yun, e!”

Read: Why Jaclyn Jose beat Charlize Theron, Marion Cotillard as Cannes Best Actress

Nasa cast din ng Ma’ Rosa sina Felix Roco, Andi Eigenmann, Baron Geisler, Neil Ryan Sese, Maria Isabel Lopez, Mercedes Cabral, Mark Anthony Fernandez, Mon Confiado, Kristofer King, Mark Dionisio, Vince Rillon, at Ruby Ruiz.

Read: Cannes Festival, ginunita ang pagkapanalo ni Jaclyn Jose bilang best actress

GORGY RULA

Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Jaclyn sa Ma’ Rosa?

Pahayag ni Jomari, “Nung time na yon, kasi bago ko maka-work si Miss Jane, ang tsismis, mataray siya, ganyan sa set.

“Pero sa amin po sa Ma’ Rosa… siguro po, dahil close sila ni Direk Brillante, dahil magkaibigan sila… mabait po siya sa amin, sa aming lahat, lalo na kay Direk.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So, sa experience ko, working with her, normal lang po. Hindi niya po ako tinarayan.

“Pero hindi rin niya ako shinowbiz na, ‘Ganito ang gawin mo, Anak.’ ‘Ganito dapat.’ Hindi niya ako ginanun.

“Hindi niya ako bineybi. Normal lang. Normal na katrabaho. Hindi rin niya ako minaliit, lalo na’t wala pa akong nagagawang pelikula nung mga time na yon.”

Read: REVIEW: Jaclyn Jose offers heart-wrenching ending for Ma' Rosa

Ano ang natutunan niya kay Jaclyn?

“Yung respeto po. Respeto sa mga katrabaho. Kasi, Jaclyn Jose na yun nung time na nagsu-shoot kami ng Ma’ Rosa,” lahad ni Jomari.

“Relatively young po yung team ni Direk Brillante. Kumbaga, si Direk Brillante lang yung talagang haligi.

“Yung ibang staff niya, bata-bata po… Respeto lang po. Kahit matagal na siya sa industriya, nirerespeto niya ang mga nakakasalamuha niya kahit baguhan.

“Hindi lang artista, yung sa mga staff po, pati crew — mabait po siya. At kakaiba po yung acting style niya talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Mapalad talaga ang mga nakatrabaho ni Jaclyn Jose na magiliw sa mga taong gusto niya talaga.

Maganda ang taguri na ibinigay sa kanya ni National Artist Ricky Lee — na siya ang Queen of Underacting!

Hindi nagpapapansin. Tahimik o banayad lang sa kanyang mga linya at pag-arte. Ngunit malalim at magaling ang hugot.

Iyan ang tatak-Jaclyn Jose. Salamat!

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jomari Angeles on working with late Jaclyn Jose in Ma' Rosa: "Sa experience ko, working with her, normal lang po. Hindi niya po ako tinarayan... Hindi niya ako bineybi. Normal lang. Normal na katrabaho. Hindi rin niya ako minaliit, lalo na’t wala pa akong nagagawang pelikula nung mga time na yon.”
PHOTO/S: Jerry Olea / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results