GORGY RULA
Babalik na sa paggawa ng pelikula ang Waterplus Productions ni Marynette Gamboa, ang dating mayor ng Dingras, Ilocos Norte.
Nakausap ko sa telepono si Marynette at sinabi niyang ayaw na niya ng pulitika kaya balik-showbiz na raw siya.
Gusto raw niyang mag-produce uli ng pelikula.
Ang naalala kong pelikulang iprinodyus niya ay Wag D’yan, Wag D’yan, May Kiliti Ako Diyan (2005) ng Baywalk Bodies, kasama sina John Lapus, Ian Valdez, Kat de Santos, Emilio Garcia, Swarding, at Jeff Areos.
Itutuloy na raw niya ang matagal na raw nilang pinaplanong biopic ni April Boy Regino.
Read: Jukebox idol April Boy Regino passes away at 59
Ang character actor na si Efren Reyes Jr. ang magsusulat at magdidirek ng naturang movie project.
Nang pumanaw si April Boy nung taong 2020, sinabi ni Efren na isasapelikula nila ang kuwento nito. Sinimulan na raw niya ang pagsusulat.
Itutuloy na raw nila ito ngayon dahil sa showbiz na magpo-focus si Marynette at magiging active na uli ang Waterplus Productions.
Wala pa silang maisip na magbida dahil balak nilang magpa-audition ng gaganap bilang April Boy Regino na edad 20s hanggang 30s, at nasa 50s. Kailangan siguro yung nakakakanta rin.
Uunahin daw muna ng Waterplus ang pagkuha ng rights sa publishing ng Viva Music ng mga pinasikat na kanta ni April Boy Regino. Kapag maayos na nila ito, sisimulan na nila ito agad.
Sana, matuloy ito.
JERRY OLEA
Teka, ano na ang nangyari sa biopic na Jukebox King: The Life Story of Victor Wood kung saan bida si Martin Escudero?
Natapos na ba ang shooting niyon?! Kailan at saan iyon ipapalabas?
Read: Victor Wood biopic, nahinto ang shooting dahil sa pagpanaw ng singer at ng isang INC leader
At least, iyong Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin starring Claudine Barretto ay nag-premiere noong Nobyembre 29 sa SM Megamall, at nagkaroon ng block screenings afterwards. Waiting din tayo kung saan at kailan ang release nito.
Read: Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, sa tatlong sinehan nag-premiere night
Nagawa na iyong Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera) starring RK Bagatsing. Entry iyon sa 1st Summer MMFF last year.
Read: Direk Joven Tan hindi na nagpaalam sa pagsali kay Sharon Cuneta sa "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko"
Kung isasapelikula ang buhay ni April Boy, dapat sigurong gawing bida rito ang anak niyang si JC Regino na kumakanta-kanta rin, di ba?
Interesado pa ba ang fans sa life story ni April “Boy” Regino?
Hindi kaya mas may recall o commercial value ang kuwento ng buhay ni Jovit Baldivino?
What about ang life story nina Eva Eugenio, Claire dela Fuente, Didith Reyes, Rico J. Puno, Freddie Aguilar, Florante, Nonoy Zuñiga, Hajji Alejandro, Dulce, o Marco Sison?
NOEL FERRER
Interesting din na isapelikula ang ilang musical, di ba?
Andiyan ang Rak of Aegis at Ang Huling El Bimbo.
Mula sa pagiging drama films ay ginawang stage musical ang Bar Boys at One More Chance. Kaabang-abang na isapelikula ang musical versions ng mga iyon.
Good luck na lang sa producer ng biopic ni April Boy.
