GORGY RULA
Magwawalong buwan na pala ang ipinagbubuntis ni Yasmien Kurdi, pero hanggang ngayon ay hindi pa niya alam kung ano ang gender ng baby na nasa sinapupunan niya.
Read: Yasmien Kurdi and family announce pregnancy; expecting baby in 2024
“Ang dami ko pong inaasikaso kuya. Di na po ako nagpa-gender reveal. Inaasikaso ko pa si Mama na nagpapa-dialysis,” sey ni Yasmien sa Messenger nang kinumusta ko siya.
Read: Yasmien Kurdi awaiting kidney donor for ailing mom
Napansin ko kasi sa social media niya na wala pa siyang ipinu-post kung baby boy o girl ba ang magiging second baby nila ng asawa niyang si Rey Soldevilla.
Bukod sa kanyang inana nagpapa-dialysis every week, ang dami pa raw niyang pinagkakaabalahan.
Nagpa-enroll pala siya sa Academy of Pastry and Culinary Arts Philippines o APCA ng kursong Pastry and Baking Arts. Tuwang-tuwa siyang ibinalita sa aking next week ay ga-graduate na siya.
Ifinorward pa niya sa akin ang reels ng mga nagawa niyang pastries na parang ang sasarap lahat.
View this post on Instagram
View this post on Instagram
Wala naman daw siyang balak magpatayo ng pasty o bakeshop. Gusto lang daw niyang madagdag ito sa kaalaman niya, at mabuti na raw ito kesa sa nagmumukmok lang siya sa bahay.
“For personal lang po muna ngayon, additional knowledge. Saka para di po ako malungkot at ma-busy po yung utak ko habang buntis,” sabi pa ni Yasmien.
Kaya hindi raw niya alam kung may time pa ba siyang magpa-ultrasound para malaman kung boy o girl ang magiging baby niya.
“Kahit ano naman po, basta healthy. Pero tingnan ko po next month, pag bibili na po ako ng mga damit. Baka alamin ko na lang po next month. Bahala na po,” lahad pa sa amin ni Yasmien.
Read: Yasmien Kurdi kinumpirma ang blind item tungkol sa Kapuso na buntis sa kanyang second baby
JERRY OLEA
Dagdag sa mga inaasikaso ni Yasmien ay ang renovation ng bahay nila. Kailangang matapos na raw ito bago siya manganak.
Isisiksik pa raw niya sa schedule niya ang maternity pictorial niya sa Nice Print, at kung kakayanin, baka doon na raw niya aalamin kung ano ang gender ng baby.
At least, hindi na raw niya mapapansin, malapit na pala siyang manganak.
“Okay na po itong busy ako. Ayoko po nasa house lang ako, baka malungkot lang po ako,” text ni Yasmien sa PEP Troika.
NOEL FERRER
Deadma na ang gender reveal.
Marami namang ibang mas kapaki-pakinabang na pinagkakaabalahan ni Yasmien tulad ng dialysis ng ina at ang kanyang pagga-graduate sa culinary school.
Kung sana lang, ganyan ka-productive lahat ng buntis, di ba?
Oh well, magsilbing inspirasyon nawa si Yasmien sa ibang kababaihan.
Isa siya sa mga maituturing na karapat-dapat pahalagahan ngayong Women’s Month, and beyond!
