JERRY OLEA
Present si Joel Torre sa gala screening ng pelikulang Under A Piaya Moon noong Marso 15, 2024, Biyernes ng hapon, sa Gateway Cineplex, Cubao, Quezon City.
Andoon din ang co-stars na sina Pau Dimaranan at Chart Motus, at direktor na si Kurt Soberano.
Wala ang bidang si Jeff Moses dahil nagte-taping sa Kapuso afternoon drama series na Abot-Kamay Na Pangarap.
Read: 'Pushcart Tales,' 'Under A Piaya Moon,' humakot ng award sa 1st CinePanalo Film Festival
Pahayag ni Joel bago ang screening, “It’s been a while na gumawa kami ng Ilonggo film, so one of the reasons why I said yes to the project.
“My last was… entirely shot in Bacolod was 42 years ago, which was Oro, Plata, Mata [1982]. So it’s an opportunity to do another film.
“I met Kurt in a wedding, in a party with the Torre wedding, and medyo… OK, we talked. I know of Kurt, and blah-blah-blah, blah-blah-blah.
“Then tapos. Party! And two days after, he said, ‘Did you read the script?’ ‘What script?’
“He offered me the movie, I forgot. So, pero nung binasa ko, by the end of the script, siyempre I said yes to it.
“Because it’s rare to do a movie na Ilonggo, and it’s about food. And it’s about our culture, and we should represent Bacolod or Negros in a movie.
“So, that’s the whole reason behind, although of course the cast, and especially the director, it’s his vision…”
Ang Under A Piaya Moon ay isa sa anim na full-length films na kalahok sa 1st Puregold CinePanalo filmfest.
Sa awards rite noong Marso 16, Sabado, sa Cinema 5 ng Gateway Mall, itinanghal si Joel na best supporting actor.
Wala si Joel sa gabi ng parangal dahil meron siyang shooting. Ang tumanggap ng tropeyo niya ay ang assistant director na si Charles Hilado.
Wagi rin ang Under A Piaya Moon sa mga kategoryang best picture, best actor (Jeff Moses), best cinematography (Nathan Bringuer), best production design (Jed Sicangco at Kurt Soberano), at best editing (Rodney Jarder Jr. at Kurt Soberano).
Ito rin ang napili ng MTRCB para sa Responsableng Paglikha Award, at ng Mowelfund Film Institute para sa Special Citation.
Read: Sparkle artist Jeff Moses, wagi agad ng best actor para sa una niyang pelikula
Ang 1st PureGold CinePanalo ay nag-umpisa noong Marso 15, Biyernes, at nagtapos na sana kahapon, Marso 19, Martes. Extended ang showing ng entries hanggang Marso 26, Martes Santo.
Siyangapala, ngayong Marso 20, Miyerkules, ay opening day ng anim na pelikula — Exhuma, Immaculate, White Bird: A Wonder Story, Noah’s Ark, The Wild, at Pagpag 24/7 na bida sina Jerald Napoles, Wilbert Ross, Nikko Natividad, Danita Paner, at Nicco Manalo.

GORGY RULA
Maganda nga ang Under A Piaya Moon at magaling silang lahat.
Deserve ni Joel Torre ang best supporting actor award, pati ang nag-best actor na si Jeff Moses.
Itong Under a Piaya Moon ang isa sa magagandang regional films na dapat na suportahan ng kanilang LGU.
Nag-okay naman sa akin si Mayor Albee Benitez nang sinadyest ko sa kanyang maganda kung magpa-screening sila ng pelikulang ito sa Bacolod City.
Sana, matuloy dahil kung isa kang Bacolodnon o Negrense, ikaka-proud mo ang pelikulang ito.
Kahit ako ngang Ilonggo ay natutuwa sa pelikulang ito at mabuti naintindihan ko ang dialogues nila sa pelikula, hindi na kailangang basahin ang subtitles. Kaya ramdam na ramdam ko ang mga karakter na ginagampanan ng mga artista.
Marami pang magagandang kuwento sa Bacolod na puwedeng isapelikula ng magagaling nilang filmmakers.
Si Direk Kurt Soberano ang isa sa magagaling na produkto ng mga tinuruan ng namayapang si Direk Peque Gallaga.
Sana, marami pa sa mga estudyante ni Direk Peque ang mag-flex ng galing nila sa filmmaking at marami pa silang maisasapelikulang magpapakita ng ganda ng Bacolod City at lalawigan ng Negros Occidental.
NOEL FERRER
I saw the film, and even with the rough edges, na-achieve nito ang intention niya para ipakita ang rich color ng provincial life — food and culture.
Dahil sa mga katulad ni Kurt Soberano, nabubuhay ang legacy ni Direk Peque Gallaga na nararapat ding tanghaling National Artist.
