PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, No. 1 na sa Netflix

Box-office success ng Rewind, nagtuluy-tuloy sa Netflix.
by PEP Troika
Published Mar 27, 2024
rewind netflix
Rewind, starring reel and real-life couple Marian Rivera and Dingdong Dantes, grabs the No. 1 spot on Netflix movies 24 hours after its first day of streaming.

JERRY OLEA

Nag-top agad ang Rewind sa listahan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.

Noong Marso 25, 2024, Lunes Santo, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix PH ang super-blockbuster na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama si Pepe Herrera bilang Lods.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Ang Rewind ang topgrosser sa 49th Metro Manila Film Festival. Pila-pila ang moviegoers sa unang araw pa lang ng showing nito nationwide noong Disyembre 25, 2023.

Bonggang-bongga ang word-of-mouth sa DongYan film na idinirek ni Mae Cruz Alviar, mula sa panulat nina Enrico C. Santos at Joel Mercado.

Nasa cast din ng Rewind sina Coney Reyes, Lito Pimentel, Ariel Ureta, Sue Ramirez, Ina Feleo, Via Antonio, Joross Gamboa, at Jordan Lim.

Executive producers nito sina Carlo Katigbak, Kriz Gazmen, Michael Tuviera, at Jose Sixto Dantes III.

Sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino — hindi adjusted sa inflation — ito ang may pinakamalakas na domestic gross, at worldwide gross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rewind, first Filipino film na naka-PHP900M sa box office

Sa first 8 days ng 2024 ay most watched sa Netflix PH ang A Very Good Girl nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Ang mga sumunod na Pinoy films na nanguna sa nasabing talaan ay Wish You Were The One, Instant Daddy, Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies, Apag, English Only Please, Shake, Rattle & Roll Extreme, at ito ngang Rewind.

Ang mga pelikulang Pilipino na nakatakda nang mag-streaming sa Netflix ay Becky & Badette (Abril 4), GomBurZa (Abril 9), A Journey (Abril 12), Kampon (Abril 18), Family of Two: A Mother and Son Story (Hunyo 1), Penduko (Hunyo 7), at Mallari (Hunyo 21).

Read: Pitong MMFF 2023 movies, mag-i-streaming na sa Netflix

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Rewind, Top Gun Maverick, Damsel, Black Adam, Fighter, Safe, The Autopsy of Jane Doe, Irish Wish, Shooter, at Superhero Movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

netflix top 10 movies march 26 2024

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Queen of Tears, 3 Body Problem, Solo Leveling, Avatar The Last Airbender, Doctor Slump, Royal Blood, Can’t Buy Me Love, Physical 100, Homicide New York, at The Gentlemen.

netflix top 10 tv shows

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Congratulations sa Star Cinema, APT, and AgostoDos Productions sa collab na ito na Rewind.

Sa isang talk sa pamantasan, napag-usapan namin ang ilang punto kung bakit pumatok ang Rewind sa panlasa ng mga Pinoy.

Isa sa sinabing dahilan ay nagsilbi itong catharsis at venue para ilabas ng tao ang kanilang mga saloobin pagkatapos ng pandemyang dinaanan natin.

Siyempre, nakatulong na sina Dingdong at Marian ang bida — mga Kapuso na gumawa ng pelikula sa kompanyang Kapamilya — at nakasama pa sa malawakang Metro Manila Film Festival kung saan talaga nagsipag ang lahat para hikayatin ang masang Pinoy na bumalik sa panonood ng pelikula sa mga sinehan, kaya ito ang No. 1 na pelikulang Pilipino sa takilya ngayon.

Ngayong nasa Netflix (streaming service na), asahan nating mas marami pang tao ang maaabot nito.

Ang tanong lang, na-maximize na ba ng pelikula ang kanilang potential earnings sa theatrical run all over the world kaya ni-Netflix na agad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Oh well, nagwo-work din lang kasi ang international screenings ngayon kung may pa-event, like may artistang dumadalo sa screening.

Busy na rin kasi ang mga aktor kaya ito na yata talaga ang logical next move para sa pelikulang tulad ng Rewind.

Maganda ring nataong Holy Week na nasa Netflix, mas maraming panahong manood ang mga tao.

All the best sa Rewind!!!

GORGY RULA

Nag-e-emote ang kaibigan naming si Louie Alejandro sa Arizona, USA, dahil hindi raw yata abot sa kanila ang Rewind.

May isyu pa raw ang Netflix sa kanila nang tsini-check niya dahil hindi ito mabuksan.

Hindi ko alam kung dito lang sa Pilipinas o buong Asia ba ang Rewind sa Netflix. Pero may mga ilang pelikula rin natin na napapanood sa Netflix USA at Europe.

Kaya sana, abot din doon ang Rewind at ang iba pang pelikulang ipinalabas noong MMFF.

Inaasahan na itong mag-No. 1 kaya tuluy-tuloy pa rin ang success ng pelikulang ito nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nung nakaraang media conference ng "Best Time Ever" campaign ng GMA-7, tinanong ko si Dingdong kung okay lang sa kanya na iba naman ang makasama ni Marian sa pelikula. Okay naman daw, sabi ng GMA Primetime at Box Office King.

Pero hindi pa nila masabi kung anong pelikula itong gagawin ni Marian dahil naka-focus muna ang aktres sa pagsisimula ng My Guardian Angel sa Abril 1, Lunes.

Si Dingdong naman ay sisimulan na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Ms. Charo Santos.

Sabi nga niya, tuluy-tuloy na ang Agosto Dos niya sa paggawa ng pelikula. This time ay ka-collaboration niya ang Cornerstone sa ilalim ng direksiyon ni Irene Villamor.

Isa kaya ito sa isusumite sa 50th Metro Manila Film Festival?

Read: Dingdong Dantes excited about upcoming movie with Charo Santos

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rewind, starring reel and real-life couple Marian Rivera and Dingdong Dantes, grabs the No. 1 spot on Netflix movies 24 hours after its first day of streaming.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results