GORGY RULA
Tantiya ni Yasmien Kurdi ay manganganak na siya between April 14 and May 2, 2024.
Pero hanggang sa nung nakausap namin sa DZRH nung Miyerkules Santo, March 27 ay hindi pa rin daw niya alam kung baby boy o girl ang kanyang ipinagbubuntis.
Nung huling check-up niya ay sinabi na rin daw niya sa kanyang OB Gyne na huwag na munang alamin ang gender ng baby.
Puwede naman daw ma-off iyon para hindi malaman ang gender ng baby sa sinapupunan niya.
Happy siya na healthy naman ito, at ipinost nga niya sa kanyang Facebook account ang kanyang huling ultrasound.
“Sinabi ko lang na huwag na muna, hindi ko muna aalamin.
“Pero pagdating nitong April, aalamin ko na siya kasi mamimili na ako ng konting clothes,” pakli ng Kapuso actress.
Hanggang sa ngayon ay marami pa raw siyang ginagawa, kaya nag-decide na siyang huwag nang magpa-baby shower o kahit magpa-gender reveal party.
“Hindi na ako mag-shower party. Hindi na rin ako mag-gender reveal party.
“Hindi na ako nagganun kasi ang nangyari, parang ayoko ma-stress sa preparation.
“E, ang dami ko nang inaasikaso. Like for example si Mama, nag-dialysis 3 times a week.
“Ang hirap kasi ng… kasi winu-workout namin yung ano niya, yung kidney transplant sana.
“E, bago ka ma-kidney transplant, ang dami pa palang mga process, like for example, kailangan mo ng clearance sa ganito.
“So lahat yun ngayon habang buntis ako, inaasikaso ko for mama.
“So, na-busy talaga ako dun, and at the same time si Ayesha, graduating ng elementary, ang dami ring requirements.
“'Tapos yung bahay namin, di ba, pina-renovate ko na rin?
“Diyos ko! Mag-one year na, hindi pa rin tapos yung house namin. Katatapos lang ng cabinet ko kahapon, nakakaloka!
“Sabi ko, grabe naman ito, mag-one year in the making na ito,” natatawang pahayag ni Yasmien.
Nagpapasalamat na lang daw siya sa Panginoon dahil healthy naman ang baby na dinadala niya at ipinapanalangin niyang maging safe ang kanyang panganganak.
JERRY OLEA
Sabi pa ni Yasmien, kahit hindi pa nila alam ang gender ng baby, may napagkasunduan na raw silang mag-asawa kung ano ang ibibigay nilang pangalan.
Dapat ay approved din daw ng kanilang panganay na anak na si Ayesha.
Excited na raw si Ayesha sa kanyang magiging baby sister o brother.
“Meron na kaming ipapangalan kung sakaling girl o kung sakaling boy,” pakli Yasmien.
“Si Ayesha naman, she’s very excited. Si Ayesha talaga, malapit sa mga small kids. So, iwan mo siya sa mga maliliit na bata, i-entertain niya yung mga bata, kahit kapitbahay namin, kaibigan na may anak, talagang mahilig siya sa bata.
“Kaya nung nalaman niya na magkakaroon na siya ng kapatid, naku, sobrang excited niya.
“Kahit girl o kahit boy, okey lang sa kanya. Basta meron siyang kapatid. Kahit malayo agwat, okey lang sa kanya,” saad pa ni Yasmien.
NOEL FERRER
Wala pang plano si Yasmien na bumalik sa trabaho pagkatapos niyang manganak.
“Mag-breast feed muna ako ng baby, at least kahit 6 months, ganun.
“Ipaayos ko muna yung katawan ko, kasi I gained weight. So, I have to get my shape back, sa dati. Kasi mahirap po talaga magtrabaho, lalo na kung hindi kasya yung mga damit,” napangiti niyang pahayag.
Achievement na rin kay Yasmien na nakapag-graduate na siya sa kursong Baking and Pastry Arts sa Asian Pastry and Bakery School in the Philippines.
Wala naman siyang balak na magtayo ng bakeshop, gusto lang daw niyang matutong mag-baking.
“Sabi ko, para naman maging productive itong pregnancy ko, at the same time para hindi ako magkaroon ng anxiety o kahit anong lungkot.
“Kasi, galing ako sa laging nagti-taping nung ginagawa ko ang The Missing Husband. Sobrang busy ko the whole time.
“Yung ilang taon ko, sobrang busy, 'tapos biglang matetengga ako sa house. Sabi ko parang biglaan ito, baka malungkot ako bigla at iyak ako nang iyak.
“So sabi ko, para hindi ako malungkot, e di mag-aral na lang ako.
“In fairness naman, sobrang saya ko, nag-enjoy ako!”
At least, magpahinga man sa showbiz si Yasmien, may bago siyang skill na puwedeng i-develop at later, pagkakitaan.
Good luck, Yasmien!
