PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado's Korean Actor Crush Upsets Bong Revilla

Lani Mercado, may crush sa Korean actor na ito.
by PEP Troika
Published Apr 1, 2024
lani mercado birthday
Congresswoman Lani Mercado on Korean actor she has a crush on: "Siya lang yata ang pinagseselosan ng asawa ko!"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Inaasam ni Bacoor Congresswoman Lani Mercado na makapagbakasyon sa Switzerland kasama ang asawang si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr.

Read: Senator Bong Revilla sa 37 years of marriage nila ni Rep. Lani Mercado: "Tagal na niyang nagtiis!”

Gustong puntahan ni Ate Lani ang mga pinagsyutingan doon ng paborito niyang K-drama series na Crash Landing On You (2019-2020).

Crush ni Ate Lani ang bidang lalaki sa Crash Landing On You na si Hyun Bin, na ka-birthday ni Senator Bong.

Read: Hyun Bin seen being protective of wife Son Ye Jin at the airport

“At siya lang yata ang pinagseselosan ng asawa ko!” natatawang pagsisiwalat ni Ate Lani nitong Abril 1, 2024, Lunes, sa SuperSam restaurant, Sct. Rallos St., Quezon City.

“Siya lang! Kasi nakahingi ako ng parang standee niya kay Chaye [Cabal-Revilla]. Kasi, Smart endorser siya,” pagtatapat ni Ate Lani.

“Nakahingi ako niyan. So, pag nagtatrabaho ako, nandun yung standee sa likod ko. Tapos nagpapa-picture ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi niya, ‘Sino ba yan?! Sino ba yang nandiyan sa likuran mo?!’ Ayun, nagagalit. Nagseselos.

“Sabi ko, ‘Pa, huwag kang ganyan. Ka-birthday mo yan!’ I don’t think napanood niya yung Crash Landing On You.”

Kabilang pa sa mga TV series ng 42-anyos na si Hyun Bin ang My Name is Kim Sam-soon (2005), Secret Garden (2010-2011), at Memories of the Alhambra (2018-2019).

Siyempre, may standee rin si Senator Bong sa office ni Ate Lani, kahit noong mayor pa ito ng Bacoor City.

NOEL FERRER

Ipagdiriwang ni Ate Lani ang kanyang ika-56 kaarawan ngayong Abril kapiling ang Bacooreños. Ito rin ang ika-14 na taon niya sa paglilingkod-bayan.

Sa Abril 4, Huwebes, ang blessing of covered court sa Molino 2, at blessing ng multi-purpose building sa San Nicolas 2.

Abril 6 ang medical mission sa Molino 2. Abril 12 ang Passport on Wheels, at pagpapasinaya ng multipurpose building sa Aniban 1.

Sa Abril 13 ang birthday concert na G na G with Ate Lani sa NOMO parking lot, tampok ang Itchyworms at si Flow G.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Abril 16 ang Job Fair sa SM Bacoor.

Abril 17 ang blood-letting activity sa Strike Gym, blessing ng covered court sa Molino 4, at blessing ng covered court sa Habay 1.

Abril 21 ang medical mission sa Niog.

Abril 25 ang blessing ng covered court sa Queensrow West.

Hangad ko pa rin makagawa siya ng isang magandang movie ulit. Alalang-alala ko siya sa My Other Woman (1990) ni Direk Maryo J. delos Reyes.

GORGY RULA

Noong mayor pa si Congresswoman Lani sa Bacoor City, at naka-detain pa noon si Senator Bong sa Camp Crame, mapapansin mo agad sa tanggapan niya ang standee ni Sentor Bong sa likuran niya.

Wala pa noon si Hyun Bin sa kamalayan niya.

Read: Lani Mercado, selosa; Bong Revilla, ander de saya?

Kapag nami-miss niya ang asawa niya, nandiyan ang standee ni Senator Bong na natatanaw niya. Minsan may mga bisita siyang nagpapa-picture pa sa standee ni Senator Bong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit noong nag-courtesy call sa kanya si Coco Martin, isinama pa ang standee ni Senator Bong sa photo op nila.

Sa ngayon ay may dalawang standee na nasa opisina ni Congresswoman Lani. Feeling ko, madagdagan pa ng isa. Si Tolome naman ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik na Misis!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congresswoman Lani Mercado on Korean actor she has a crush on: "Siya lang yata ang pinagseselosan ng asawa ko!"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results