GORGY RULA
Sobrang lamig ng Calgary, Canada nang dumating doon ang Sparkle stars na sina Barbie Forteza, David Licauco, Ruru Madrid, Bianca Umali, Rayver Cruz, at Julie Anne San Jose.
Sabi ng ilang taga-Sparkle na napagtanungan namin, -1 ang temperature nang dumating sila roon at tuluy-tuloy ang pag-ulan ng snow.
Gaganapin ang first concert ng tatlong Sparkle love teams na Sparkle Goes To Canada, na ididirek ni Mr. Johnny Manahan, sa Southview Alliance Church, sa Calgary, Canad, sa April 5.
Ang kasunod na concert ay gaganapin naman sa Toronto Pavilion sa April 7.
Read: Sparkle in Canada Tour: Dates, Tickets, and Featured Stars
Bago sila nag-rehearse ay super-pasyal muna sila roon, kahit sobrang lamig.
Siyempre, higpit ng yakapan nina Ruru at Bianca, at ganundin naman sina Julie Anne at Rayver.

Bianca Umali and Ruru Madrid
Namasyal sila sa BANFF National Park at sa Lake Louise.

Rayver Cruz and Julie Anne San Jose

David Licauco and Barbie Forteza
Super pictorial sila sa makapal na snow doon, na ikinatuwa ng mga fans na nag-aabang sa pagdating nila roon,
Sa mga interesadong bumili ng tickets, puwede raw mag-inquire kina Vangie Fons sa numerong 587 834 1820, Beth Malcom sa 416 731 4772 o kay Candace David 416 825 5750.
NOEL FERRER
Good luck sa grupo. Kita naman sa online ticketing platform sa Canada na marami pang tickets na available.
Sana, dumagsa ang mga fans para panoorin sila. Ito na ang test ng bankability ng mga prime
JERRY OLEA
TV stars pa lang sina Ruru, Bianca, Barbie, David, Rayver, at Julie Anne.
Wala pa silang napatunayang lakas ng hatak sa takilya base sa mga pelikulang pinagbidahan nila.
Hindi maitatago kung malamig ba o mainit ang pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin sa Canada.
