GORGY RULA
Ang Family Feud ni Dingdong Dantes ang nakapagtala ng pinakamataas na rating sa afternoon slot noong Lunes, Abril 8, 2024.
Noong araw na iyon ipinalabas ang episode kung saan naglaro ang mga host ng It’s Showtime.
Read: Musta ang It's Showtime guesting sa Family Feud?; Eat Bulaga! production cost, tumaas ba?

It's Showtime hosts with Family Feud host Dingdong Dantes
Naka-10.7% ang Family Feud, at 0.3% lamang ang katapat nitong Minute To Win It.
Ang afternoon drama ni Jillian Ward na Abot-Kamay Na Pangarap ang madalas na toprater sa hapon. Pero nitong Lunes ay dumikit lang ito sa Family Feud dahil 10.6% ang rating ng teleserye.
Samantala, pagkatapos ng mataas na rating ng unang araw ng It’s Showtime sa GMA-7 noong April 6, Sabado, napanatili nito ang pagiging No. 1 noontime show.
Noong Lunes, April 8, 8.3% ang aggregated rating ng It's Showtime, kasama na ang sa GTV at A2Z. Pero sa GMA-7 pa lamang ay naka-5.9% na ito.
Ang Eat Bulaga! ng TVJ ay naka-4.3% lamang ang combined rating nito sa TV5 at RPTV.
Read: It's Showtime, kinabog sa ratings ang Eat Bulaga! sa salpukan nila noong April 6
JERRY OLEA
Noong Martes, Abril 9, Araw ng Kagitingan, consistent pa ring mataas ang It’s Showtime.
Naka-8.6% ito, habang ang Eat Bulaga! ay naka-4.3%.
Sa mga susunod na araw at linggo, antabayanan natin kung alin ang ispageting pababa, at alin ang ispageting pataas.
Exciting kung sinu-sino pang Kapuso stars ang masisilayan sa It’s Showtime.
Abang-abang din tayo sa mga kaganapan sa nalalapit na birthday celebration ni Vice Ganda sa isang resort sa Nueva Ecija.
Read: Vice Ganda, nagpasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko sa It's Showtime sa GMA-7
NOEL FERRER
Noong Miyerkules naman, Abril 10, ay mataas pa rin ang It’s Showtime na naka-8.3%.
Medyo tumaas ang Eat Bulaga! na naka-5.9%.
Ito yung araw na sinilebreyt nila ang birthday ni Ryan Agoncillo na nag-surprise ang pamilya niyang sina Judy Ann Santos, kasama sina Yohan, Luna, at ang napaka-cute na si Lucho.

Noong araw ring iyon sinimulan ang bagong segment nilang "That’s My Boyfriend," na ipinantapat sa "EXpecially For You" ng It’s Showtime.
