PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan, namigay ng PHP300K sa drag queens

Sachzna Laparan, natuwa sa drag performers kaya namigay ng pera.
by PEP Troika
Published Apr 26, 2024
sachzna laparan drag queens
Sachzna Laparan on drag queens: "Grabe kasi ang effort ng mga drag queens, di ba? Mag-makeup lang, ang tagal pa. So, deserved naman nila yan. Deserved naman nila kung ano man yung nabigay natin sa kanila. Kasi grabe naman ang kasiyahan na nabigay nila sa atin."
PHOTO/S: @rampadragclub on Instagram

GORGY RULA

Ang bongga ng pasabog ng social media influencer at aktres na si Sachzna Laparan nang pumunta ito sa Rampa drag bar sa Quezon City noong Linggo, Abril 21, 2024.

Namigay siya ng kadatungan sa mga nag-perform na drag queens.

Sobrang ikinatuwa iyon ng drag queens dahil lahat sila ay nabiyayaan ng kadatungan mula kay Sachzna.

Ang tantiya raw nila, umabot ng PHP300,000 ang ipinamigay na pera ni Sachzna.

Read: Sachzna Laparan opens up about being a victim of sexual abuse

“Hindi ko na po binibilang. Basta masaya ako nung time na yun,” pakli ni Sachzna nang nakatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Miyerkules.

“Nung time kasi na yan, birthday yan ng partner ko. Sabi niya sa akin, best birthday daw niya yun… pag pumunta kami dun sa Rampa. So yun, pinagbigyan ko siya na diyan siya mag-celebrate ng birthday.

“Sobrang saya daw niya, kaya napamigay tayo ng pera. Kasi sobrang saya namin, talagang nag-e-enjoy kami… yung mga drag queens natin,” sabi pa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SACHZNA LAPARAN GIVES BLESSINGS TO DRAG QUEENS

Nakausap din namin ang isa sa may-ari ng Rampa na si RS Francisco.

Sabi niya, matagal na raw ala-alaga ng Frontrow si Sachzna na parang galing na raw sa kanila. Kaya sobrang tuwa raw niya nang pumunta ito ng Rampa para magpaambon ng blessing sa drag queens.

Noon pa man ay nakitaan na raw niya ng kabaitan si Sachzna na gusto raw talaga nitong tumulong sa mga nangangailangan.

Kuwento ni RS, “Nung panahon ng pandemic, lagi kaming magkasama ni Sachzna through online lang kasi bawal pa magkita-kita.

“Tuwing magkasama kami sa zoom, sa streamyard pa dati… alam mo si Sachzna, dun ko napansin na kahit napakaliit na produkto, basta humingi ng tulong sa kanya, bibilhin niya, ipo-post niya. Tutulungan niya, na she’ll make sure na ang negosyo na yun ay lumakas.

“Nung nakita ko yan, na-touch talaga ako kay Sachzna. Sabi ko, 'Sachz alam mo, mabe-bless ka talaga sa mga ginagawa mo niyan.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Puwede naman siya mag-inarte, e. Ilang milyon ang followers ni Sachzna.

"Puwede naman siya magsabi na hindi ipo-post pero gagamitin ko lang. E, hairpin lang nga, hairclip na kung ano ano…”

Malambot daw ang puso ni Sachzna sa mga miyembro ng LGBTQIA, lalo na itong mga drag performers na alam niyang sobrang hirap ng ginagawa nila para mapasaya ang mga pumupunta sa kanilang bar.

“Grabe kasi ang effort ng mga drag queens, di ba? Mag-makeup lang, ang tagal pa. So, deserved naman nila yan.

"Deserved naman nila kung ano man yung nabigay natin sa kanila. Kasi grabe naman ang kasiyahan na nabigay nila sa atin,” dagdag ni Sachzna.

Ngayong Biyernes, April 26, ay ang Rampa Reynas na drag queens ang nag-perform sa opening number ng It’s Showtime. Nag-promote sila ng LGBTQIA+ party sa Rampa sa May 3 na tinawag nilang Watermelon Friday.

JERRY OLEA

Sabi ni RS Francisco, pursigido siya sa pag-alaga sa mga drag performer dahil gusto raw nilang iangat sa higher level ang art ng drag performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Drag club owner RS Francisco, tanggap ang klase ng act ni Pura Luka Vega

“Kaya ko po tinayo yung Rampa, para meron tayong lugar sa Quezon City na kung saan yung mga drag performers natin… dati po ang tawag diyan, drag queens, di ba po?

“Pero po kasi ngayon, drag artists na, drag performers. Kasi meron mga lalaki, merong mga babae na nagda-drag.

“Iba ang ginagawa ngayon ng mga drag performers. Nung opening, nag-drag din ako para alam ko kung ano yung pinagdadaanan nila. Ang hirap pala talaga,” bulalas ni RS.

“Parati naming sinasabi namin ng partners ko, sina Ice [Seguerra], Tito Boy [Abunda], Divine Divas, i-elevate natin yung art ng drag.

“Gawin natin dito sa Rampa. Alagaan natin sila, i-nurture natin sila.

“Of course, hindi naman milyun-milyon ang sahod. Pero gawin nating mas okay kesa sa ibang performance venues.

“Para ma-elevate natin, sabi nyo nga, parang Marina Summers na. Malay nyo, ang susunod Marina Summers, galing sa Rampa, di ba?” dagdag ni RS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Drag club nina Liza Diño, Ice Seguerra, Divine Divas, atbp. di lang pang-LGBTQ+ community

Siyanga pala, yung preliminary competition ng Man of Steel 2024 ay gaganapin sa Rampa sa Mayo 11, Sabado ng 11:00 pm. Ang tiket ay P300.

Labing-apat na bikini boys ang magtatagisan sa timpalak, kabilang ang indie actor na si Juan Paulo Calma.

man of steel poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Forge Your Destiny” ang tagline ng paligsahan.

Ang grand finals nito ay sa Mayo 25, Sabado ng gabi, doon din sa Rampa.

Iprinodyus ito ng Laxa Legacy, at sponsored nina Miko Dy at Franklyn Mofar.

NOEL FERRER

Noong pandemic ay tuluy-tuloy ang pagtulong ni Sachzna sa mas nangangailangan, lalo na raw yung mga nagsisimula pa lang magnegosyo.

Meron siyang tinatawag niyang Sachz Love sa tulong ng mga Sachz Babes niya.

Kuwento niya, “Nung time kasi na yun, maraming nag-struggle na tao. Kaya bilib talaga ako sa kanila.

“Kaya yun ang platform ko na lang ang isang way ko para kahit papaano, ma-promote ko ang ibang mga small business na talagang nangangailangan na wala pa talagang pambayad.

“Kasi magpo-promote lang naman magpi-picture. Hindi naman malaking kawalan sa akin yun e. Gusto ko lang na kahit papaano, matulungan ko sila nang konti.

“Saka parang way ko na lang yun para mag-give back sa iba. Kasi siyempre, na-feel ko na parang na bless naman tayo kahit papaano ni Lord, so mag-give back naman tayo sa kanila,” saad ni Sachzna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

COLLAB PROJECTS

Nagkakatulungan sila ni RS Francisco sa ilang projects, na nilinaw na rin ni RS na itong pagpapaabot nila ng tulong ay wala raw silang inaasahang kapalit.

“Ang pinaka-challenge sa amin diyan, parati kaming tinatanong kung saan kami naka-focus sa charity.

“Kung sa bata ba, sa kung ano ba, sa mga nasalanta ba ng bagyo, sa mga HIV o sa mga hayop ba?

“Parang feeling namin, ang pagtulong, universal yan. Lahat ng tao ay nangangailangan ng tulong.

“Tinuruan ko rin si Sachzna na maging bulag siya kung sino ang tinulungan niya.

“Whether battered housewife, o negosyong nag-uumpisa pa lang o may HIV, may sakit sa puso.

“Para sa amin, kung ano talaga yung nagpaantig ng puso, yun talaga.

“So, ang pinaka-challenge sa amin diyan ay kung saan ba talaga kami magpo-focus. Pero even up to now, challenge pa rin kami up to now kung paano namin magagawa yun.

“Parati kong naririnig sa mga tao na kapag nagbigay ka, babalik sa yo ng hundredfolds. So, ibig sabihin, nag-e-expect ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ayoko naman ng ganun. Kapag nagbigay ka, hindi mo alam kung ano yung next. Kung babalik sayo o hindi babalik sa yo.

“Kami, kapag nagbigay kami ni Sachzna, ang pinakaini-expect ko lang, sana sa mabuti napunta tong binigay namin.

“Sana, sa maganda mangyari yan. Ganun po parati,” pahayag ni RS Francisco.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan on drag queens: "Grabe kasi ang effort ng mga drag queens, di ba? Mag-makeup lang, ang tagal pa. So, deserved naman nila yan. Deserved naman nila kung ano man yung nabigay natin sa kanila. Kasi grabe naman ang kasiyahan na nabigay nila sa atin."
PHOTO/S: @rampadragclub on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results