PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sachzna Laparan opens up about being a victim of sexual abuse

Sachzna: "Hindi pa nag-sorry yung tao na yun sa akin, pero napatawad ko na siya."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 25, 2024
Sachzna Laparan recalls trauma, sexual abuse experienced
Sachzna Laparan speaks about her sexual-abuse experience at a very young age: "May time na umakyat siya sa bubong namin tapos may bintana doon, pinapasok niya yung bintana na yon. Ako, alam ko na tuwing madaling-araw, pupunta siya sa kuwarto ko. Ako naman, ang ginagawa ko, pumunta naman ako sa [loob] ng cabinet ko. Doon naman may puwang dun na parang sa movie na nakikita ko siya, na hinahanap na niya ako, [tapos sasabihin niya na] 'Labas ka na.'
PHOTO/S: Toni Gonzaga YouTube

Trigger warning: sexual abuse, depression

Matapang na ibinahagi ng actress-vlogger na si Sachzna Laparan ang kanyang trauma nang maging biktima siya ng sexual abuse sa murang edad.

Sa panayam ni Sachzna sa YouTube vlog ni Toni Gonzaga nitong Linggo, March 24, 2024, binalikan niya ang masalimuot na karanasan nang abusuhin siya ng isang kamag-anak.

Kuwento ng aktres, limang taong gulang siya noon nang patirahin ng kanyang lolo at lola sa kanilang bahay ang isa nilang lalaking kamag-anak.

Noong mga panahong iyon ay nakatira si Sachzna sa poder ng kanyang lolo at lola dahil ang ina niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Lahad niya, "Malayo po namin siyang kamag-anak. Ang lola ko, sobrang bait. Inampon niya, pinag-aral niya. Yung lalaki parang seventeen years old nun that time.

"Ako naman, five years old ako. E, wala akong kaalam-alam sa bahay, kasi nga bata pa.

"So, kung ano ang gusto niyang ipagawa, gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Habang tulog ang lolo at lola ni Sachzna ay doon daw ginagawa ng kamag-anak niyang lalaki ang pangmomolestiya sa kanya.

Pagbabahagi niya, "May room po ako that time, kasi nagwu-work mama ko kaya medyo okay ang buhay ko, may kanya-kanya kaming room lahat.

"Maraming beses kasing nagagawa [yung pagmumolestiya], e. Nandun yung hawak, paghipo sa private parts ko, tapos yung ari niya pinapasok niya sa bibig ko.

"Pinakahindi ko makalilimutan, connecting kasi yung room namin, may time na umakyat siya sa bubong namin tapos may bintana doon, pinapasok niya yung bintana na yon.

"Ako, alam ko na tuwing madaling-araw, pupunta siya sa kuwarto ko. Ako naman ang ginagawa ko, pumunta naman ako sa [loob] ng cabinet ko.

"Doon naman may puwang dun na parang sa movie na nakikita ko siya, na hinahanap na niya ako, [tapos sasabihin niya na] 'Labas ka na.'

"Noong makita niya ako, hindi naman sapilitan, dinala niya ako sa kama, tapos doon na niya ginagawa yung mga gusto niyang gawin sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sachzna Laparan on ex Jerome Ponce's new girl: "Parang ang dating niya sa akin abangers."

THREAT FROM SEXUAL ABUSER

Sabi pa ni Sachzna, hindi naging madali sa kanya noong magsalita dahil binantaan siya ng nagmolestiya sa kanya na papatayin nito ang lolo at lola niya ung magsusumbong siya.

Umiiyak na saad ni Sachzna, "Tapos siya [sinasabi niya] na parang, 'Kapag sinasabi mo ito papatayin ko yung lolo at lola mo.'

"E, sila lang yung meron ako nun... na may ipinapakita siyang kutsilyo, ganyan, kaya lalo akong natatakot. 'Yung mama mo hindi mo na makikita,' ganyan.

"Yung mga yon ang hirap alisin sa memory. Lahat yon dinala ko hanggang teenager."

Huli na raw nang masabi ni Sachzna sa kanyang pamilya ang bangungot na naranasan niya sa kamay ng kanilang kamag-anak.

Sabi niya, "Late ko na nasabi sa [mama ko], yung buo na yung family ko.

"Para kasing doon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob, kasi alam kong may kakampi na ako.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Growing up kasi wala naman akong masyadong friends, awkward akong lumalaki, hindi ako marunong makipagkaibigan sa mga tao."

Dahil sa masamang karanasang ito, nagkaroon daw ng trust issue si Sachzna na malaking epekto sa kanyang emotional at mental health.

Dagdag pa rito, ang kaliwa't kanang batikos na natatanggap niya bilang isang public figure.

Read: Sachzna Laparan threatens to sue YouTuber Veybillyn Gorens for calling her "kabit"

Pag-amin niya, kamakailan ay na-diagnose siyang may borderline personality disorder at ngayon ay patuloy na siyang nagpapagaling.

Ang borderline personality disorder, ayon sa Mayo Clinic ay isang uri ng mental health condition.

Karaniwan daw sa mga may ganitong kondisyon ay takot maiwan at mapag-iwanan mag-isa, may trust issue, at may unstable self-image and mood.

Read: Vlogger-actress Sachzna Laparan reconciles with YouTuber Veybillyn Gorens

Gayunpaman, ipinapasa-Diyos na raw ni Sachzna ang lalaking dahilan ng kanyang trauma at proud daw siya sa sarili na napagtagumpayan niya ang masalimuot na karanasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong sa kanya ni Toni Gonzaga, "Twenty years ago, if you were to talk to that five-year-old little girl, anong sasabihin mo sa kanya?"

Nakangiting sagot ni Sachzna, "Everything will be okay. [Sasabihin ko] na sobrang strong mo.

"Kasi walang nagsabi sa akin nun, kasi wala namang nakakaalam ng story ko.

"Pero kung ako man yon, ang sarap-sarap yakapin ng five-year-old na Sachzna.

"Sobrang fragile, sobrang pure, innocent.

"Iba pa rin kapag forgiveness, hindi pa nag-sorry yung tao na yun sa akin, pero napatawad ko na siya.

"Panalo na ako doon. Napatawad ko na siya.

"Kasi feeling ko, kapag hindi ko siya napatawad, parang hindi ko rin napatawad yung sarili ko.

"Kahit hindi ka mag-sorry, napatawad na kita."

Read: Sachzna Laparan and Jerome Ponce unfollow each other on Instagram; did they break up?eakup-a5132-20230407

Narito ang hotline numbers para sa mga sumusunod na ahensya na maaaring makapagbigay ng police at legal assistance:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

POLICE/INVESTIGATION ASSISTANCE

National Emergency Hotline: 911
Aleng Pulis Hotline: 0919 777 7377
PNP Women and Children Protection Center
24/7 AVAWCD Office: (02) 8532-6690
Email address: wcpc_pnp@yahoo.com / wcpc_vawcd@yahoo.com / avawcd.wcpc@pnp.gov.ph

LEGAL ASSISTANCE

Public Attorney’s Office (PAO)
Hotline: (02) 8929-9436 local 106, 107, or 159 (local “0” for operator)
Email address: pao_executive@yahoo.com

REFERRAL SERVICES

Inter-Agency Council on Violence Against Women and their Children (IACVAWC)Website: www.iacvawc.gov.phEmail: iacvawc@pcw.gov.phContact numbers: (02) 8735-1654 local 124, 09178671907, 09454558121

Para naman sa mga nangangailangan ng kausap at tulong dahil sa kanilang mental health issues, tumawag lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline: 1553, Landline (02) 7-989-8727 at cellphone number 0966-351-4518.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan speaks about her sexual-abuse experience at a very young age: "May time na umakyat siya sa bubong namin tapos may bintana doon, pinapasok niya yung bintana na yon. Ako, alam ko na tuwing madaling-araw, pupunta siya sa kuwarto ko. Ako naman, ang ginagawa ko, pumunta naman ako sa [loob] ng cabinet ko. Doon naman may puwang dun na parang sa movie na nakikita ko siya, na hinahanap na niya ako, [tapos sasabihin niya na] 'Labas ka na.'
PHOTO/S: Toni Gonzaga YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results