GORGY RULA
Hindi na ni-renew ng TiktoClock ang kontrata ni Rabiya Mateo bilang co-host ng naturang game-variety show ng GMA-7.
Read: Rabiya Mateo, umalis na sa TiktoClock matapos mapaso ang kontrata
Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, mas pinili raw ni Rabiya ang acting kesa sa hosting.
Madalas siyang napapa-absent dahil nagti-taping siya ng Kapuso afternoon drama series na Makiling.
Pero ngayong matatapos na ang Makiling, sinabi raw ng dating Miss Universe Philippines na mas gusto niyang mag-focus sa acting kesa sa hosting.
RABIYA MATEO-FAITH DA SILVA ISSUE
Ayon naman sa ilang nasagap namin, may ibang dahilan kaya iniwan na ni Rabiya ang TiktoClock. Nagkaroon daw sila ng isyu ng kanyang co-host na si Faith da Silva.
Hindi idinetalye ng ilan sa napagtanungan namin kung ano ang totoong nangyari, at kung bakit lalong lumala ang gap nina Rabiya at Faith.
Ang sabi naman ng ibang source ng PEP Troika, napag-ayos na silang dalawa bago nag-decide si Rabiya na umalis sa TiktoClock.
Pero naniniwala ang ilan na si Faith ang dahilan kung bakit nagpasya si Rabiya na iwan ang naturang programa.
Okay na nga ba talaga sina Rabiya at Faith?
Si Herlene Budol na raw ang ipinalit kay Rabiya, pero semi-regular pa lamang daw siya ngayon dahil may regular taping siya sa Black Rider.
Pero natuwa raw sila sa pagpasok ni Herlene dahil lalong gumanda ang ratings ng kanilang programa.
Read: Angel Guardian, Ashley Ortega, Elle Villanueva amongst Sparkle 10
NOEL FERRER
Ano ba iyan? Sa pagre-resign or di pagre-renew, may official at unofficial reason.
Maganda ang official reason, na mag-concentrate na lang sa acting.
Pero teka, si Herlen Budol ay ganun din ang kaso kay Rabiya. At bakit ngayon pa, anyare?
Ano ba talaga ang real issue kina Rabiya at Faith?
Sana talaga, makatulong itong issue na ito para lalong tumaas ang ratings ng programa, ha? If not, baka lahat sila, pati ang programa ay matsugi! Hehehe!
JERRY OLEA
Tumaas ang ratings ng TiktoClock nang mag-umpisa ang It’s Showtime sa GMA-7.
Di ba, minsan ay kinabog pa ng TiktoClock ang rating ng Eat Bulaga!?
Totoo ba na ang hirap i-schedule ni Rabiya para sa mga provincial promo? Abang-abang tayo kung saan hahantong ang career move ni Rabiya.
