GORGY RULA
Ilang araw ko ring hinintay ang sagot ng ilang executives ng PTV-4 na hiningan ko ng reaksiyon sa pagpirma ni Willie Revillame sa TV5, at hindi na natuloy ang pagkakaroon ng show nito sa kanilang istasyon, pati sa IBC 13.
Pero ayaw nilang sagutin ito. Mas marami raw silang pinagkakaabalahan at mag-move on na lang, mag-focus sa mga bagong shows nila sa PTV-4.
Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5
PTV-4 NEW SHOWS
Isa sa patuloy nilang nilang pino-promote ay ang bagong programa ng broadcast journalist at homemaker na si Niña Corpuz, ang Health@Home na nagsimula na nung April 27, 2024.
Napapanood ito tuwing Sabado ng 7:00 a.m. Sa one-hour show na ito ni Nina ay imo-motivate ang televiewers para simulan ang malusog at aktibong lifestyle sa tulong ng empowering advice mula sa health professionals, nutritious recipes, guided workouts at exercises, pet care tips, at wellness information para sa mga manonood.

“Malapit ito sa puso ko,” pakli ni Niña.
“Bilang isang ina, gagawin natin ang lahat para protektahan ang ating pamilya, at number one po ang kalusugan.
“Hindi lang siya nagbibigay impormasyon, kundi nagpapagaan din ng loob. We want to inspire you all,” sabi pa ni Niña.
NOEL FERRER
Bukod sa Health@Home, inilunsad na rin noong April 27 ang Sentro Balita Weekend, na anchored ito nina Angelique Lazo, Audrey Gorriceta, at Naomi Tiburcio.

Dito rin sa PTV-4 mapapanood ang bagong amateur esports tournament sa ating bansa, ang Unity League, na nagsimula na rin noong Mayo 2.
Mapapanood ito tuwing Huwebes ng 7:00 p.m., kung saan mapapanood ang behind the scenes ng Unity League Mobile Legends Bang Bang Competition, at inside look kung paano i-stage ang top esports teams ng Pilipinas.
Noong Linggo, Mayo 5, naman sinimulan ang isang mala-vlog na style ng culinary program na pinamagatang Eat’s Fun na ang host nito ay ang entertainment at lifestyle journalist na si Leslie Ordinario.
Mapapanood ito tuwing Linggo ng 10:30 a.m.
Leslie Ordinario
Sa darating na Sabado, May 11 ng 10:30 am ay ang pilot ng isang art show for kids na pinamagatang Artsy Craftsy. Ang hosts ng naturang programa ay sina Kuya Joseph, Yumi, at Cholo.

(From left) Cholo, Kuya Joseph, and Yumi
JERRY OLEA
May sariling market ang PTV-4, at patuloy nilang pinapalakas ang kanilang signal.
Noong Oktubre 2, 2023 pa sana nagbalik-TV si Willie Revillame, at simulcast sana iyon sa PTV 4 at IBC 13.
Abang-abang tayo sa pagbabalik-TV ni Willie, at kung magiging game changer ba iyon.
Sa Mayo 13, Lunes ay aarangkada na nang lubos ang collab ng ABS-CBN at ALLTV. Abangan din natin ang kahihinatnan niyon.
Read: Paglipat ng show ni Willie Revillame sa PTV 4 at IBC 13, di na tuloy?
