JERRY OLEA:
Thankful ang dating child actor na si Alonzo Muhlach na hindi siya nagmana sa height ng papa niyang si Niño Muhlach.

(Alonzo with dad Niño Muhlach)
“Siyempre height kasi, malaking nakakatulong yun, di ba?
“Siyempre sa… pagka-dominance mo, or in general. Yeah, maganda talaga kapag matangkad,” pagmumuwestra ni Alonzo.
READ: Alonzo Muhlach seen as the next child wonder after his dad Niño
READ: Why Niño Muhlach and son Alonzo are the coolest father-and-son tandem in town
Sandaling nakatsikahan ng showbiz reporters si Alonzo sa thanksgiving party ni Manay Aster Amoyo nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Mayo 10, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
Sa tantiya niya ay 5’3” o 5’4” ang kanyang papa. Sa edad na katorse, 5’8” o 5’9” na si Alonzo.
Tatangkad pa kaya siya?
“Hopefully, sana! Sana! Gusto kong maging six-foot plus.”
ALONZO, HATAW SA WORKOUT
Mahigit isang taon nang nagdyi-gym si Alonzo. Sa pagkakatanda niya ay Pebrero 2023 siya nag-umpisang mag-workout.
Magpapa-bulky ba siya?
“Hindi naman. I wanna get lean. Mas lean lang. Para siyempre, di ba, ngayon kapag may shooting, mas maganda ang mga damit sa akin,” sambit ni Alonzo.
“And mas maganda tingnan on camera.”
Hindi ba masyado pa siyang bata para mag-gym?
Napabuntong-hininga si Alonzo, “Siguro pero hindi ko naman po ino-overwork yung sarili ko.
“Kasi siyempre ang mga ka-age ko, hindi naman talaga dapat sobrang bigat ang mga weights na inaano namin.”
Sakto lang daw ang pagbubuhat ni Alonzo sa gym.
Dagdag niya, “Mas maganda rin na mag-ano ka ng cardio-cardio, treadmill. And then, ayun.”
May precautions si Alonzo sa pagwe-weights. Binabantayan siya ng training coach para hindi siya magka-injury.
ALONZO, ENJOY SA BUHAY BINATA
Kumusta na siya ngayong 14 years old na siya?
“Being 14, a lot has changed. Siyempre yung puberty, school. Ano na ako, Grade 8 as of now. I’m studying in La Salle Greenhills,” lahad ni Alonzo.
“Siyempre new friends, and more opportunities.”
And girls?
“Hahahahaha! Sakto lang, sakto lang!” pagtungo ni Alonzo habang tumatawa.
NOEL FERRER:
Naka-focus muna si Alonzo sa pag-aaral. Kung may chance na siyang mag-comeback sa acting, tatanggapin daw niya.
ALONZO EXCITED SA SHOWBIZ COMEBACK, GUSTONG MAGING ACTION STAR
Ano ang gusto niyang mangyari sa pagbabalik-artista niya?
“Sa pag-comeback ko, I mean, alam ko naman na hindi ko maaabot yung level ng pagka-child star ni papa,” sabi ni Alonzo.
“Pero I wanna continue my dad’s legacy ng pag-aakting. And I wanna do better kung babalik ako sa showbiz.”
Gusto ba niyang maging komedyante, matinee idol, o dramatic actor? Noong child actor siya, nagku-comedy siya.
Napa-smile si Alonzo, “Yeah, yeah, yeah. Kasi siyempre, nung baby ako, kamukha ko si papa. So nag-follow ako sa pagka-comedic acting niya.
“Pero ako, I wanna try action. I wanna try action. Kasi si papa ngayon, nag-aaksyon, e. Gusto kong mag-try ng action movie.”
Pero binatilyo pa lang siya. Puwedeng mag-try muna siya na makipag-loveteam. OK ba iyon sa kanya?
“Yeah, yeah, yeah, of course. Of course, I’m open naman to any. Pero if it’s for me lang, or kahit sa future, I wanna try action kahit sidekick lang ako, di ba?” sey ni Alonzo.
GORGY RULA:
May crush na ba siya sa young actresses ngayon?
Napa-smile uli si Alonzo, “As of now, wala naman po.”
Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na pumili ng ka-loveteam, sino ang gusto niya sana?
“Hmmn… given the chance, it’s a hard question, e. I’m open naman kahit sino,” sagot ni Alonzo.
“And I’d be glad to get to know them, yeah.”
Ang papa niyang si Niño, lapitin noon sa girls.
Napayuko muna si Alonzo, “Naku, si papa, ayan tsk tsk… ayan, talagang napakaano sa babae.”
ALONZO, THANKFUL SA SHOWBIZ ADVICE NG PAPA NIYA
Ano ang advice sa kanya ni Niño?
“Sinasabi sa akin ni papa, ang fame ng tao, hindi naman talaga iyan forever,” sambit ni Alonzo.
“So while you have it, and if you really love what you do, you take care of it lang. Siyempre yung mga fans, fans ko, fans ni papa ko, whoever, we have to take care of them.
“Siyempre kasi sila yung nagpapabuhay sa amin, di ba? And they’re the ones that give us love.”
Sinasabihan ba siya ng papa niya na huwag masyadong babaero?
“Naku, naku!”
Nagmana ba siya sa papa niya?
“Siyempre naman.”
ALONZO, MATINIK DIN BA SA CHICKS TULAD NG PAPA NIYA?
Nakailang girlfriends na siya sa edad niyang 14?
“Secret po, secret. Hahahahaha!”
Nainlab na ba siya nang seryoso?
“Aahhhh hmmmnn I don’t think so pa.”
Puppy love lang yung naging girlfriends niya.
“Yeah, pero I think it’s too early rin to commit, you know. Kasi siyempre I have a lot more to do in my life,” pahayag ni Alonzo.
“Siyempre in the future, I’m gonna take my chances you know, to find true love or whatever, di ba?
“Pero hindi naman talaga maiiwasan ang mga first love, di ba? Mga crushes, yeah.”
Wala pa siyang heartache?
“Ahhh wala pa naman siguro. I don’t think so.”
READ: Alonzo Muhlach celebrates 6th birthday
READ: IN PHOTOS: The grand carnival-themed party of Alonzo Muhlach
