GORGY RULA:
Isa sa highlights ng repeat ng Pure Energy: One Last Time concert ni Gary Valenciano noong Mayo 10, Biyernes, sa SM MOA ay ang partisipasyon ng anak niyang si Kiana Valenciano.
May ilulunsad na single si Kiana, ang “Sweet Release,” pero hindi niya iyon kinanta sa guesting niya sa concert.

Ang sabi sa title ng concert na ito ni Gary V, “One Last Time,” kaya tanong pa rin kung last na ba ito ng Mr. Pure Energy sa ganito kalaking concert?
READ: Gary Valenciano, Angeli Pangilinan ecstatic over daughter Kiana Valenciano's engagement
READ: Kiana Valenciano opens up about vitiligo skin condition
READ: Kiana Valenciano opens up about battle with depression: "I was hurting myself physically."
Tinanong ng PEP Troika si Kiana: kung siya ang masusunod, gusto ba niyang last na ito ng kanyang ama, at kailangan na niyang magpahinga?
“As inspiring as it is to see him perform like this, I’d like to see him rest,” kaagad na sagot ni Kiana.
KIANA FINDS HER NICHE AS COMPOSER
Gusto namang humataw ni Kiana ngayon sa recording, kung saan kari-release lang nitong bagong single niyang “Sweet Release.”
Si Kiana mismo ang nagsulat nitong kanta kasama ang songwriters na sina Rosemarie Tan at Philippe dela Pena na bumagay sa kanyang unique vocal stylings.
Sabi sa inilabas na press release: “As the kids say these days, ‘Sweet Release’ is a bop. Produced by De’La, it’s sure to set dance floors ablaze with its catchy hook and irresistible rhythm.”
Naka-dedicate ang kantang ito sa kanyang best friend.
Ang sabi pa ni Kiana, ngayon daw ay inaaral niya ang style niya sa pop vibe na pinasikat ng kanyang ama itong iconic style.
Magpapasiklab si Kiana nitong style na ito sa Pure Energy concert ng kanyang ama ngayong gabi.
NOEL FERRER:
Panibagong challenge bilang songwriter itong hinaharap ni Kiana, dahil nagsisimula na siyang magsulat ng mga Tagalog songs.
KIANA STARTS WRITING TAGALOG SONGS
Kakaibang experience ito sa kanya dahil sa English siya nagsimulang magsulat ng mga kanta.
“I’ve started writing, and some of my favorite songs are in Tagalog. I’m really, really excited. It’s different to express ourselves in our native tongue. It’s really moving, a different experience. I’m having too much fun,” saad ni Kiana.
Sayang at hindi pa raw niya nagagawan ng Tagalog song si Gary V.
“No, unfortunately, not yet,” pakli ni Kiana.
JERRY OLEA:
Ang direktor ng Pure Energy: One Last Time concert ay si Paolo Valenciano.
KIANA, PAOLO PRESENT AT DAD'S CONTRACT SIGNING RENEWAL WITH ABS-CBN
Present sina Paolo at Kiana sa presscon ng kanilang ama noong Abril 16 sa Dolphy Theater, kung saan pumirma si Gary V sa Star Magic.
Doon pa lang ay sinabi ni Kiana na hindi ito naniniwalang “one last time” na ang pa-concert na iyon ni Mr. Pure Energy, at umayon naman doon si Gary V.
At any rate, noong Abril 12 pa nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax ang pelikulang Sweet Release, kung saan bida sina Ataska, Dyessa Garcia at Mhack Morales, sa direksyon ni Pancho Maniquis.
Nasa cast din ng Sweet Release sina Horace Mendoza, Jem Milton, Nathan Cajucom, Aries Night, Jonica Lazo, Mae Andres, Beaulah, at Anthony Dabao (na Davao na ang apelyido sa Lady Guard).
Siyempre pa, ang "Sweet Release" ni Kiana ay walang kinalaman sa Sweet Release ng Vivamax.
READ: Gary Valenciano, Angeli Pangilinan emotional about daughter Kiana's move to U.S.
READ: Kiana Valenciano admits cutting off friendships in showbiz
