PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

FAMAS director Vince Tañada, nagsalita na tungkol sa isyu

FAMAS, nagsinungaling tungkol sa Eva Darren issue.
by PEP Troika
Published May 30, 2024
vince tanada eva darren famas issue
72nd FAMAS Awards director Vince Tañada on the Eva Darren (right) issue: “Kung ibabalik naman po ay pwede rin madali naman pong i-adjust ang program. Hindi lang kami naabisuhan ng PRO na siyang inviter ni Ms. Eva sa tatlong araw na lumipas buhat nang tanggalin ito as presenter kasama ng iba pa.”
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Nag-react si Atty. Vince Tañada sa isinulat ng PEP Troika kaugnay sa mahabang paliwanag ng presidente ng PhilStagers Foundation (PSF) na si Johnrey Rivas.

Ang PSF ang namahala sa daloy ng programa ng 72nd FAMAS Awards.

Read: Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?

Si Atty. Tañada ang direktor ng kontrobersiyal na 72nd FAMAS Awards night na ginanap sa Manila Hotel noong nakaraang Linggo, Mayo 26, 2024.

Isa siya sa presenters, at siya rin ang head jury and moderator.

Si Atty. Tañada ang dating presidente ng PSF.

Read: FAMAS 2024 fiasco, sino ang tunay na may pagkukulang?; Prod staffer, may rebelasyon!

Sinagot niya ang komento ko tungkol sa di pagkakaroon ng talent coordinator (TC) sa naturang event.

Nasa hospital ngayon si Direk Vince pagkatapos niyang dumaan sa isang surgery.

VINCE TAÑADA'S EXPLANATION ON FAMAS ISSUE

Bahagi ng kanyang paliwanag sa PEP Troika (published as is): “Hindi po kami assigned na kumuha ng artists. Hindi po saklaw ng trabaho namin ang kumuha ng presenters. Kaya po wala kaming TC. Yan po ay agreement na with FAMAS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang FAMAS President at PRO po ang nagbibigay sa amin ng list ng guest artists at presenters, at gagawan po namin ng script at ididirek sa mismong gabi ng parangal.

“Kaya po simula pa lamang noong Biyernes nang tanggalin si Eva Darren sa list kasama ng iba pa, ang alam namin ay wala siya sa programa.

“Kung ibabalik naman po ay pwede rin madali naman pong i-adjust ang program.

“Hindi lang kami naabisuhan ng PRO na siyang inviter ni Ms. Eva sa tatlong araw na lumipas buhat nang tanggalin ito as presenter kasama ng iba pa.”

Sinagot ko si Direk Vince na since nandoon na si Ms. Eva, bakit hindi nila in-adjust at isinama na sa presenters dahil nasa original list naman pala ito?

Ang sagot ni Direk Vince, kung naabisuhan lang daw sana sila ng taga-FAMAS, lalo na ang PRO na si Renz Spangler, nagawan daw nila ito ng paraan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi niya, “Alam nyo naman po kapag nasa production ka abala ka lang sa backstage at tech booth. Di mo naman napapansin ang mga tao sa loob. Kung sino lang ang nasa plain view namin ang siyang nakikita.”

Hindi ko na sinagot si Direk Vince para hindi na humaba ang usapan. Dahil suma tutal, meron talagang pagkakamali. Nagkakaturuan na kung sino ang may sala o ang dapat sisihin.

Pero sa pagkakamaling ito, ang isa sa napuruhan ay si Ms. Eva Darren.

Naglabas na ng public apology ang FAMAS, pero may pagsisinungaling pa pala.

Sinabi ng FAMAS na hindi nila mahanap si Eva kaya pinalitan na lang nila ang beteranang aktres.

Read: FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren

Pero pag-amin ni Johnrey Rivas, Biyernes (May 24) pa lang ay tinanggal na ito sa lipon ng presenters, kaya wala ang mukha at pangalan ni Eva sa ini-announce ng FAMAS na presenters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero nandiyan na iyan, “damage has been done,” ika nga.

WHO SHOULD HANDLE FAMAS?

Babalikan ko lang ang isang argument ni Sir Noel Ferrer na sino ba talaga ang dapat na hahawak ng FAMAS. Kaya ginu-Google ko ang naturang organisasyon at ito ang nakasaad:

The Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (also known as the FAMAS Awards) are the annual honors given by the Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS), an organization composed of award-winning writers and movie columnists, for achievements in Philippine cinema for a calendar year.”

Sila na po ba ito ngayon, ang grupong pinamumunuan ni Ginang Francia Conrado?

Read: 72nd FAMAS: Kathryn, Piolo, Alfred win top acting awards

JERRY OLEA

Ibinunton ni Johnrey Rivas ang sisi kay Renz Spangler na PRO ng FAMAS kaya hindi nakapag-present ng award ang 77-anyos na si Ms. Eva Darren kasama si Tirso Cruz III.

Pero sa prinsipyo ng command responsibility, accountable pa rin ang mga pasimuno sa daloy ng programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abala si Johnrey Rivas bilang backstage host kaya wala sa diwa niya ang presence ni Ms. Eva.

Ganoon din si Direk Vince na siyang direktor ng programa, at isa sa presenters.

Ayun at ang pobreng si Ms. Eva na nagbayad ng PHP20,000 para sa apat na plato — para sa kanya at tatlong apo — ay hopia, asado at expectorant na magiging presenter kasabay sa Tirso.

Ganoon na lamang ang panlulumo ni Ms. Eva na hindi siya pinag-present. Napahiya siya sa kanyang tatlong apo.

Umalma ang anak ni Ms. Eva na si Dr. Fernando de la Peña at naglabas ng hinaing sa Facebook noong Mayo 27, Lunes, the day after the awards ceremony.

Nang araw ring iyon ay agad humingi ng paumanhin ang FAMAS kay Ms. Eva at ang sabi, “She was part of the program in last night’s Awards Night and was supposed to present Special Citations with Mr. Tirso Cruz III.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But considering that we were running a live show, and due to myriads of people present in last night’s festivities, the production team was not able to locate Ms. Darren…

Kokak! Na-trigger nang bonggang-bongga ang netizens, partikular ang mga taga-showbiz industry, sa hanash na kesyo hindi ma-locate si Ms. Eva.

Read: Divina Valencia, nagsalita sa Eva Darren-FAMAS issue

Nakapuwesto si Ms. Eva malapit sa entablado, kasama sina Divina Valencia at Marissa Delgado.

Eva Darren (rightmost) with Marissa Delgado (leftmost) and Divina Valencia (center) at FAMAS 2024 Awards Night.
Eva Darren (rightmost) with Marissa Delgado (leftmost) and Divina Valencia (center) at FAMAS 2024 Awards Night.
PHOTO/S: FERNANDO DE LA PENA
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatungkod ang septuagenarian na si Ms. Eva at hirap maglakad.

eva darren snooky serna ath the 72nd famas
Veteran actress Eva Darren (left) with Snooky Serna at the 72nd FAMAS Awards
PHOTO/S: FACEBOOK

Hindi katanggap-tanggap na hindi siya nakita ng production team. Kung ikaw ay presenter sa isang awards night, may talent coordinator na lalapit sa iyo at sasamahan ka nang pumunta sa stage kapag malapit ka nang mag-present.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kadalasan, three or four categories before the part na magpe-present ka ay pinapa-stand by ka na sa backstage. Batid iyan ng mga taga-industriya, lalo ng mga nagpapalakad ng awards ceremony.

Sa pagsisiwalat ni Johnrey nitong Mayo 29, Miyerkules ng gabi, sa Facebook, inamin niyang tinanggal na si Ms. Eva sa listahan ng presenters noon pa mang Mayo 24, Biyernes ng gabi.

Kaya ayun, ngangey si Ms. Eva noong Mayo 26, Linggo ng gabi, sa Manila Hotel. Naghintay sa wala.

Last year pa, natatanong sa tuwi-tuwina ang veteran stars kung nakaranas ba sila ng disrespect mula sa young stars na nakatrabaho nila, o nakaengkuwentro.

Read: Dina Bonnevie recalls confronting bratty young actress: "Talagang... I gave her hell."

Ang 2024 FAMAS fiasco ay paglapastangan kay Ms. Eva, na lalong lumaki dahil sa kokak na paghingi ng paumanhin.

Sa napakahabang statement ni Johnrey — pitong pahina, 3,051 na salita — sinabi niyang “Libre din sa dinner ang mga nominees at winners, mga special awardees at plus one nila, at iba pa, ang stage, sounds and lights, ushers, etc…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Libre sa dinner ang mga nominees at winners, mga special awardees at plus one nila?

So, sinu-sino lang ang nagbayad ng PHP5,000 per plate upang mairaos ang 72nd FAMAS Awards?

NOEL FERRER

Hindi puwedeng i-equate iyong walang pondo sa mga pagkukulang sa production.

Tularan na lang ang Urian at Young Critics Circle, huwag magpabongga kapag hindi kaya.

Keep to your core kung bakit kayo award-giving body — pahalagahan at itanghal ang kahusayan sa isang payak pero makabuluhang sermonya.

Bakit noong panahon ni Sir Ricky Lee, wala mang pa-dinner, nag-survive sila nang may credible results, lahat masaya, lalo na ang mga nominado at pinarangalan na may personal citations?

Read: FAMAS, nagbabagong-bihis sa pangunguna ni Ricky Lee; indie films, dinomina ang nominasyon

Bakit ba bumalik ang FAMAS sa ganito?

Dahil walang pondo?

O dahil ang ibang namumuno ay hindi rin alam kung ano ang layunin at esensiya ng paggagawad?

Hindi rin alam kung paano magdaos ng gawad parangal?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lumalabas na pagmamagandang-loob ang nangyari?

OK naman iyon. Pero ayusin naman.

At ginagawa ito nang kusa at walang kabig pansarili.

Kapag pinanood natin ang programa, sino ba ang nakinabang?

Sa totoo lang, nauna na ang ibang kumubra kaysa sa tumulong. Hindi pa tapos ang programa, e, sila na ang namayagpag sa ere.

Puri kete puri. Banggit kete banggit ng mga pangalan ng namumuno at produksiyon. (Noong panahon nina Sir Ricky, ni ayaw nilang pabanggit kung sino ang namahala sa magandang citations at presentasyon.)

Here, it seems like people took advantage of the situation by projecting themselves and the production group na obviously na-expose na hindi naman talaga expertise ang ganitong awards night (kaya puro sisihan at apologia ang lumalabas).

At this point, balik tayo sa basic question: sa landscape ng mga film award-giving bodies, who does this curent FAMAS represent?

Sorry… pero hindi ang maraming nagsisikap na mapabuti ang pelikulang Filipino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
72nd FAMAS Awards director Vince Tañada on the Eva Darren (right) issue: “Kung ibabalik naman po ay pwede rin madali naman pong i-adjust ang program. Hindi lang kami naabisuhan ng PRO na siyang inviter ni Ms. Eva sa tatlong araw na lumipas buhat nang tanggalin ito as presenter kasama ng iba pa.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results