PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Open 24/7 tuluyan nang nag-close

Tuluyan nang umalis ang TVJ sa GMA-7 sa pagsara ng programa ni Vic Sotto.
by PEP Troika
Published Jun 1, 2024
Promotional poster of Open 24/7 featuring Vic Sotto, Maja Salvador, Allen Ansay, Jose Manalo, and Sofia Pablo.
Kinumpirma ng MZet Productions, ang producer ng "Open 24/7," na hindi na mapapanood sa GMA-7 ang sitcom na pinagbibidahan nina (foreground) Maja Salvador, Vic Sotto, at (top left) Allen Ansay, Jose Manalo, at Sofia Pablo.
PHOTO/S: GMA-7

GORGY RULA

Nakumpirma ng PEP Troika sa MZet Productions na simula ngayong araw, Hunyo 1, 2024, ay hindi na mapapanood ang sitcom ni Vic Sotto na Open 24/7 sa GMA-7.

Nasa programming na ng GMA-7, na pagkatapos ng Magpakailanman, hindi na ang Open 24/7 ang mapapanood kundi ang Daig Kayo ng Lola Ko.

GMA-7 programming schedule.
Wala na sa programming schedule ngayong Sabado ang Open 24/7
Photo/s: @solidkapusolu Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di kaya late na ito para sa isang pambatang programa?

Parang may kirot akong naramdaman nang sinabi sa akin ni Pauleen Luna na hindi lang ito season break ng Open 24/7, kundi talagang tapos na raw ang naturang sitcom.

Sinubukan naming hingan ng pahayag si Bossing Vic, pero tiyak na magno-“no comment” lang daw ito, ani Pauleen.

Nakakalungkot lang dahil si Vic na lang sana sa TVJ ang nag-iisang naiwan sa Kapuso network, pero wala na rin.

Sila pa naman ni Joey de Leon ang ilan sa itinuturing na haligi ng Kapuso network.

Pero tuluyan nang nawala pagkatapos ng napakaingay na isyu ng Eat Bulaga! noong nakaraang taon.

May usap-usapang magkakaroon na rin ng sitcom si Vic sa TV5, pero hindi pa raw ito na-finalize.

Ang isa pang latest na narinig namin, pinaghahandaan na rin daw ng GMA-7 ang itatapat sa bubuksang programa ni Willie Revillame.

Read: Willie Revillame, nagpasalamat sa GMA-7 nang pumirma ng kontrata sa TV5

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya bumabalik na naman ang network war, hindi nga lang ABS-CBN ang kalaban ng GMA-7 kundi ang TV5 na.

JERRY OLEA

Pagkatapos ng Kapamilya teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin (Agosto 2020-Marso 2021), akala ko ay lilipat na sa Kapuso Network si Grae Fernandez.

Pero minabuti ni Grae na mag-aral muna sa USA, at hasain pa ang sarili sa akting.

Pagbalik ni Grae sa bansa ay Kapamilya pa rin siya, at tampok sa teleseryeng Pamilya Sagrado with Piolo Pascual and Kyle Echarri.

Magpi-premiere iyon sa Hunyo 17 sa TV5 bilang kapalit ng Linlang: The Teleserye Version.

If ever, makikipagsalpukan ito sa My Guardian Alien nina Marian Rivera at Gabby Concepcion.

Abang-abang tayo sa TV comeback ni Willie Revillame sa TV5. Tatapatan kaya niyon ang Family Feud ni Dingdong Dantes?

Hindi na ako nagulat na nag-close na sa GMA-7 ang Open 24/7 kung saan tampok sina Vic Sotto at Jose Manalo. Some good things never last, ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pasok, Barbra Streisand, “But what good is holding on / When you know / That all you can think about / Is letting go

“They say if you love someone / Then set them free / If they come back again / Then, in the end, it was meant to be

“I thought we were lovers / I thought we were friends / I guess when reality steps in / The dreaming ends

“We live for the future / We learn from the past / No matter how hard we try / Some good things never last…”

NOEL FERRER

Labanan pa rin?

Sana, tulungan na lang talaga. Understandable iyang ganyan — kasi, hindi rin ganoon kalaki gumastos para sa advertising ang mga ahensya ngayon.

Sana lang, maganda pa rin ang mga programang ipalalabas — at yung totoong kakapitan ng mga manonood.

Kasi, ang daming kalaban… lalo na ang social media.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Totoo, pagandahan na lang talaga ng content at palabas… at apektado talaga ang industriya ng telebisyon!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinumpirma ng MZet Productions, ang producer ng "Open 24/7," na hindi na mapapanood sa GMA-7 ang sitcom na pinagbibidahan nina (foreground) Maja Salvador, Vic Sotto, at (top left) Allen Ansay, Jose Manalo, at Sofia Pablo.
PHOTO/S: GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results