Hindi isinasara ng Eat Bulaga! host na si Vic Sotto ang posibilidad na makatrabaho in the future ang kapwa niya komedyante, ang It's Showtime host na si Vice Ganda.
Ito ang naging pahayag ni Vic, na kilala rin sa tawag na Bossing, nang makapanayam siya ng ilang piling entertainment press sa mismong studio ng Eat Bulaga! sa TV5, noong April 20, 2024.
Read: Vic Sotto na-touch sa birthday surprise ng Eat Bulaga!
Dito ay nausisa siya tungkol sa muli niyang pagbabalik-pelikula, partikular na ang paglahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.
Tanong ng press sa kanya, "Ngayon po ba may entry kayo para sa 50th MMFF?"
Nakangiting sagot ni Bossing, "Surprise!"
Sundot na tanong pa sa kanya, "Pero hindi po Enteng Kabisote?"
Saad ni Bossing, "Iba naman. Iba na kasi ang panahon ngayon so makakaasa sila ng kakaiba talaga."

VIC SOTTO-VICE GANDA MOVIE IN THE FUTURE?
Dahil nabuksan na ang usapin tungkol sa kanyang pagbabalik-pelikula, inusisa rin si Vic sa posibilidad na pagsasama nila ni Vice sa pelikula.
Naungkat ito matapos niyang sabihing hindi kailanman naging kaaway ng Eat Bulaga! ang katapat nilang noontime show sa ABS-CBN at GMA-7 na It's Showtime.
Read: Vic Sotto echoes Joey de Leon’s clarification about It’s Showtime
"Since nasabi niyo naman na po na your friends with It's Showtime, it is possible po ba na magkasama kayo ni Vice Ganda sa isang movie," hirit sa kanya ng press.
Mabilis na sagot ni Bossing, "Hmm... it’s not impossible. Pero siguro in the future.
"Why not, wala naman akong pinipili."
Read: Battle Of Noontime Shows: It's Showtime, from TV5 to GMA-7; Eat Bulaga!, from GMA-7 to TV5
Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Vic para sa MMFF ay ang Enteng Kabisote: Okay Ka Fairy Ko... The Legend (2004); Enteng Kabisote 2: Okay Ka Fairy Ko... The Legend Continues! (2005); Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko: The Legend Goes On and On and On (2006); Enteng Kabisote 4: Okay Ka Fairy Ko... The Beginning of the Legend (2007); Iskul Bukol: 20 Years After (2008); Ang Darling Kong Aswang (2009); Si Agimat at si Enteng Kabisote (2010); Enteng ng Ina Mo (2011); Si Agimat, Si Enteng at Ako (2012); My Little Bossings (2013); My Big Bossing's Adventures (2014); My Bebe Love: #KiligPaMore (2015); at Jack Em Popoy: The Puliscredibles (2018).
Read: Joey de Leon, nilinaw na hindi It's Showtime ang pinatatamaan nila sa Eat Bulaga!
Habang si Vice naman ay bumida sa mga pelikulang Sisterakas (2012); Girl, Boy, Bakla, Tomboy (2013); The Amazing Praybeyt Benjamin (2014); Beauty and the Bestie (2015); The Revenger Squad (2017), Fantastica (2018), The Mall The Merrier (2019), at Partners In Crime (2022).
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na reaksiyon si Vice tungkol sa naging pahayag ni Bossing.
Read: Tito Sotto, Joey de Leon slam rumors about Eat Bulaga! closure
Related Stories:
- Pauleen Luna posts twinning looks of Tali, baby Mochi "6 years apart"
- Pauleen Luna, may baby-care hack kapag dinadala si Baby Mochi sa Eat Bulaga!
- Pauleen Luna proud sa mga papuring natatanggap ng anak na si Tali
- Ice Seguerra stuns as "Ice Ice Baby" for Vic Sotto's birthday surprise on Eat Bulaga!
- Ice Seguerra reunites with former Little Miss Philippines contestants, 'Okay Ka, Fairy Ko!' parents
- Ice Seguerra masayang nabawi na ng TVJ ang titulong Eat Bulaga!
- Joey de Leon reacts to suggestion pushing TVJ as National Artists
- Daria Ramirez appeals to ex-husband Joey de Leon for financial help, demands annulment papers
- Joey de Leon reacts to suggestion pushing TVJ as National Artists
- Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?
