JERRY OLEA:
Magpapasiklab ang Rampa drag club ngayong Hunyo kaugnay sa pagdiriwang ng Pride Month ng LGBTQ+ community.
“Marami tayong plano,” lahad ni RS Francisco (isa sa owners ng Rampa) nang makatsikahan namin nitong nakaraang Huwebes, Mayo 30, sa Chili’s restaurant, T. Morato Avenue, Quezon City.

RS, EXCITED PARA SA SURPRISE ARTIST
“May surprise artist na hindi ko masabi, kasi surprise nga. Huwag muna, baka mamaya ma-award tayo.
“Ikukuwento ko na lang. Last month, habang nagpa-party yung mga tao, kasi meron po kaming every Friday na party. Habang nagpa-party yung tao, kumakanta sila nung Pantropiko, sikat na sikat, BINI.
“Kalagitnaan, sumasayaw yung mga drag performers namin, lumabas yung totoong BINI.
“Naloka yung live performers, nalokah rin yung mga audience. Na parang, ‘Eto yung BINI na hindi ko mabilhan ng tiket,’ di ba, dahil sold out sila in two hours, three hours.
“Sold out. Kaya tinext ko agad sina Direk Lauren [Dyogi], ‘Direk, congrats. Grabe, ang galing ng BINI, and thank you na pinapunta mo ang BINI.’
“Imagine, yung mga audience dun… nagulat sa surprise visit ng BINI. Hindi sila nag-show, nagpunta lang for the love.
“Imagine yung mga audience, ha… kasi, sa mga hindi pa nakakapunta ng Rampa, may rampa kami dun, yung mga audience, nandito lang,” pagmumuwestra ni RS.
“Biglang lumabas yung BINI, alam mo yung ganyan lang, maapiran mo na. So, imagine yung feeling ng audience."
RS, PROUD SA INCLUSIVITY THEME NG RAMPA
“That’s the reason why we put up Rampa. Kasi we wanted an inclusive space, na everyone feels safe and accepted.
“Hindi lang safe, ha? I want everybody to feel accepted. Ano yung accepted? Meron mga tao, ayaw magpunta ng club because naa-out of place.
“Dahil hindi maganda yung porma, o dahil hindi medyo maganda yung body shape, or medyo hindi maganda yung style.
“Pero sabi ko sa mga drag performers, hindi ganun. Dapat lahat tayo, pantay-pantay ang tingin niyo, ha?
“Kung ano ang tingin nyo sa akin bilang may-ari, ganyan ang tingin nyo sa waiters, ganyan ang tingin nyo sa kliyente, sa mga audience, sa mga kapwa niyo drag performer.
“Hindi puwedeng, ‘Star ako, ito boss ko, ito mababa ka lang, ikaw ano…’ Walang ganun, ha?! Yun ang klinaro ko.
“That’s why if you go to Rampa, ma-feel nyo talaga na… lalabas kayo, aside from being impressed sa drag performances, aside from being impressed sa food, ang masasabi nyo, ‘Masaya pala sa Rampa. I don’t feel out of place kahit nanay na ako, tatay ako, kahit straight ako.’”
Walang dress code sa Rampa. Meron nga raw pumapasok doon na naka-panty lang.
READ:
Drag club owner RS Francisco, tanggap ang klase ng act ni Pura Luka Vega
Drag club nina Liza Diño, Ice Seguerra, Divine Divas, atbp. di lang pang-LGBTQ+ community
NOEL FERRER:
May ibang LGBT bars na ang target audience ay mga guwapong pamhinta, at dini-discourage ang mga babae.
Sa Rampa, madalas na 60% ng audience ay babae, at ini-embrace nila iyon.
Kuwento pa ni RS, “Meron tayong tradisyon sa Rampa na toast, nightly toast. Nagto-toast talaga kami.
“And we encourage people to toast not with your friends, pero sa kabilang table. Parang ‘Peace be with you’ sa simbahan.
“Di ba, sa simbahan, hindi lang sa pamilya mo ikaw magpi-‘Peace be with you’? Pati sa mga hindi mo kilala. Parang ganun.
“Of course, ayokong sabihin na parang religious activity yung Rampa pero ganun ang gusto ko, ma-break yung barriers.
“Para uuwi ka, pag-uwi mo, ‘Katabing table ko ito pero nakakausap ko.’ Si Meme Vice (Ganda), tuwang-tuwa sa Rampa.”
Ang Rampa drag club ay nag-open noong Pebrero 2024 sa 40 Eugenio Lopez Drive, Brgy. South Triangle, Quezon City, malapit sa ABS-CBN.
To kick start the Pride Celebrations, hatid ng Rampa sa unang gabi ng Hunyo ang Your Sounds Face Familiar.

Pangungunahan ito ng Divine Divas na sina Viñas Deluxe, Precious Paula Nicole, at Brigiding. Ang door charge ay P500.
Para sa Hunyo 2, Linggo, andiyan naman Dragaoke: Drag, Comedy, Karaoke with Neenja, Bomba Ding and Abigaile.

GORGY RULA:
Pagkatapos magbida sa pelikulang Bhoy Intsik (2017) at sa rerun ng dulang M. Butterfly (2018), pahinga na muna sa akting si RS Francisco.
Inimbitahan daw si RS ng UP SAMASKOM na mag-perform sa Live AIDS: Hysterical Revisionism (Tatlumpu’t Apat na Taon ng Makasaysayang Tawanan, Sayawan, at Kimmy-nism) na nakatakda sa Hulyo 5-7 sa KAL Theatre, Roces St., UP Diliman, Quezon City.

RS, GUSTONG IMPERSONATE SI ALICE GUO
“May presscon soon ang Live AIDS. They’re asking me to perform. Again, I said no,” pagtatapat ni RS.
“Why? Because una, yun na nga, hindi na ako excited umarte ngayon. And second, kasi ang daming nasasabi ng tao ngayon, e.
“Lalo na yung humor ko sa Live AIDS. Like one time ahh ginaya ko si Vicki Belo. Kasi kamukha ko daw si Vicki Belo pag naka-makeup.
“Kamukha ko daw siya. Tapos, marami akong masasabi dun sa show. Marami akong nasabi, buti na lang, wala pa noong masyadong social media.
“May social media na pero hindi pa sila sanay dun sa, ‘Iti-TikTok ko ito, igaganito ko ito.’
“Pero ngayon kunwari, let’s just say, ha… mag-guest ako as Alice Guo. Kasi, yun ang naisip ko, e.
“Sabi ko, ‘RS, kung walang social media at kung gusto mo pang umarte, ano ang gagawin mo?’ ‘Alice Guo.’
“Tapos kunwari, wala akong naalala. May mga kasama akong baka. Darating ako, naka-chopper.
“Kahit yun lang ang gawin ko, marami pa ring sasabihin. ‘Ikaw, RS, akala mo kung sino ka,’ ganyan-ganyan.”
Ganun ang engagement nowadays sa socmed.
“I’m not after that, even before nung '90s, nung ginawa ko yung Sibak, as Michelle. May pumapasok na intriga,” sey ni RS.
“May mga intrigang lumalabas nun. Sabi ko, hindi ako papatol diyan.”
Kinainggitan noon ng mga accla si RS dahil kalaplapan niya roon si Lawrence David.
Nagkita ba sila ni Lawrence after doing Sibak (Midnight Dancers)?
“Alam mo, hindi nga, e. Mas nagkita pa kami ni Danny Ramos,” pakli ni RS.
“Mas nagkita pa kami ni Danny Ramos pero si Lawrence, I remember, first movie niya. Ako, umaakting lang ako dun sa mga play.
“Siya, first acting niya. Tapos, love scene namin. Alam mo yung nanginginig siya sa takot.
“Tapos, andiyan yung kamera, nagki-kiss kaming ganyan. Pero pag nakatalikod siya saka nakatalikod ako, ‘Pump ka pa, pump ka pa!’ Dinidirek ko siya.
“Kasi, kinakabahan siya. ‘Pump ka pa! Sige, mag-pump ka pa!’”
READ:
Divine Divas, "pasabog" ang mga inihandang numbers sa "The Ultimate Drag Experience"
Concert producer RS Francisco says Ex Battalion is "kapantay ng BTS" in hip hop
RS Francisco, tanggap ang pagkamatay ng ama; ina ni Kara David, pumanaw na
RS Francisco admits sexual encounters with four male celebrities
Gretchen Barretto has one condition before accepting Hollywood movie offer, says RS Francisco
