PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Xian Lim, na-playtime na ba pagdating sa love life?

“Kung yung nam-playtime, hindi po. Kung ako ba ang na-playtime, hindi ko alam.”
by PEP Troika
Published Jun 2, 2024
Xian Lim during the press conference for his movie Playtime.
Iwas na matanong tungkol sa kanyang love life si Xian Lim sa press conference ng pelikula niyang "Playtime."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Hindi kami nagwagi na makapanayam pa uli si Xian Lim pagkatapos ng question and answer portion sa media conference ng bagong pelikula nitong Playtime ng GMA Films at Viva Films.

Ginanap ang mediacon sa Fin and Claw sa Quezon City nung Sabado, June 1, 2024, kung saan nakasama ni Xian ang co-stars niya sa naturang pelikula na sina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo. Kasama rin nila ang direktor nitong si Mark Reyes.

Playtime director Mark Reyes, with stars Sanya Lopez, Xian Lim, Coleen Garcia, and Faye Lorenzo.
Playtime director Mark Reyes, with stars Sanya Lopez, Xian Lim, Coleen Garcia, and Faye Lorenzo.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kami napagbigyang ma-interview siya uli, dahil hindi naman namin matatanong ang ilang isyu sa mismong Q&A.

Kaya wala kaming nakuhang pahayag mula sa Kapuso actor tungkol sa isyu pa rin nila ni Kim Chiu at sa bagong love life niya kay Iris Lee.

Nakalusot lang ng tanong si Rose Garcia, kung nangyari ba sa Playtime stars na nam-playtime sila o na-playtime sa isang relasyon. Pagkatapos ng isang relasyon, maikli man o mahaba ito, naisip ba nilang na-playtime sila?

“Kung yung nam-playtime, hindi po. Kung ako ba ang na-playtime, hindi ko alam,” pakli ni Xian.

“If sa duration ng relationship, masasabi mo no matter how long kung playtime nga ba... I don’t think so.

“Parang maski sabihin po natin weeks lang po yan or years. You can never say it was playtime. Because if there was a reason kung bakit dumating yung taong yun sa buhay mo, mapamaganda man o hindi, there is a reason why that person played a role in your life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So definitely, hindi siya playtime,” dagdag niya.

Hihingan pa sana namin ng reaksyon ang aktor tungkol sa madalas na napi-playtime si Kim ng mga co-host niya sa It’s Showtime pagdating sa love life, pero hindi na kami nakasingit ng hiwalay na interview sa aktor.

Sa June 12 na ang showing ng Playtime, at pakiusap ni Direk Mark na sana mabigyan ng tsansa ang pelikulang ito na tangkilikin ng mga manonood.

Sana, magpakitang-gilas sa mga sinehan itong Playtime, kahit karamihan sa mga manonood ay naghihintay na lang sa showing nito sa streaming service.

NOEL FERRER

Ayon kay Direk Mark, binigyan ng MTRCB ng R-16 itong Playtime, hindi lang dahil sa mga sexy scenes nito, kundi medyo madugo.

May pagka-suspense thriller ito, pero sapat na kaseksihan dito nina Sanya Lopez, Coleen Garcia, at Faye Lorenzo.

“R-16 kami kasi maraming dugo. And then, it’s kind of like may parts na yun nga na hindi siya pang-R-13, pang-R-16 talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But it’s not because there’s boobs or there’s butt or anything like that. Hindi naman dahil dun,” sabi ni Coleen.

Pero may matututunan dito lalo na ang mga kababaihan na kung paano makaiwas sa mga sexual predators na kagaya ng karakter na ginagampanan ni Xian Lim.

Hindi na maiwasang mapunta ka sa isang situwasyon na makakatagpo ka ng ganitong lalaki.

“It’s important talaga na especially ngayon na we’re all aware that it does happen, and most of the time, actually, it happens din sa hindi strangers,” pakli ni Coleen.

“Di ba, sometimes it happens sa workplace. Sometimes it happens within the family.

“So, it’s important to get help. Iyon yung unang-una. It’s important to get help if you feel like you’re in danger.

“If you feel like somebody has crossed those boundaries. Kaya kailangan talaga magsabi ka sa taong makakatulong sa ‘yo. And when it comes to going out… kahit hindi ka makipag-date, kahit sa mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako personally hindi ko pa na-experience, pero may mga nakilala ako na naka-experience at nakakatakot talaga. Not just now, kahit noon pa, nakakatakot.

“So, it’s important to watch yourself. Don’t put yourself in a compromising situation, yun na lang,” paalala ni Coleen.

Iyon daw kasi ang isa sa matututunan ng mga kababaihan, at pati na rin sa mga kalalakihan sa pelikulang ito.

Good luck sa Playtime!

JERRY OLEA

Ayaw ni Xian na ma-play up ang mga personal na bagay sa promo ng movie niya.

May hatak kaya sa takilya ang pagsasanib-puwersa nila nina Sanya, Coleen, at Faye?

Kasi, yung kani-kanyang TV project na huling tinampukan ay hindi masyadong pumatok sa moviegoers.

Kaya isang dambuhalang katanungan kung sino ba ang magbabayad para manood ng kanilang pelikula.

This year ay wala pang Pinoy movie na nagpakitang-gilas sa mga sinehan. Matatamlay lahat. Dedmadela ang paying audience.

Ang Pinoy movies ay tinatao kung Lunes at Martes na libre ang senior citizens. Ang nakapanlulumo ay kung napu-pull out agad sa mga sinehan ang Pinoy movie matapos ang isa o dalawang araw na showing nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga pelikulang pang-streaming lang dapat. Pero wala silang choice kung tinanggihan na ng streaming platform, kaya nagte-theatrical release.

Merong movie na hindi na nagsinehan, rejected sa streaming, at diretso na sa TV airing para makabawi-bawi ng puhunan.

Andami pang mga pelikulang Pinoy na matagal nang tapos pero wala pang playdate. Mga frozen delight, ika nga.

Iyon ang pinakamasaklap. Hindi batid kung saan at kailan ipapalabas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iwas na matanong tungkol sa kanyang love life si Xian Lim sa press conference ng pelikula niyang "Playtime."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results