PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin, itinadhana ang pagiging PCSO director

Imelda Papin, bibitawan na ang pagiging presidente ng Actors Guild?
by PEP Troika
Published Jun 12, 2024
imelda papin pcso director
Imelda Papin on her appointment as PCSO director: “Napaiyak ako. I screamed when I received my schedule of oathtaking. Sabi ko, ‘THANK YOU, LORD!’ Tapos I was crying. Sabi ko, ‘Wow! What a beautiful blessing! Lord, salamat po dahil maipagpapatuloy ko yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. Kasi laging nasa bibig ko yung, ‘Kung wala kayo, walang Imelda Papin.’ So this is my payback time.”
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Iginuhit ng tadhana ang appointment ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Imelda Papin bilang isa sa limang director ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Read: Imelda Papin thankful for appointment as PCSO director

“Noong bata pa ako sa Bikol, may isang matandang babae na nagpunta sa bahay namin,” pagbabalik-tanaw ni La Papin noong Hunyo 8, 2024, Sabado, sa Mesa restaurant sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

“Nagtanong sa mama ko, ‘May nakatira ba rito na ang birthday ay January 26?’

“Tinawag ako ng mama ko, ‘Imelda, halika nga dito. Merong naghahanap sa yo, si lola!’

“Nung nakita niya ako, from head to toe ang tingin sa akin, ‘Itong batang ito ang bubuhay sa inyo. Paglaki nito, milyun-milyon ang magiging tagahanga,’ et cetera, et cetera.

“Wala akong ano. Bata pa ako, 12 years old ako, e. Tapos sabi ni Ma, ‘Kumuha ka nga ng tubig at bigyan natin ng Coke o Royal Tru-Orange,’ ewan ko, pero kumuha ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pagbalik ko sa lamesa, wala na ang matanda. I swear to God! Kaya ngayon, nakakapangilabot, di ba? Bakit ako nasa PCSO ngayon? Sa haba ng panahon…”

imelda papin biopic
Imelda Papin
Photo/s: Jerry Olea

FORMER PRESIDENT MARCOS'S PREMONITION?

Sa sukdulan na Imelda Papin The Untold Story, may eksenang hinagod ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos (ginampanan ni ER Ejercito) ang likod ni Imelda (ginampanan ni Claudine Barretto) bago ito pumanaw noong Setyembre 1989.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Imelda Papin criticized for taking part in "Iisang Dagat" Chinese embassy music video

“Yung ganun ni Presidente sa akin, ano yun? Hindi ko alam,” pahayag ni La Papin.

“Itong PCSO, probably this will be the start of that ano ni Presidente sa akin. Yung responsibility that he gave me.

“Yung sinabi niya when he rubbed my back three times, may ibibigay siyang something. Pagkatapos nun, sabi niya, ‘It’s done.’

“Hanggang ngayon hinahanap ko kung ano yun. Ngayon, pag binigay kako sa akin ang PCSO, meron akong ginagampanan dito sa ating bansa.”

Bilang isa sa limang directors ng PCSO, ano ang gusto niyang itawag sa kanya?

Ngumiti nang matamis si La Papin, “Action Director!”

NOEL FERRER

Pana-panahon lang talaga iyan!

Kung anuman, ito ang panahon ni Imelda Papin na ipakita ang kanyang halaga sa pagtulong sa mga kababayan natin via PCSO. Sana, magampanan niya ito nang buong katapatan at husay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Teka, siya pa rin ba ang Presidente ng Kapisanan ng mga Aktor sa Pelikulang Pilipino o may kahalili na siya roon?

Read: Imelda Papin, napaluha nang maaprubahan ang PhilHealth card para sa mga artista

GORGY RULA

Matagal nang tumutulong si Imelda sa mga kapus-palad.

Kapag hinagupit ng matinding bagyo ang Kabikulan, umaaksyon si La Papin para maghatid ng ayuda sa mga kababayan.

Read: CamSur Vice Governor Imelda Papin, lubos ang pag-aalala sa pagdating ng bagyong Ulysses

“I’ve been doing this kahit noon pa, na talagang gusto kong tumulong sa ating mga kababayan,” lahad ni Imelda.

“Since naging bise-gobernador ako, yun na talaga ang aking ginagawa. So, kaya natuwa ako.

“Napaiyak ako. I screamed when I received my schedule of oathtaking. Sabi ko, ‘THANK YOU, LORD!’

“Tapos I was crying. Sabi ko, 'Wow! What a beautiful blessing! Lord, salamat po dahil maipagpapatuloy ko yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong.'

“Kasi laging nasa bibig ko yung, ‘Kung wala kayo, walang Imelda Papin.’ So this is my payback time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

IMELDA PAPIN TO FOCUS ON PCSO

Noong Hunyo 10, Lunes nag-umpisang mag-opisina si La Papin sa PCSO.

“Excited kasi balik na naman ako sa pagserbisyo. I’ve been serving my province for nine years, di ba? So, hindi na ito iba sa akin,” napapangiti niyang sambit.

Dito raw muna sa PCSO siya mag-focus dahil gusto na raw niyang bumalik sa pagseserbisyo sa mga tao. Kaya baka pansamanta raw muna niyang iwan ang pagiging pangulo ng Actor’s Guild.

“Kung iiwan ko ang Actors Guild, siyempre yung Vice-President for Internal Affairs, si Hero Bautista,” sagot niya sa tanong namin kung sino muna ang papalit sa kanya.

Pero itutuloy pa rin daw niya ang matagal na niyang inayos na tribute para sa veteran stars.

“It will still continue. Hindi ko iiwanan yun, at pinag-usapan na natin na magkaroon tayo ng awards,” dagdag niya. Tuloy rin daw ang pagko-concert niya.

Read: Imelda Papin reveals two actors who courted her in the past

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imelda Papin on her appointment as PCSO director: “Napaiyak ako. I screamed when I received my schedule of oathtaking. Sabi ko, ‘THANK YOU, LORD!’ Tapos I was crying. Sabi ko, ‘Wow! What a beautiful blessing! Lord, salamat po dahil maipagpapatuloy ko yung pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong. Kasi laging nasa bibig ko yung, ‘Kung wala kayo, walang Imelda Papin.’ So this is my payback time.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results