JERRY OLEA
Eight consecutive days nang No. 1 ang French action-horror film na Under Paris sa listahan ng Top 10 Movies sa Netflix Philippines, mula Hunyo 7 hanggang 14, 2024.
Bigo ang Penduko ni Matteo Guidicelli na pumuwesto sa top spot. Bumaba na ito sa third place.
Nag-debut ang Dearly Beloved nina Cristine Reyes at Baron Geisler sa pangalawang puwesto.
Read: Pulang Araw ng GMA-7, unang mapapanood sa Netflix
TOP 10 MOVIES ON NETFLIX
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix ay Under Paris, Dearly Beloved, Penduko, focus, Minions The Rise of Gru, Hit Man, Four Brothers, Bade Miyan Chote Miyan, Venom Let There Be Carnage, at Family of Two.

Four Pinoy films ang kasado nang mag-streaming sa Netflix PH — Mallari ni Piolo Pascual sa Hunyo 21, GG Good Game ni Donny Pangilinan sa Hunyo 26, 3 Days 2 Nights in Poblacion nina Jasmine Curtis-Smith at Barbie Imperial sa Hulyo 4, at Pagpag 24/7 ni Jerald Napoles sa Hulyo 9.
Sa palagay ninyo, alin-alin kaya sa mga ito ang magna-No. 1?
Read: Sharon Cuneta-Alden Richards movie, No. 1 sa Netflix PH
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Samantala, ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix ay Hierarchy, Demon Slayer, Jokoy Live From Brooklyn, The Atypical Family, Sweet Tooth, Kaiju No. 8, Geek Girl, Queen of Tears, Bridgerton, at The 8 Show.

Simula Hunyo 13, Huwebes, ay mapapanood na sa Netflix ang part two (Episodes 5 to 8 ng Season 3 ng Bridgerton.
Sa Episode 5 (“Tick Tock”) ay may pa-boobey si Penelope Featherington (ginampanan ni Nicola Coughlan) nang madonselya siya ng fiancé na si Colin Bridgerton (ginampanan ni Luke Newton).

NOEL FERRER
Abang-abang na rin ang Pinoy fans sa second season ng seryeng House of the Dragon.
Matutunghayan ang walong episodes nito sa Pilipinas simula Hunyo 17, Lunes, sa HBO.
Ang unang season nito na may sampung episodes ay nag-umpisang mag-streaming noong Agosto 2022.

KAPUSO DRAMA SERIES ON VIU
Simula rin sa Lunes, streaming na sa Viu ang mga Kapuso series na First Lady, Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday (Hidden Lies), Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko (Obsession), Sahaya, Onanay (The Way to Your Heart), Pamilya Roces (Family Jewels), and Ika-5 Utos (Revenge).
Nauna nang mag-streaming sa Viu ang mga serye ng GMA Network na I Left My Heart in Sorsogon, Legal Wives, Artikulo 247, Return to Paradise, Nagbabagang Luha (Flames of Love), The Fake Life, Nakarehas na Puso (Prisoners of the Past), Lolong, Widows’ Web, at First Yaya (The First Nanny).
Ang teleserye comeback ni Piolo Pascual na Pamilya Sagrado ay mapapanood na sa iWantTFC simula bukas, Hunyo 15, Sabado — 48 hours bago umere sa telebisyon.
Sa Hunyo 17, Lunes ng 8:45 P.M. pa ito ipapalabas sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

Ang Pulang Araw nina Alden Richards at Sanya Lopez ay mauunang ipalabas sa Netflix umpisa Hulyo 26, Biyernes. Ang pilot telecast nito sa GMA 7 ay sa Hulyo 29, Lunes.

GORGY RULA
Mukhang may laban sa No. 1 trending diyan ang GG The Movie ni Donny Pangilinan.
Solid ang suporta ng DonBelle fans sa lahat na projects nila, at napatunayan na iyan sa Can’t Buy Me Love.

Ewan ko lang kung kayang pumasok sa Netflix ang Huling Sayaw ni Belle Mariano na tila hindi na ito isinama sa filmography ng Kapamilya actress.
Pero sa totoo lang, lahat na mga pelikulang ginagawa ngayon ay kino-consider na kung pasok ito sa streaming service kagaya ng Netflix.
Malaking tulong din kasi iyon sa film producers para makabawi sa ipinuhunan nila sa kanilang pelikula.
Pati mga TV show ay pang-streaming service na rin ang ginagawa nila, kaya iba na rin talaga ang kalidad.
Kaya sobrang bawing-bawi na rito ang mga TV network kapag mapapanood na rin ang mga drama series nila sa Netflix, VIU, at sa iba pang platforms.
