PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JC Santos balik-teatro para "mantasa" ng acting

Bida siya sa The Foxtrot ng Virgin LabFest.
by PEP Troika
Published Jun 15, 2024
JC Santos headlines The Foxtrot at Virgin LabFest 2024
Tampok si JC Santos sa Virgin LabFest this 2024, kung saan bida siya sa play na The Foxtrot.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

First time ni JC Santos na mapasali sa Virgin LabFest (VLF) sa dulang The Foxtrot na itinanghal nitong Biyernes, Hunyo 14, 2024, ng 2:00 P.M. at 8:00 P.M. sa Tanghalang Ignacio B. Gimenez (CCP Blackbox Theater), Pasay City.

Ika-labinsiyam na taon na ito ng theater festival na VLF, na ang tema ay “Pintog.” Kasama ang The Foxtrot sa Set C: PuTim.

Masigabo ang palakpakan ng audience matapos ang pagtatanghal ng The Foxtrot.

“Salamat, salamat, salamat!” bulalas ni JC nang makatsikahan ko afterwards.

Dalawa lang sila ni Liesl Batucan-del Rosario sa dula. First time nilang magkatrabaho.

JC Santos and Liesl Batucan-del Rosario are the main and only stars of The Foxtrot at Virgin Labfest 2024
JC Santos and Liesl Batucan-del Rosario are the main and only stars of The Foxtrot at Virgin Labfest 2024.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Halatang pinagbuhusan nila ng effort ang kanilang pagganap. Physically demanding ang mga sayaw nila.

“We have a choreographer, and a director. Inaral talaga namin ang mga sayaw,” kuwento ni JC.

“Fifteen days na magkakahiwalay ang rehearsals namin, yeah, including the runs and everything.”

Taga-Repertory Philippines ang ka-partner niyang si Liesl. Kumusta ang pakikipagtrabaho sa kanya?

“Sobrang dali! Kasi nga, alam mo yun, magbibigay ako, tapos… ano lang iyan, patapangan lang kami sa stage, e,” sambit ni JC.

“Ine-enjoy lang namin yung moment. Nagre-react lang naman kami—kung ano ang ibinibigay niya, nagbibigay lang ako.

“E, kasi, it’s a good chemistry. Una pa lang, alam na namin, ‘Oh, it’s gonna work!’”

Na-awkward pa ba sila sa isa’t isa, partikular sa mga pagdidikit ng kanilang katawan, sa mga pagdantay at paghaplos?

Mabilis na tugon ni JC, “Hindi na! Sobrang pro ni Ms. Liesl and I super commend her brilliance. You know, she’s vulnerable and that’s her process.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And I’m more a technical guy, so nag-work yung balance namin. Matagal din, marami ring pinagdaanan itong play na ito bago siya umabot sa ganyan.

“Buti nandiyan siya. Wala nang mangyayari ngayon kundi paganda na lang nang paganda.”

Ang Virgin LabFest ay theater festival ng “untried, untested, and unstaged one-act plays.”

Tatlong linggo ang pagtatanghal ng VLF 19: Pintog sa CCP Black Box — Premiere Week (Hunyo 12-16), Mid Week (Hunyo 19-23), at Encore Week (Hunyo 26-30).

Ang The Foxtrot ay idinirek ni Paul Morales, mula sa panulat ni Chesie Galvez-Cariño.

The force behind The Foxtrot: (L-R) Writer Chesie Galvez-Cariño, main cast JC Santos and Liesl Batucan-del Rosario, and director Paul Morales.
The force behind The Foxtrot: (L-R) Writer Chesie Galvez-Cariño, main cast JC Santos and Liesl Batucan-del Rosario, and director Paul Morales.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon pang apat na pagtatanghal ng The Foxtrot: matinee performance ng 2:00 P.M. sa Hunyo 20, Huwebes, at Hunyo 30, Linggo; at evening performance ng 8:00 P.M. sa Hunyo 19, Miyerkules, at Hunyo 29, Sabado, 8:00 P.M.

Read: JC Santos on having OFW parents: "Lumaki ako na maraming bad decisions..."

GORGY RULA

JC SANTOS'S NOMINATION

Habang ongoing ang VLF 19 nitong Friday afternoon, ini-announce via livestream na kabilang si JC Santos sa limang best supporting actor nominees ng 7th The EDDYS para sa pelikulang Mallari.

“Thank you, thank you! Suwerte! It’s Year of the Dragon, and I’m Dragon. So…” masayang reaksiyon ni JC.

Read: 7th EDDYS: Vilma, Maricel, Marian, Kathryn for Best Actress

Matapos tanghaling best supporting actor sa Metro Manila Film Festival 2023 para sa horror movie na Mallari, dito sa dulang The Foxtrot kasunod na napanood si JC.

“Nag-play ako ulit, e. Kasi gusto kong mantasa. Kasi feeling ko, napupurol ako, e,” sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko lang maibalik ulit yung process ko. Yung thinking na puwede akong mag-improv at marami pa akong puwedeng ibigay.”

JC SANTOS ON FELLOW THEATER ACTOR CEDRICK JUAN

Hasa rin sa teatro ang MMFF 2023 best actor na si Cedrick Juan ng GomBurZa.
Matutunghayan si Cedrick sa Cinemalaya 2024 film na Gulay Lang Manong, kasama sina Lui Manansala, Perry Dizon, at Dong Abay.

“Si Cedrick, he’s enjoying the glory right now. Gusto ko yun para sa kanya, and I support that,” saad ni JC.

Manonood ba ng The Foxtrot ang Team Mallari?

“Yes, manonood sila! Ang sabi ko sa kanila, pag hinog na ang play. Ngayong opening namin, parang hinog na. So, sa [June] 29 sila at 30.”

NOEL FERRER

“Right love at the wrong time” ang istorya nina Diego (JC Santos) at Anna (Liesl Batucan del-Rosario) sa The Foxtrot.

JC Santos and Liesl Batucan-del Rosario headline The Foxtrot.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Diego ay isang edukadong dance instructor na malapit nang ikasal. Tinuturuan niya ang yayamaning middle-aged matron na si Anna, na may asawa at anak.

Iyon bang pagtatanghal nila sa premiere week ay iba sa tech dress rehearsal nila noong Hunyo 7?

“Paiba siya nang paiba kada show. So it gets better, it gets tighter. Ang dami naming nabatong bago,” lahad ni JC.

“Every show namin, bago. Bago ang ginagawa namin.”

Ano ang mensahe niya para sa mga manonood?

“Sana, patuloy na suportahan ng mga Pinoy ang Arts. Meron kaming Virgin Labfest. Sana, suportahan nila ang live,” sabi ni JC.

“Iba kapag live. Iba kapag nasa harapan mo siya, in your face. Nararamdaman mo kaagad, at may feedback ka kaagad.”

Kagrupo ng The Foxtrot sa Set C: PuTim ang mga dulang Pagkapit Sa Hangin (isa si Elora Españo sa apat na artista) at Lipistik at Pulbura.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok si JC Santos sa Virgin LabFest this 2024, kung saan bida siya sa play na The Foxtrot.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results