GORGY RULA
Hindi pa ibinabahagi ng aming reliable source kung ano ang pinaghahandaang itapat ng GMA-7 sa magsisimulang programa ni Willie Revillame sa TV5.
Abangan na lang daw, dahil meron nang pasabog ang Kapuso network na maaaring itapat sa Wil to Win ni Kuya Wil, na sa hapon ang timeslot.

Lalo pang pinapalakas ng GMA-7 ang mga programa nito sa hapon, at naging effective ang pag-switch ng timeslot ng Fast Talk With Boy Abunda at ng Voltes V Legacy.
Simula It’s Showtime ay malakas na ito, pati ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ni Jo Berry ay lalo pang lumalakas.
Consistent namang panalo ang Abot-Kamay Na Pangarap sa timeslot nito.
Read:
The Win Girls, co-hosts sa show ni Willie Revillame sa TV5
Wil to Win, bagong title ng show ni Willie Revillame saTV5
JUNE 11 TV RATINGS
Noong Martes, June 11, 2024, kung saan ay mainit pa ring pinag-uusapan ang kontrobersiyal na isyu ng "EXpecially For You," napakataas ng rating ng It’s Showtime. Naka-8.5% ito, habang 3.7% naman ang Eat Bulaga!.
Read:
PEP OPINION: The It's Showtime Issue
Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?
Sumunod ang Abot-Kamay Na Pangarap na 10%, at ang rerun ng Dirty Linen na 0.5%.
Ang Lilet Matias: Attorney-At-Law ay nakakuha ng 10.1%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay may 0.4%.
Ang taas din ng Fast Talk With Boy Abunda na 6.2% ang rating, at ang sumunod na Voltes V Legacy ay 4.3% naman.
Ang Thai drama series na Eclipse of the Heart ay nakakuha ng 2.8%, at ang sumunod na Family Feud ay 8.3%.
NOEL FERRER
JUNE 12 TV RATINGS
Noong Miyerkules, June 12, Independence Day, ay lalong tumaas ang It’s Showtime na naka-8.9%. Bahagyang tumaas din ang Eat Bulaga! na naka-4%.
Pagdating sa drama, medyo bumaba ang ratings. Maaaring dahil nasa labas ang karamihan gawa ng holiday.
Ang Abot-Kamay Na Pangarap ay 8.9%, at ang katapat na Dirty Linen ay 0.4%.
Ang Lilet Matias ay may 8.6% versus Mars Ravelo’s Darna's 0.3%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.3%, at naka-4.2% naman ang Voltes V Legacy.
Sumunod ang Eclipse of the Heart na 2.5%. Ang Family Feud naman ay 7.9%.
JERRY OLEA
Ang Black Rider ni Ruru Madrid ay dikit sa TV ratings ng hari sa primetime na FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin
Nitong Hunyo, may mga araw na nanguna ito.
Inuurot man si Vice Ganda at ang "EXpecially For You," umaariba pa rin ang It’s Showtime.

Tingnan natin kung maaapektuhan ito ng “Shametime Charot Lang” ng VinCentiments sa Hunyo 17, Lunes.
Kaugnay kaya rito ang matalinhagang Facebook post ni Direk Darryl Yap recently?
Ani Direk Darryl (published as is): “matapos ang napakaraming tawag; usapan, pamamagitan, paliwanag at diskusyon—
“Merong isang sigurado at malinaw:
“Ngayon, alam mo nang merong mas bastos at sira-ulo kesa sayo, merong walang pakialam sa koneksyon, trabaho at pakikisama; merong hindi natatakot sa pagbabanta ng kawalan ng kabuhayan— basta wag lang maapakan.
“Merong mga taong walang balak makipagplastikan dahil hindi ka naman nila pinakikinabangan.
“Maraming hindi natatawa at hindi nakakatuwang gawing biro ang pangalan ng taong hindi mo naman kabiruan.
“Hindi lahat nasisilaw at hindi lahat handang magpabatok, magpalait, gawing katatawanan— makadelihensya lang ng kinang, magkalaman lang ang sikmura at masabi lang na tunay na kaibigan.”
JUNE 13 RATINGS
Narito naman ang ratings ng mga panghapong programa noong Huwebes, June 13.
Ang It’s Showtime ay 7.9%, at ang Eat Bulaga! ay 3.7%.
Sumunod ang Abot-Kamay Na Pangarap na 8.8%, at ang Dirty Linen na may 0.3%.
Ang Lilet Matias ay 8.7%, at ang Mars Ravelo’s Darna ay 0.4%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 5.3%, at ang sumunod na Voltes V Legacy ay 4.1%.
Ang Eclipse of the Heart ay 2.9%. Ang Family Feud naman ay 8%.
