JERRY OLEA
Ipagdiriwang ni Gerald Santos ang ika-18 anibersaryo niya sa showbiz sa pamamagitan ng concert na Grateful! sa Hunyo 29, Sabado ng 7:00 pm sa Music Museum sa Greenhills. Sa tinagal-tagal niya sa entertainment scene, may pagkakataon ba na muntik na niyang iwan ang pagkanta?
“Naku, madaming beses. Madaming beses akong gustong mag-quit,” pagtatapat ni Gerald nitong Hunyo 14, Biyernes ng hapon sa Valencia Events Place, Quezon City.
“Before mag-Miss Saigon ako sa U.K., yun talaga yung parang almost magku-quit na ako, 2017.
“So that was like five, six years of struggle. So sabi ko, parang walang nangyayari. Afloat ka lang.
“Sabi ko, ‘Mag-regular job na lang kaya ako? Or mag-aral na lang muna?’ Basta, kung anong ibang puwedeng gawin aside from showbiz.
“But ayun, si Lord, kumbaga in-align na naman ako. Siguro, ito talaga ang calling ko.
“Nung parang susuko na ako, biglang dumating ang opportunity for Miss Saigon. Nagpunta rito ang Cameron Mackintosh Productions.
“Nag-hold sila ng auditions. And then ayun, the rest is history. I got in as Thuy.” Sa nakaraang 18 years niya sa showbiz, anu-ano ang major changes sa buhay niya?
“Napakadami! Napakadami ng nabago. Siyempre unang-una, sa career ko, kumbaga marami na akong na-explore,” tugon ni Gerald Santos.
“Hindi lamang sa pagkanta. Nagsimula ako sa singing competition, then I got into acting, nakapagteleserye ako. Nakapag-hosting ako sa GMA.
“And then eventually nag-teatro. And then movies, musicals again. Nakapunta din sa international for Miss Saigon.
“So napakadami. And then sa personal life ko naman, napakadami ding changes of course dahil noong manalo ako, 15 years old lang ako nung time na yun.
“So, talagang nag-mature rin ako as a person.”
READ:
Gerald Santos wows 50K-strong crowd at NY Mets baseball game
Gerald Santos, naubos ang ipon sa panonood ng Broadway plays

GORGY RULA
Matapos ang Miss Saigon stint ni Gerald Santos sa Denmark, nagbakasyon siya sa Barcelona at Paris, bago tumulak pa-Amerika para manood sa Broadway. Two months siya sa USA, at doon niya nakilala ang girlfriend niyang Pinay na tubong-Cagayan de Oro at nasa military.
GERALD ADMITS GETTING SERIOUS WITH HIS LOVE LIFE
Mas may edad ito nang konti sa kanya. Mag-iisang taon na ang LDR (long-distance relationship) nila.
“Mahirap siyempre, hindi madali ang LDR, alam nating lahat iyan. But you know, kung pareho kayong gusto nyong mag-work ang relationship, then it will work,” lahad ni Gerald.
“Nagtatawagan kami everyday. Talagang communication is key kapagka LDR.
“But I’m thankful actually kasi, two months ako nun sa US, so nagkasama naman kami for like a month. “
We got to tour sa Las Vegas, sa Los Angeles. Tapos nun, pauwi-uwi siya. Umuwi siya nung November. Tapos, pumunta ako nung December dun sa New York.
“Nitong April, umuwi rin siya. And then she’ll be here sa concert. She’ll be here again.”
Sa June 29 na raw mismo ang uwi ng kanyang girlfriend. Napag-uusapan na raw nila ang kasal.
“But for now sobrang busy ako dito, may mga naka-line up na mga project,” pagsisiwalat ni Gerald.
“Siyempre, tinitingnan na rin natin ang mga aspeto na iyan. Magpamilya. Andun na rin tayo sa edad ng pagse-settle down. Ha! Ha! Ha! Medyo ready na rin talaga… “I’m thankful na I started very young. Kaya hindi pa rin naman ganun katanda.”
Hinahanapan na ba siya ng parents niya ng apo?
Tumango si Gerald, “Yeah, oo, nagtatanong na rin sila. Pero ang kuya ko kasi, may dalawa nang anak.
“So, medyo na-fulfill na rin naman ng parents ko yung magkaapo sila. Pero sa akin siyempre, gusto rin nilang magkaapo.”
NOEL FERRER
Guests ni Gerald Santos sa kanyang Grateful! concert sina Ogie Alcasid, Rita Daniela, at Rey Valera.

GERALD PAYS HOMAGE TO HIS SINGING IDOLS
“Obviously si Kuya Ogie is one of my idols. Actually, nung nagsisimula ako sa Pinoy Pop Superstar sa GMA, dalawa sa mga winning pieces ko ay kanta niya,” lahad ni Gerald.
“So definitely he’s part of my journey as well. So malaki ang influence niya sa aking artistry, and kay Tito Rey, ganun din.
“Marami ring songs ni Tito Rey na kinakanta ko… And then, si Rita, she’s my contemporary in showbiz.
“So nung manalo ako actually, halos magkasabay lang kami. Sa Pinoy Pop Superstar ako, siya sa Popstar Kids nung time na yun sa QTV 11, sa Channel 11 pa nun.
“Pero nagkasama-sama kami eventually sa S.O.P., sa mga shows sa GMA.”
Congrats and good luck, Gerald! Ipagpatuloy mo ang lahat ng magaganda mong ginagawa, at sana maipagpatuloy mo ang pagiging dangal ng ating bayan abroad!!!
READ:
Gerald Santos, "dumudugo" na ang ilong at utak dahil sa pag-aaral ng Danish para sa Miss Saigon
What made Gerald Santos accept his role for Miss Saigon in Denmark
